Hay!Huminga nang malalim si Lily habang kinakagat niya ang kanyang labi at sinabi niya, “Hindi nga ako.”“Magaling! Magaling!”Galit na galit si Crystal, tinuro niya si Lily. “Tinatanggi mo pa rin. Patuloy mo siyang saktan, saktan mo siya hanggang aminin niya!”Hinataw ulit ni Lanvin ng sinturon siya Lily.Slap! Slap! Slap!Ang tunog nang hataw ay naging dahilan para matakot ang mga nanonood.Gayunpaman, kinagat ni Lily ang kanyang ngipin para tiisin ang sakit. Hindi siya sumisigaw.Maya-maya, punong-puno na ng dugo ang bistida ni Lily. Nanghihina na siya pero determinado pa rin ang kanyang mga mata.Kahit na mahina na si Lily, matapang pa rin ang kanyang pagkatao.Hindi naman niya ito itatanggi kung may ginawa siyang mali. Subalit, kung hindi niya ito ginawa, hindi naman niya ito aaminin, kahit na kailangan niya pang mamatay.Napagtanto ni Crystal na mahihimatay na si Lily, kaya naman tumayo siya at inangat nang mahinhin ang kanyang kamay.Inalis ni Lanvin ang malambot na
Sa Mid City kasama ang pamilya Carter.Maganda ang panahon habang sumisikat ang araw. Ang buong mansyon ay payapa at masaya. Masayang umiinom ng tsaa si Zoran sa main hall.Nakaupo sa tabi niya si Darryl at nag-aalala ito. Nalulungkot siya.Simula noong pinamunuan ni Darryl ang Elysium Gate pabalik sa New World, agad siyang dumiretso sa pamilya Carter. Noong makarating na siya sa mansyon, hinayaan niyang kunin ni Jewel ang mga kayamanan galing sa iba’t ibang mundo. Naging maganda ang pakiramdam niya pagkatapos nun. Naging maayos na ang kanyang paghinga pero wala pa rin siyang malay. Hindi naglilinang si Jewel, ang abilidad niya ay mahina.Gayunpaman, hindi ‘yon ang dahilan kung bakit malungkot si Darryl.Noong bumalik sila galing sa New World, gustong makibalita ni Darryl tungkol kay Monica kay Yvonne.Subalit, ang sabi ni Yvonne ay wala siyang alam kung anong balita rito.Walang ibang nagawa si Darryl kaya naman may mga kaunting alagad ng Elysium Gate ang pinag imbestiga niya
Namumutla ang mukha ni Lily at ang kanyang paligid ay malamig, siguro ay hindi na niya kayang mabuhay nang isang gabi pa.‘Mamamatay ba talaga ako sa bartolinang ‘to ngayong gabi?’Kinagat ni Lily ang kanyang mga labi habang niyayakap ang kanyang tuhod gamit ang kanyang dalawang braso. Umupo siya para makaramdam nang init. Ngunit, ang mukha niya ay mayroon pa ring pagkadismaya. ‘Kahit na kayanin ko ang gabing ‘to, ano namang susunod na mangyayari? Bukas ay dadaan ako sa libong paghiwa at milyong pagputol. Hindi ko pa rin matatakasan ang kamatayan.Nadismaya si Lily habang iniisip niya ito.Chirp!Bigla nalang siyang may narinig na hakbang galing sa labas ng pintuan sa bartolina. Magaan ang tunog nito! Matapos ang ilang segundo, pagkatapos ng magaan na tunog at nginig, bumukas ang pinto nang bahagya. Tapos, isang mapayat na katawan ang biglang pumasok.Sino ‘yon?‘Pumunta ba si Ate Lanvin para parusahan akong muli?’Nanginginig ang puso ni Lily, naisip niya na si Lanvin ‘yon. Su
Samantala, sa mansyon ng mga Carter.Sa lumipas na dalawang araw, kung hindi niya kailangang alagaan si Jewel, gugugulin ni Darryl ang oras niya sa study room para magsulat at gumuhit.Nasa tabi lang ni Darryl si Debra nitong mga nakaraang araw. Nagustuhan niya ang katahimikan sa study room.Mahal na mahal ni Debra si Darryl. Kahit saan siya pumunta ay sinusundan niya ito. Kaya naman, naenjoy niya ang panonood kay Darryl magsulat. Gayunpaman, sa tingin niya na maganda ang pagsusulat ni Darryl.Sa sandaling ‘yon, umupo si Darryl sa study table at tahimik na nagsusulat. Nasa tabi niya si Debra habang nagbabasa ng libro tungkol sa mga tula.“Hmm?” biglang nanginig si Debra. Naghiwalay ang kanyang pulang labi at sinabing, “May makapagsasabi ba sakin kung ano ang ibig sabihin nang pagmamahal? Nagagawa nitong maganda ang kamatayan dahil kasama kita…”Binigkas niya ang tula muli bago niya inangat ang kanyang ulo at nagulat na tumingin kay Darryl. “Darryl, hindi ba ito yung sinulat mong
Ang mga mata ni Sara ay punong-puno nang pag-asa.Nang makita niya kung paano kumilos si Sara, tumawa si Debra. Tiningnan niya si Darryl at sinabing, “Bakit hindi natin samahan si Sara sa exhibit bukas?”Tama si Sara. Gusto ni Debra maglibot sa lugar at aralin ang mga tao at kultura rito dahil matagal na siyang namamalagi sa World Universe. Interesado si Debra sa sa mga paintings at calligraphy. Pagkatapos nang lahat, siya ang pinuno ng Artemis Sect. magaling siya sa chess, kanta, panitikan, sining at marami pang iba.Nang marinig niya na maraming paintings at calligraphy sa exhibition, gustong-gusto niyang tingnan ang mga ito.Dahil excited si Sara at Debra pumunta, tumawa si Darryl at tumango. “Sige na nga! Punta na tayo bukas.”“Yehey! Alam ko namang hindi mo ako matitiis!” naging masaya si Sara sa sinabi ni Darryl. Agad niyang niyakap si Darryl at masayang lumabas ng study room.…Sa Lyndon Residence sa Donghai City.Nasa sala si Samantha, nakasuot siya ng maong na pantalon
Matagal silang magkayakap nang bigla nalang tumunog ang telepono. Kinuha ni Samantha ito at nakita na ang tawag ay galing kay William.“Kailangan kong sagutin ang tawag na ‘to.” Mahinahon na sinabi ni Samantha habang sinagot niya ito.“Gusto ni Lola magkaroon ng emergency family meeting. Dalian mo at wag kang mala-late!” malamig na sinabi ni William pagkasagot ni Samantha ng tawag at agad namang binaba ito.Noong binaba niya ito, kumunot ang noo ni Samantha.Kakabalik lang ni Lily. Gusto niyang gugulin ang oras kasama siya pero mukhang gusto ni Lola Lyndon magpatawag ng family meeting.Nang makita niya ang ekspresyon ng mukha ni Samantha, mahinahon na sinabi ni Lily, “Ma, late na. Kung gusto ni Lola magpatawag ng family meeting ngayon, siguro importante talaga ito. Tara na at pumunta tayo.”Lumipas na ang isang taon, kaya naman iniisip ni Lily kung okay lang ba ang mga kamag-anak niya.Huminga nang malalim si Samantha at tumango, “Sige.”Habang sinasabi niya ‘yon, nakatingin si
“Tama ‘yun…”“Palagi namang may solusyon si Lola Lyndon!”Ang problema ay ang financial supply chain, ito ang sakit sa ulo nila. Wala silang maisip na solusyon.Dahil nakabalik na si Lily, hindi na magiging kumplikado ang mga bagay para hindi magkaroon ng solusyon.Pagkatapos nang lahat, dalawang beses na kinasal si Lily, kaya ang ilang beses pa ay hindi na masakit.‘Ano?’ nanginig si Lily habang nakatingin siya kay Lola Lyndon. Natigilan siya.Kakabalik niya lang pero hindi na sila makapaghintay na magpakasal siya ulit?Wala bang kwenta ang kasiyahan niya sakanyang pamilya?Hindi na ito kayang tiisin ni Samantha kaya naman sabi niya, “Kakabalik lang ni Lily at lahat kayo…”Bago pa niya matapos ang sinasabi niya, sumabat si Lola Lyndon, “Ikaw! Tumigil ka!”Tapos, ngumiti siya at kumaway kay Lily. “Apo ko si Lily, syempre nag-aalala lang ako. Hindi ko siya nakita ng isang taon. Halika rito para makita kita.Nag alinlangan si Lily bago siya naglakad papunta kay Lola Lyndon.H
Nadismaya si Lily nang marinig niya ang mga insult tungkol sakanya. ‘Paano nila nagawang insultuhin ako?’“Tumigil nga kayo!” hinila ni Samantha si Lily papunta sa likod niya. Tiningnan niya ang kanyang paligid at sinabing, “Pamilya pa rin natin si Lily. Nasira man ang kanyang mukha, siya pa rin ito. Malungkot na siya dahil dito pero pinagtatawanan at iniinsulto niyo pa rin siya. Wala ba kayong konsensya?”“Konsensya?”“May gana ka pang magsalita!” humakbang si William at tiningnan si Samantha. Ngumisi siya, “Isang taon na ang nakalipas simula noong ikakasal dapat si Lily kay Wade, gumawa siya nang gulo tungkol sa kung gaano niya minahal si Darryl at gusto niya itong hanapin. Ang insidenteng ito ay ginawa biro ang ating pamilya sa buong Donghai City!”“Atsaka, noong nakaraan, ang tatay ni Lily ay maraming napatalo na investment. Nakalimutan niyo na ba ‘yon? Ang dahilan kung bakit nasa masamang estado ang pamilya natin ngayon ay dahil sainyong tatlo!”Tumango at sumang-ayon naman a