Ayaw ni Darryl seryosohin ang pangyayari. Gayunpaman, nang makita niya ang ekspresyon sa mukha ng mga tao, tumawa siya at nagcomment tungkol sa Ping’an Tie.Ano? Anong karapatan niyang magcomment nang ganun?Tumawa naman agad ang mga tao at tiningnan si Darryl.Tapos, sa sandaling ‘yon, mayroong nangyari sa may hagdan.“Narito na si Max Harrington!”“Si Angela Angel… Narito rin siya!”May mga kaunting tao ang lumapit sakanila, sinamahan pa ng cheer at sigaw galing sa mga tao.Isa sakanila ay isang matandang lalaki na nakasuot ng kulay asul na Chinese jacket. Kahit na maamo ang mukha nito, mayroon siyang nakakatakot na aura na hindi kaya ng ibang tao. Ito ay si Max Harrington.Isang maganda at nakakaakit na babae na may maliit na pigura at nakatayo sa tabi niya. Mayroon itong mahabang binti at nakasuot ng kulay lila na bistida. Nakakaakit ang katawan niya at maganda ang mukha niya na may mahabang buhok. Ang aura niya ay kakaiba.Isa siyang sikat na artista, si Angela Angel. Ini
“Oo nga, humingi ka nang tawad kay Pinunong Max ngayon na!”“Humingi ka nang tawad!”Sa mahigpit na pangangaral ng mga tao. Dahan-dahang lumingon si Darryl kay Max. “Humingi nang tawad? Bakit ako hihingi nang tawad? Oo, prangka ako pero hindi ako nagsisinungaling. Peke ‘yang Ping’an Tie na ‘yan. Bakit ako hihingi nang tawad?”Nagsigawan ang mga tao.Nababaliw na ang lalaking ‘yon! Bakit ganoon siya kasama kay Pinunong Max?Nag-aalala na rin si Debra. Alam niyang matigas ang ulo ni Darryl.Tumingin si Max kay Darryl at sinabing, “Anong ebidensya mo na peke ito?”Malaki ang nagastos ni Max para makuha ang Ping’an Tie. Gumugol siya nang maraming taon para aralin ang calligraphy. Minahal niya rin ang mga gawa ni Wang Xizhi simula bata pa siya kaya naman paano siya magkakamali?Sa sandaling ‘yon, sabi ni Angela Angel, “Manong, sabi mo ay peke ito. May pruweba ka ba?”Pinainit niya ang ulo ni Darryl habang tinitingnan niya ito. Bakit parang pamilyar ang lalaki na ‘to sakanya? Para b
Ang Ping’an Tie na ginawa ni Darryl ay kamukhang kamukha ang nasa pader, kahit anong angulo pa ito tingnan! Ang ginawa niya nga ay mas maganda kaysa sa nakasabit sa pader!Siya ba talaga ang nagsulat nung nasa pader?Paano magagawa ng isang tulad niya ang ganoon kagandang calligraphy?“Ikaw…” matapos ang ilang sandali, bumalik na sa ulirat si Max. Tagaktak ang pawis niya, sabi niya kay Darryl, “Kaibigan, saan kang galing na pamilya? Bakit ka pumunta sa exhibition ko ngayong araw?”‘Ang taong ito ay parang hindi ordinaryong tao! Subalit, pinahiya niya ako sa harap nang maraming tao, masyado na ito! Ngayon, ang buong Mid City ay alam na peke ang mga nasa exhibition ko!’ sa isip ni Max.Galit na galit si Max pero natatakot siya na baka galing sa mayamang pamilya si Darryl na hindi niya dapat masaktan.Ngumiti si Darryl habang hawak niya ang kamay ni Debra, “Ako? Narito ako kasama ang asawa ko at ang kapatid ko. Gusto nilang pumunta rito sa exhibition mo. Kung hindi naman nila ako ki
“Manang Carter, sobrang magiging masaya ako kapag dinala mo sakin si Pinunong Darby!” sabi ni Max.“Haha!”Si Darryl na nasa gilid ay ang lakas nang tawa sa mga sinasabi ni Max. Sikat na pala ang pangalan niya ngayon?Nang marinig niya si Darryl na tumatawa, kumunot ang noo ni Max at sumigaw, “Bakit hindi ka pa umaalis?!”Pinapakita ni Darryl ang kanyang calligraphy kanina lang at naging dahilan ito para mainis si Max na gusto lang naman na paalisin si Darryl. Kukunin na ni Max ang walkie-talkie niya at tatawag ng security para samahan si Darryl palabas. Sa sandaling ‘yon, galit na nakatingin si Sara kay Max at sinabing, “Kasama ko ang kapatid ko rito! Anong karapatan mong paalis siya rito!”Hinahangaan ni Sara si Darryl at ayaw niya na binabastos siya ng ibang tao, kaya naman bigla siyang nagalit. Kahit na sikat ang tao na nasa harapan niya, hindi niya ito hahayaang bastusin si Darryl!‘Ano? Tinawag ni Sara na Kuya si Darryl?’Nagulat ang mga tao sa narinig nila.‘Ang tao na
Sinundan ni Debra at Sara si Darryl habang si Max ay nakatayo lang doon. Natigilan siya noong umalis si Darryl. Paano niya nagawang sirain ang oportunidad na makilala at makita niya ang bayani niya?Naramdaman niyang gusto niyang sampalin ang sarili niya sa isip niya.Lumingon si Debra habang nakatingin kay Darryl noong nasal abas na sila at tumawa, “Hindi ko inaasahan na sikat ka pala rito sa World Universe.Napansin ni Debra ang paghanga sa mata ng mga tao habang tinitingnan nila si Darryl. Nakaramdam siya nang kasiyahan na ang lalaki niya ay magaling.Tumawa si Darryl at bago pa siya magsalita, sabi ni Sara, “Syempre naman! Idolo ng lahat si Darryl dito sa World Universe. Marami siyang fangirls dito na patay na patay sakanya!”Idolo? Tumawa nang malakas si Darryl sa salitang ‘yon at hindi niya napigilang tumawa at tinapik ang ulo ni Sara. “Ang galing mo talaga mag salita.”Tumawa si Sara, nilabas ang kanyang dila at nagpacute.“Manong Darryl!”Habang tumatawa sila, may boses
“Ma, wag kang mataranta. Gagawa ako nang paraan para makakuha ng ganong pera.” Sabi ni Lily habang kinakagat niya ang kanyang labi.“Paano? Paano ka makakakuha ng ganoon kalaking pera?” nag-aalala na si Samantha. “Isang daang milyong dolyar ‘yon! Dati, kaya mong kumita dahil sa livestreaming mo pero isang taon mo na ‘tong hindi nagagawa. Atsaka, ang mukha mo…”Noong sinabi ‘yon ni Samantha, napansin niyang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Lily at agad niyang napagtanto na mali ang nasabi niya.Alam niyang nasaktan niya ang damdamin ng anak niya.Hindi na ito pinansin ni Lily dahil magulo na ang isip niya. Matatag siya na hindi niya ibebenta ang mansyon. Subalit, kahit na humiram siya ng pera sa iba, walang magpapahiram sakanya dahil ang laki nito!“Oo nga!” pumalakpak si Lily at agad na pumunta sa kwarto niya. May kinuha siyang kakaibang kahon galing sa cabinet niya.Ang isang ginto na mukhang mamahalin at ang kasama nun ay isang pares ng crystal na sapatos. Ito ang Worship of
Sa tanong ni Darryl, tiningnan ni Debra si Jewel nang nag-aalala.Si Sara na nasa tabi niya ay sinabing, “Jewel, sabihin mo samin agad. Sinong nanakit sa’yo? Hindi palalampasin ito ni Darryl.”“Hmmm…” kinagat ni Jewel ang kanyang labi habang nakaharap sakanilang tatlo. Inisip niya muna bago niya sabihin, “Masyadong madilim noong gabing ‘yon, hindi ko masyadong nakita kung sino siya.”Naguguluhan si Jewel habang sinasabi niya ito at hindi nagtangkang tingnan si Darryl. Syemre alam niya na si Yvonne Young ang nanakit sakanya noong gabing ‘yon pero hindi niya ito masabi kay Darryl.Hindi alam ni Jewel kung bakit siya sinaktan ni Yvonne. Alam niya lang na may relasyon sina Darryl at Yvonne. Natatakot siya na baka makaapekto ito sa relasyon nila kapag sinabi niya ang totoo.Naniniwala rin siya na ang gustong babae ni Darryl ay mabait. May rason siguro kung bakit siya sinaktan ni Yvonne, kaya naman napagdesisyunan ni Jewel na wag na niyang sabihin ang totoo at tanungin nalang nang perso
Samantala, naglakad palabas ng kwarto si Darryl at sinabihan ang dalawang katulong na ipaghanda ng pagkain si Jewel.“Kuya Darryl.” Kinausap siya ni Nimbus Dixon sa malayo sa sandaling ‘yon.Dahil sa relasyon ni Darryl sa mga Carter, ang mga miyembro ng Elysium Gate ay hindi na kailangan magreport sakanya kapag papasok ng mansyon ng mga Carter.Kumuha ng imbistasyon si Nimbus at agad itong binigay kay Darryl. “Kuya Darryl, itong imbitasyon na ‘to ay galing kay Shaolin, Wudang at ang limang sekta na naghanda para maghost ng martial arts conference.”‘Martial arts conference?’ tinanngap ni Darryl ang imbitasyon. Hindi niya napigilan at kumunot ang noo niya.Patuloy na nagsalita si Nimbus. “Narinig ko na lahat ng sekta ay pupunta sa martial arts conference. Oo nga pala, ang Flower Mountain at Eternal Life Palace Sect ay nakatanggap din ng imbitasyon.‘Si Dax at Chester ay imbitado rin? Sige titingnan ko.’ Sinabi ni Darryl sa isip niya atsaka siya tumango at sumagot, “Sige. Nakuha ko