Patuloy na humihikbi si Vicky at makikita na hindi ito taus-pusong pakikiramay. “Huwag mong sabihin ‘yan. Anong 'portion' ang sinasabi mo? Alam ko ang lahat tungkol diyan. $30,000, ano ako? Isang pulubi? Mahal ko talaga siya at ito ang makukuha ko? Syempre, naiinis ako. Gusto ko siyang tanungin kung bakit? Sinabi ko lang ito sa pamilya niya dahil gusto kong magsama-sama ang pamilyang ito sa mga huling sandali niya. Mali ba iyon? Tigilan mo na ang pangungutya sa akin.”Ang mga mata ni Arianne ay puno ng luha sa sobrang kalungkutan na nararamdaman niya. Nalungkot siya para kay Eric. Ang huling bagay na gusto ni Eric ay ang malaman ng pamilyang Nathaniel ang tungkol sa kanyang nalalapit na kamatayan, ngunit dinala ni Vicky ang buong pamilyang ito para lang makakuha siya ng bahagi kapag hinati ng pamilyang Nathaniel ang mga ari-arian ni Eric!Huminga ng malalim si Arianne. “Vicky, hindi ako makikipagtalo sayo. Ayokong gumawa ng eksena lalo na’t hirap nang manatiling buhay si Eric. Mas ma
“Huwag kang mag-alala, nandito naman ako. Walang pumapasok maliban na lang kung sasabihin mo," malamig na sinabi ni Jackson.Napailing si Eric. "Okay lang. Papasukin mo ang kapatid ko. Siya lang ang makatao sa pamilyang Nathaniel."Sumenyas si Arianne kay Jackson na kunin ang kapatid ni Eric. Naintindihan naman ito ni Jackson at binuksan niya ang pinto. Kumakain ang pamilyang Nathaniel, ngunit tila hindi sila naiinis sa mabigat at maruming pakiramdam sa ospital. Pagbukas ng pinto, para silang langaw na nakaharap sa bulok na manok.Napakunot ng noo si Jackson. Pinagmasdan niya ang bawat isa sa kanila na tahimik na nakatayo. Doon lang niya napagtanto na ang kapatid lang ni Eric ang tahimik at ang hindi kumakain kasama nila. Tama si Eric; ang kanyang kapatid na babae ay ang tanging makatao sa pamilya."Ate, pinapapasok ka ni Eric." Tinawag niya itong "ate" para sa kapakanan ni Eric.Nagulat ang kapatid ni Eric. "Sige."Nginitian ni Eric ang kanyang nakatatandang kapatid nang pumasok
Biglang huminto sa paglalakad ang kapatid ni Eric. Hindi siya makapaniwala habang tinititigan niya ang mga tinatawag niyang kamag-anak. "Anong ginagawa mo? Ha? Pa, patay na ang anak mo. Mga kapatid, patay na ang bata niyong kapatid! Anong utang niya sayo? Wala! Lahat ng bagay na iyon ay pagmamay-ari niya. Wala kang karapatang kunin ang mga ito, kahit pa dalhin niya ang mga ito sa kanyang libingan! May mga tao talagang nakakasuka ang ugali! Ang pagiging bahagi ng pamilyang ito ay isang malaking dagok sa akin!"Ang dalawang nakatatandang kapatid na Nathaniel ay pinanghahawakan pa rin ang pag-asang mamanahin nila ang mga ari-arian ni Eric. Si Mr. Nathaniel lang ang nakaisip sa kanilang naging aksyon, kaya bumuntong hininga siya. “Tumahimik kayong lahat! Kalimutan mo na. Hindi tayo dapat pumunta dito ngayon. Hayaan niyo na lang siya…”Napansin ni Vicky na may mali. Doon lang niya napagtanto na patay na si Eric. Lumuhod siya sa bench na parang nawalan siya ng lakas habang nanginginig ang
Sasagutin na sana nila iyon nang makita nilang lumabas si Jackson mula sa ward. Natakot sila kaya agad silang umalis. Tumayo si Vicky mula sa kanyang kinauupuan. “Tapos na ba kayong mag-away sa bawat isa? Aalis na rin ako... Ayaw niya akong makita, kaya ayoko na rin siyang makita…”Halos humupa ang galit ni Arianne nang sampalin niya ang taong iyon. Hindi niya ito pinag-isipan ng matagal dahil hindi rin naman ipinagpatuloy ni Vicky ang kakulitan niya. “Nangako si Eric na bibigyan ka ng $30,000. Ito ang kabaitan niya para sayo. Ibigay mo sa akin ang iyong bank account number; Ililipat ko ang pera sayo mamaya."Umiling si Vicky. "Hindi na. Hindi iyon ang gusto ko.”Hindi naman nagpumilit si Arianne. “Kung ayaw mo ito, ido-donate ko ang pera. Hayaan mo na."Buntis si Tiffany kaya pinauwi muna ni Mark si Jackson. Kailangang alagaan ni Arianne si Smore, kaya pinauwi din niya ang kanyang asawa kasama si Tiffany. Nag-iisa si Mark sa ospital dahil may kailangan pa siyang harapin tungkol sa
Nag-alinlangan siya ng saglit. Pagkatapos nito ay iniunat niya ang kanyang mga braso at hinila si Tanya sa kanyang pagkakayakap. "Hindi ko alam kung paano mag-comfort ng mga tao. Kung malungkot ka, umiyak ka lang."Hindi makagalaw si Tanya. Maya-maya, unti-unting lumabas hikbi sa kanyang lalamunan. Gusto niyang pigilin ito, ngunit hindi niya kayang gawin ito kahit anong mangyari. "I'm sorry... Patay na siya... Nagdadalamhati ako..."‘Siya?’ Hindi alam ni Jett kung sino ang tinutukoy niya. 'Si Jackson ba? Imposible 'yan. Wala akong narinig tungkol doon. Hindi ba gusto niya si Jackson? Maliban kay Jackson, sino ang magpapalungkot sa kanya hanggang sa puntong ito?'Hindi kayang tanungin ni Jett ang bagay na ito. Pinagsama sila dahil sa kanilang kapalaran. Pwede nilang aliwin at painitin ang isa't isa kapag kinakailangan, ngunit hindi nila kayang umibig sa isa't isa.…Pagkaraan ng ilang araw, isa na namang thunderstorm ang bumagsak sa Capital. Napakainit ng panahon bago pa bumagsak a
Inilabas ni Arianne ang kanyang kamay at pinindot ang password ng pinto. “Oo naman.” Pagkatapos nito ay unti-unting bumukas ang bakal na pinto. Nagpasalamat si Janice at nagmamadaling pumasok sa bahay. Ito ang unang beses na pumunta si Janice dito, pero parang pamilyar sa kanya ang lugar. Kung hindi lang parating nananatili sa bahay si Arianne, paniguradong magdududa siya kung ito ang unang beses na pumunta dito si Janice...Pumasok si Arianne sa bahay na parang wala siyang pakialam. Umakyat na si Janice, ngunit hindi pumunta si Arianne para bantayan sila. Tahimik lang siyang naghihintay sa sala. Bumaba na si Janice makalipas ang limang minuto. "Mrs. Tremont, aalis na ako."Napangiti naman si Arianne. "Nag-o-overtime ka, kaya hindi na kita pahihintayin dito. Pero pwede mo bang tanungin si Davy para sa akin? Wala ba siyang mga trabaho? Paano niya hihilingin sa isang intern na tulad mo na maghatid ng ilang mahalagang dokumento dito? Hindi ba niya binu-bully ang bagong empleyado?"Napa
Hindi nagtagal, sumunod si Tiffany at binago niya ang tawag niya kay Summer, “Ma, tulungan mo akong pumili kasama si Ari. Dalian mo! Nalilito ako sa lahat ng mga bagay dito."Saglit na tiningnan ni Summer ang mga alahas. Itinuro niya ang isang kwintas na nilagyan ng brilyante sa gitna ng mga alahas. Bago pa siya makapagsalita, narinig nila ang isang malinaw na boses ng babae mula sa tabi nila. “Kunin mo sa akin yang diamond necklace. Gusto kong makita ito.”Hindi kayang pigilan ni Summer ang kanyang sarili kapag nauunahan siya ng ibang tao sa gusto niya. “Young lady, kami ang nauna. Maghintay ka muna ng sandali. Kung ayaw namin ito, hindi pa huli ang lahat para makuha mo ito."May sasabihin sana ang babaeng iyon ngunit bigla niyang nakita si Tiffany at napahinto siya. Nakita na niya noon si Tiffany sa isang picture na makikita sa wallet ni Alejandro.Sa unang tingin, nakilala ni Arianne na siya ang asawa ni Alejandro na nagngangalang Melanie. "Mrs. Smith, gusto namin ang kwintas n
Mabilis na sumugod sa West residence si Jackson nang ma-recieve niya iyon. “Ma, bakit mo siya pinilit na pumunta dito? Paano mo siya pakakainin araw-araw? Hindi maganda kung ang isang buntis ay nasobrahan sa pagkain."Naiinis naman na sumagot si Summer. “Sinong mas nakakaalam ngayon? Ikaw o ako? Pinakain ko si Tiffie ng masustansyang pagkain. Hindi siya tataba dahil lang doon. Hindi rin magiging madali para sa kanya na tumaba. Naghihintay pa rin akong mahawakan ang isang matabang lalaking apo!"Makikita ang kaawa-awang itsura sa mukha ni Jackson. "Paano kung babae ang anak namin?"Napahinto si Summer. "Anak na babae? Paano naiiba ang isang anak na babae sa isang anak na lalaki? Kabilang pa rin sila sa pamilyang West kahit anong mangyari. Ang mga anak na babae ay mabait at masunurin din. Maganda kung pareho kayong magkakaroon ng anak na lalaki at babae."Nakaramdam si Tiffany ng takot sa kaloob-looban ng kanyang puso. Narinig niyang buong araw na sinasabi ni Summer na gusto niyang m