Kabanata 2596
Kaagad na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Ambrose.

‘Naku! Hindi ba’t kasabay ni Donoghue ang pagkawala ng Sky Breaking Axe? Bakit nasa mga kamay ito ni Zhang Jue?’ Naisip nito.

Di nagtagal at pinakalma ni Ambrose ang kaniyang sarili saka ito sumigaw. “Mag-iingat kayo, apat kong tito!”

Kahit na mga kasamahan ng kaniyang ama ang Dixon Quadruplets ay palagi silang matapat sa Elysium Gate Sect at ginagalang sila ng lahat. Kaya naman tito ang tawag ni Ambrose sa mga ito.

Ngakatinginan at tumango sa isa’t isa ang Dixon Quadruplets dahil sa kanilang narinig.

“Huwag kayong mag-alala, Young Master.”

“Magkakaisa kami ngayon at papatayin ang salot na ito!”

Mabilis na pinalibutan ng quadruplets at ni Ambrose si Zhang Jue at nagsimula ang matinding labanan.

Samantala, nasa matinding labanan naman sina Laura at Chester sa loob ng prisinto. Sa isang kisapmata ay naglaban sila at nagtagal ito ng higit isang dosenang rounds.

Si Laura ang sikat na diyosa sa komunidad ng New World. Napakalaka
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP