Ang mga mata ni Sara ay punong-puno nang pag-asa.Nang makita niya kung paano kumilos si Sara, tumawa si Debra. Tiningnan niya si Darryl at sinabing, “Bakit hindi natin samahan si Sara sa exhibit bukas?”Tama si Sara. Gusto ni Debra maglibot sa lugar at aralin ang mga tao at kultura rito dahil matagal na siyang namamalagi sa World Universe. Interesado si Debra sa sa mga paintings at calligraphy. Pagkatapos nang lahat, siya ang pinuno ng Artemis Sect. magaling siya sa chess, kanta, panitikan, sining at marami pang iba.Nang marinig niya na maraming paintings at calligraphy sa exhibition, gustong-gusto niyang tingnan ang mga ito.Dahil excited si Sara at Debra pumunta, tumawa si Darryl at tumango. “Sige na nga! Punta na tayo bukas.”“Yehey! Alam ko namang hindi mo ako matitiis!” naging masaya si Sara sa sinabi ni Darryl. Agad niyang niyakap si Darryl at masayang lumabas ng study room.…Sa Lyndon Residence sa Donghai City.Nasa sala si Samantha, nakasuot siya ng maong na pantalon
Matagal silang magkayakap nang bigla nalang tumunog ang telepono. Kinuha ni Samantha ito at nakita na ang tawag ay galing kay William.“Kailangan kong sagutin ang tawag na ‘to.” Mahinahon na sinabi ni Samantha habang sinagot niya ito.“Gusto ni Lola magkaroon ng emergency family meeting. Dalian mo at wag kang mala-late!” malamig na sinabi ni William pagkasagot ni Samantha ng tawag at agad namang binaba ito.Noong binaba niya ito, kumunot ang noo ni Samantha.Kakabalik lang ni Lily. Gusto niyang gugulin ang oras kasama siya pero mukhang gusto ni Lola Lyndon magpatawag ng family meeting.Nang makita niya ang ekspresyon ng mukha ni Samantha, mahinahon na sinabi ni Lily, “Ma, late na. Kung gusto ni Lola magpatawag ng family meeting ngayon, siguro importante talaga ito. Tara na at pumunta tayo.”Lumipas na ang isang taon, kaya naman iniisip ni Lily kung okay lang ba ang mga kamag-anak niya.Huminga nang malalim si Samantha at tumango, “Sige.”Habang sinasabi niya ‘yon, nakatingin si
“Tama ‘yun…”“Palagi namang may solusyon si Lola Lyndon!”Ang problema ay ang financial supply chain, ito ang sakit sa ulo nila. Wala silang maisip na solusyon.Dahil nakabalik na si Lily, hindi na magiging kumplikado ang mga bagay para hindi magkaroon ng solusyon.Pagkatapos nang lahat, dalawang beses na kinasal si Lily, kaya ang ilang beses pa ay hindi na masakit.‘Ano?’ nanginig si Lily habang nakatingin siya kay Lola Lyndon. Natigilan siya.Kakabalik niya lang pero hindi na sila makapaghintay na magpakasal siya ulit?Wala bang kwenta ang kasiyahan niya sakanyang pamilya?Hindi na ito kayang tiisin ni Samantha kaya naman sabi niya, “Kakabalik lang ni Lily at lahat kayo…”Bago pa niya matapos ang sinasabi niya, sumabat si Lola Lyndon, “Ikaw! Tumigil ka!”Tapos, ngumiti siya at kumaway kay Lily. “Apo ko si Lily, syempre nag-aalala lang ako. Hindi ko siya nakita ng isang taon. Halika rito para makita kita.Nag alinlangan si Lily bago siya naglakad papunta kay Lola Lyndon.H
Nadismaya si Lily nang marinig niya ang mga insult tungkol sakanya. ‘Paano nila nagawang insultuhin ako?’“Tumigil nga kayo!” hinila ni Samantha si Lily papunta sa likod niya. Tiningnan niya ang kanyang paligid at sinabing, “Pamilya pa rin natin si Lily. Nasira man ang kanyang mukha, siya pa rin ito. Malungkot na siya dahil dito pero pinagtatawanan at iniinsulto niyo pa rin siya. Wala ba kayong konsensya?”“Konsensya?”“May gana ka pang magsalita!” humakbang si William at tiningnan si Samantha. Ngumisi siya, “Isang taon na ang nakalipas simula noong ikakasal dapat si Lily kay Wade, gumawa siya nang gulo tungkol sa kung gaano niya minahal si Darryl at gusto niya itong hanapin. Ang insidenteng ito ay ginawa biro ang ating pamilya sa buong Donghai City!”“Atsaka, noong nakaraan, ang tatay ni Lily ay maraming napatalo na investment. Nakalimutan niyo na ba ‘yon? Ang dahilan kung bakit nasa masamang estado ang pamilya natin ngayon ay dahil sainyong tatlo!”Tumango at sumang-ayon naman a
Nanginig si Lily, ang ekspresyon niya ay hindi maganda.Nawawalan na rin nang pag-asa si Samantha. Hindi niya inaasahan na mawawalang ng puso ang pamilya nila dahil sap era.“Lola…” tinawag ito ni Lily.Si Lola Lyndon ay humawak sakanyang tungkod, nanginginig siya habang tumatayo. Walang kahit anong ekspresyon sakanyang mukha, sinabi niya, “Lily, wag mo akong sisihin dahil wala akong puso. Tama si William. Kapag naging matigas ang ulo niyong dalawa, wala tayong magagawa kung hindi gawin ito.”Galit na si Samantha. Gusto niyang sumagot pero pinigilan siya ni Lily.“Ma, wag mo na patulan!” huminga nang malalim si Lily at mahinahong sinabi, “Tungkol lang naman ‘to sa pera, hindi ba? Ibibigay natin sakanila ‘yon.”Tapos tiningnan niya si William at nagtanong, “Magkano ba ang kailangan para sa financial supply chain?”Malamig na sinabi ni William, “Isang daang milyon.”‘Isang daang milyon?’ nakaramdam nang pait si Lily sakanyang puso. Kinagat niya ang kanyang ngipin at sinabing, “Ma
“Tingnan mo, hindi ako nagkamali! Ang exhibition ay masaya!” sabi ni Sara. Ang masaya niyang ekspresyon ay para bang isa siyang maliit na ibon na nakalaya sa kulungan.Tapos, isa sa mga exhibition staff ay naglakad sa unahan at sumigaw sa mikropono. “Okay, ang exhibition ay bukas na! Maaari na kayong pumasok sa loob pagsabi ko, wag kayong magtulakan, at…”Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, ang mga tao sa pila ay nagpumilit na agad makapasok sa loob.Ang exhibition ay maraming koleksyon, iba’t ibang jades, calligraphy at painting… Nasa loob na ang lahat! Ang lahat sa Western Zhou dynasty hanggang sa dulo ng Qing dynasty, lahat ng antique na galing sa bawat dynasty ay naroon.Ang mga parokyano ay pumasok sa exhibition at nagsimula nang ilabas ang kanilang mga telepono. Gusto nilang kuhaan ng litrato ang lahat nang makita nila.Si Darryl, Debra at si Sara ay hinangaan ang mga koleksyon ng antique. Hindi interesado si Debra sa mga antique pero interesado siya sa mga ancient p
Ayaw ni Darryl seryosohin ang pangyayari. Gayunpaman, nang makita niya ang ekspresyon sa mukha ng mga tao, tumawa siya at nagcomment tungkol sa Ping’an Tie.Ano? Anong karapatan niyang magcomment nang ganun?Tumawa naman agad ang mga tao at tiningnan si Darryl.Tapos, sa sandaling ‘yon, mayroong nangyari sa may hagdan.“Narito na si Max Harrington!”“Si Angela Angel… Narito rin siya!”May mga kaunting tao ang lumapit sakanila, sinamahan pa ng cheer at sigaw galing sa mga tao.Isa sakanila ay isang matandang lalaki na nakasuot ng kulay asul na Chinese jacket. Kahit na maamo ang mukha nito, mayroon siyang nakakatakot na aura na hindi kaya ng ibang tao. Ito ay si Max Harrington.Isang maganda at nakakaakit na babae na may maliit na pigura at nakatayo sa tabi niya. Mayroon itong mahabang binti at nakasuot ng kulay lila na bistida. Nakakaakit ang katawan niya at maganda ang mukha niya na may mahabang buhok. Ang aura niya ay kakaiba.Isa siyang sikat na artista, si Angela Angel. Ini
“Oo nga, humingi ka nang tawad kay Pinunong Max ngayon na!”“Humingi ka nang tawad!”Sa mahigpit na pangangaral ng mga tao. Dahan-dahang lumingon si Darryl kay Max. “Humingi nang tawad? Bakit ako hihingi nang tawad? Oo, prangka ako pero hindi ako nagsisinungaling. Peke ‘yang Ping’an Tie na ‘yan. Bakit ako hihingi nang tawad?”Nagsigawan ang mga tao.Nababaliw na ang lalaking ‘yon! Bakit ganoon siya kasama kay Pinunong Max?Nag-aalala na rin si Debra. Alam niyang matigas ang ulo ni Darryl.Tumingin si Max kay Darryl at sinabing, “Anong ebidensya mo na peke ito?”Malaki ang nagastos ni Max para makuha ang Ping’an Tie. Gumugol siya nang maraming taon para aralin ang calligraphy. Minahal niya rin ang mga gawa ni Wang Xizhi simula bata pa siya kaya naman paano siya magkakamali?Sa sandaling ‘yon, sabi ni Angela Angel, “Manong, sabi mo ay peke ito. May pruweba ka ba?”Pinainit niya ang ulo ni Darryl habang tinitingnan niya ito. Bakit parang pamilyar ang lalaki na ‘to sakanya? Para b