Nadismaya si Lily nang marinig niya ang mga insult tungkol sakanya. ‘Paano nila nagawang insultuhin ako?’“Tumigil nga kayo!” hinila ni Samantha si Lily papunta sa likod niya. Tiningnan niya ang kanyang paligid at sinabing, “Pamilya pa rin natin si Lily. Nasira man ang kanyang mukha, siya pa rin ito. Malungkot na siya dahil dito pero pinagtatawanan at iniinsulto niyo pa rin siya. Wala ba kayong konsensya?”“Konsensya?”“May gana ka pang magsalita!” humakbang si William at tiningnan si Samantha. Ngumisi siya, “Isang taon na ang nakalipas simula noong ikakasal dapat si Lily kay Wade, gumawa siya nang gulo tungkol sa kung gaano niya minahal si Darryl at gusto niya itong hanapin. Ang insidenteng ito ay ginawa biro ang ating pamilya sa buong Donghai City!”“Atsaka, noong nakaraan, ang tatay ni Lily ay maraming napatalo na investment. Nakalimutan niyo na ba ‘yon? Ang dahilan kung bakit nasa masamang estado ang pamilya natin ngayon ay dahil sainyong tatlo!”Tumango at sumang-ayon naman a
Nanginig si Lily, ang ekspresyon niya ay hindi maganda.Nawawalan na rin nang pag-asa si Samantha. Hindi niya inaasahan na mawawalang ng puso ang pamilya nila dahil sap era.“Lola…” tinawag ito ni Lily.Si Lola Lyndon ay humawak sakanyang tungkod, nanginginig siya habang tumatayo. Walang kahit anong ekspresyon sakanyang mukha, sinabi niya, “Lily, wag mo akong sisihin dahil wala akong puso. Tama si William. Kapag naging matigas ang ulo niyong dalawa, wala tayong magagawa kung hindi gawin ito.”Galit na si Samantha. Gusto niyang sumagot pero pinigilan siya ni Lily.“Ma, wag mo na patulan!” huminga nang malalim si Lily at mahinahong sinabi, “Tungkol lang naman ‘to sa pera, hindi ba? Ibibigay natin sakanila ‘yon.”Tapos tiningnan niya si William at nagtanong, “Magkano ba ang kailangan para sa financial supply chain?”Malamig na sinabi ni William, “Isang daang milyon.”‘Isang daang milyon?’ nakaramdam nang pait si Lily sakanyang puso. Kinagat niya ang kanyang ngipin at sinabing, “Ma
“Tingnan mo, hindi ako nagkamali! Ang exhibition ay masaya!” sabi ni Sara. Ang masaya niyang ekspresyon ay para bang isa siyang maliit na ibon na nakalaya sa kulungan.Tapos, isa sa mga exhibition staff ay naglakad sa unahan at sumigaw sa mikropono. “Okay, ang exhibition ay bukas na! Maaari na kayong pumasok sa loob pagsabi ko, wag kayong magtulakan, at…”Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, ang mga tao sa pila ay nagpumilit na agad makapasok sa loob.Ang exhibition ay maraming koleksyon, iba’t ibang jades, calligraphy at painting… Nasa loob na ang lahat! Ang lahat sa Western Zhou dynasty hanggang sa dulo ng Qing dynasty, lahat ng antique na galing sa bawat dynasty ay naroon.Ang mga parokyano ay pumasok sa exhibition at nagsimula nang ilabas ang kanilang mga telepono. Gusto nilang kuhaan ng litrato ang lahat nang makita nila.Si Darryl, Debra at si Sara ay hinangaan ang mga koleksyon ng antique. Hindi interesado si Debra sa mga antique pero interesado siya sa mga ancient p
Ayaw ni Darryl seryosohin ang pangyayari. Gayunpaman, nang makita niya ang ekspresyon sa mukha ng mga tao, tumawa siya at nagcomment tungkol sa Ping’an Tie.Ano? Anong karapatan niyang magcomment nang ganun?Tumawa naman agad ang mga tao at tiningnan si Darryl.Tapos, sa sandaling ‘yon, mayroong nangyari sa may hagdan.“Narito na si Max Harrington!”“Si Angela Angel… Narito rin siya!”May mga kaunting tao ang lumapit sakanila, sinamahan pa ng cheer at sigaw galing sa mga tao.Isa sakanila ay isang matandang lalaki na nakasuot ng kulay asul na Chinese jacket. Kahit na maamo ang mukha nito, mayroon siyang nakakatakot na aura na hindi kaya ng ibang tao. Ito ay si Max Harrington.Isang maganda at nakakaakit na babae na may maliit na pigura at nakatayo sa tabi niya. Mayroon itong mahabang binti at nakasuot ng kulay lila na bistida. Nakakaakit ang katawan niya at maganda ang mukha niya na may mahabang buhok. Ang aura niya ay kakaiba.Isa siyang sikat na artista, si Angela Angel. Ini
“Oo nga, humingi ka nang tawad kay Pinunong Max ngayon na!”“Humingi ka nang tawad!”Sa mahigpit na pangangaral ng mga tao. Dahan-dahang lumingon si Darryl kay Max. “Humingi nang tawad? Bakit ako hihingi nang tawad? Oo, prangka ako pero hindi ako nagsisinungaling. Peke ‘yang Ping’an Tie na ‘yan. Bakit ako hihingi nang tawad?”Nagsigawan ang mga tao.Nababaliw na ang lalaking ‘yon! Bakit ganoon siya kasama kay Pinunong Max?Nag-aalala na rin si Debra. Alam niyang matigas ang ulo ni Darryl.Tumingin si Max kay Darryl at sinabing, “Anong ebidensya mo na peke ito?”Malaki ang nagastos ni Max para makuha ang Ping’an Tie. Gumugol siya nang maraming taon para aralin ang calligraphy. Minahal niya rin ang mga gawa ni Wang Xizhi simula bata pa siya kaya naman paano siya magkakamali?Sa sandaling ‘yon, sabi ni Angela Angel, “Manong, sabi mo ay peke ito. May pruweba ka ba?”Pinainit niya ang ulo ni Darryl habang tinitingnan niya ito. Bakit parang pamilyar ang lalaki na ‘to sakanya? Para b
Ang Ping’an Tie na ginawa ni Darryl ay kamukhang kamukha ang nasa pader, kahit anong angulo pa ito tingnan! Ang ginawa niya nga ay mas maganda kaysa sa nakasabit sa pader!Siya ba talaga ang nagsulat nung nasa pader?Paano magagawa ng isang tulad niya ang ganoon kagandang calligraphy?“Ikaw…” matapos ang ilang sandali, bumalik na sa ulirat si Max. Tagaktak ang pawis niya, sabi niya kay Darryl, “Kaibigan, saan kang galing na pamilya? Bakit ka pumunta sa exhibition ko ngayong araw?”‘Ang taong ito ay parang hindi ordinaryong tao! Subalit, pinahiya niya ako sa harap nang maraming tao, masyado na ito! Ngayon, ang buong Mid City ay alam na peke ang mga nasa exhibition ko!’ sa isip ni Max.Galit na galit si Max pero natatakot siya na baka galing sa mayamang pamilya si Darryl na hindi niya dapat masaktan.Ngumiti si Darryl habang hawak niya ang kamay ni Debra, “Ako? Narito ako kasama ang asawa ko at ang kapatid ko. Gusto nilang pumunta rito sa exhibition mo. Kung hindi naman nila ako ki
“Manang Carter, sobrang magiging masaya ako kapag dinala mo sakin si Pinunong Darby!” sabi ni Max.“Haha!”Si Darryl na nasa gilid ay ang lakas nang tawa sa mga sinasabi ni Max. Sikat na pala ang pangalan niya ngayon?Nang marinig niya si Darryl na tumatawa, kumunot ang noo ni Max at sumigaw, “Bakit hindi ka pa umaalis?!”Pinapakita ni Darryl ang kanyang calligraphy kanina lang at naging dahilan ito para mainis si Max na gusto lang naman na paalisin si Darryl. Kukunin na ni Max ang walkie-talkie niya at tatawag ng security para samahan si Darryl palabas. Sa sandaling ‘yon, galit na nakatingin si Sara kay Max at sinabing, “Kasama ko ang kapatid ko rito! Anong karapatan mong paalis siya rito!”Hinahangaan ni Sara si Darryl at ayaw niya na binabastos siya ng ibang tao, kaya naman bigla siyang nagalit. Kahit na sikat ang tao na nasa harapan niya, hindi niya ito hahayaang bastusin si Darryl!‘Ano? Tinawag ni Sara na Kuya si Darryl?’Nagulat ang mga tao sa narinig nila.‘Ang tao na
Sinundan ni Debra at Sara si Darryl habang si Max ay nakatayo lang doon. Natigilan siya noong umalis si Darryl. Paano niya nagawang sirain ang oportunidad na makilala at makita niya ang bayani niya?Naramdaman niyang gusto niyang sampalin ang sarili niya sa isip niya.Lumingon si Debra habang nakatingin kay Darryl noong nasal abas na sila at tumawa, “Hindi ko inaasahan na sikat ka pala rito sa World Universe.Napansin ni Debra ang paghanga sa mata ng mga tao habang tinitingnan nila si Darryl. Nakaramdam siya nang kasiyahan na ang lalaki niya ay magaling.Tumawa si Darryl at bago pa siya magsalita, sabi ni Sara, “Syempre naman! Idolo ng lahat si Darryl dito sa World Universe. Marami siyang fangirls dito na patay na patay sakanya!”Idolo? Tumawa nang malakas si Darryl sa salitang ‘yon at hindi niya napigilang tumawa at tinapik ang ulo ni Sara. “Ang galing mo talaga mag salita.”Tumawa si Sara, nilabas ang kanyang dila at nagpacute.“Manong Darryl!”Habang tumatawa sila, may boses