”Sh*t!” Dumilim ang mukha ni Paul nang itaas niya ang kaniyang palad at sinampal ang babae!Slap!Ginamit ni Paul ang kaniyang buong lakas sa sampal na iyon, hindi ito kinaya ni Sara kaya sumigaw ang babae. Bumakat ang sariwang kulay pulang marka sa kaniyang mukha.“Huwag mong gamitin si Darryl sa pananakot sa akin. Hindi manlang magagawang iligtas ni Darryl ang kaniyang sarili ngayon; paano siya makakahanap ng oras para iligtas ka?” Hindi maganda ang mukha ni Paul nang ngumiti ito ng malaki.Naging malamig at masama ang tingin sa mukha ni Paul nang magsalita ito. “Hayaan mong sabihin ko sayo, patay na si Chester at mag-iiwan siya ng pamana. Yun nga lang ay sobrang yabang nilang lahat. Sa huli ay hanggang doon nalang sila.”Nanginig ang katawan ni Sara nang marinig niya ang mga salita iyon habang blangko itong nakatitig kay paul.‘Patay na ang kapatid kong si Chester? Hindi maaari…imposible ito.’“SInungaling ka. Isang bayani at mandirigma ang kapatid na Chester. Hindi siya kail
Sa wakas ay naibalik ni Paul ang kaniyang pag-iisip nang tingnan niya ang lalaki. “Ikaw…sino ka?”Hindi direktang sumagot ang lalaki pero kalamado itong nagsalita. “Isa kang cultivator at binu-bully mo ang mahina. Isa itong kahihiyan sa komunidad. Pakawalan mo ang babae ngayon din.”Patas at matatag ang kaniyang boses. Hindi niya tinatanggap ang hindi bilang sagot.Si Fang Mao ang lalaki, isa siyang cultivator na namuhay sa seklusyon. Dumadaan siya nang makita niya si Paul na pagsasamantalahan si Sara, kaya naman huminto ito para pigilan si Paul.Nag-iba ang mukha ni Paul at hindi nito mapigilang manermon. “Anong kinalaman nito sayo? Huwag kang makisali at umalis ka na!”Ang totoo ay hindi mapakali si Paul sa kaniyang puso nang maramdaman niya ang lakas ni Fang Mao. Ngunit nagalit siya nang maantala ang kaniyang plano.“Walang kabuluhan!” Kumunot ang noo ni Fang Mao at hindi na nito gusto pang magsalita.Mabilis siyang lumundag sa ere at direktang sinugod si Paul.Sa isang kisa
Nagulat ang lahat nang makita nila ang mga paparating.Dose-dosenang alagad ng Endless Sky Organization ang mga armado ng mga sandata at nakakamatay na intensyon ang sumugod. Martial Marquis ang may pinakamababang lebel sa mga elites at marami sa mga ito ang Level Five Martial Saints.Nakita ng mga elites sina Dax, Yvette, at iba pa. Gigil ang mga ito habang nagsimula silang sumigaw nang sugurin nila ang mga ito.“Dax, wala nang punto pa ang pagtakbo. Isuko mo nalang ang iyong sarili!”“Wala ka nang matatakbuhan pa.”“Sumama ka sa amin at baka magkaroon pa ng awa sa inyo si Master at posibleng hayaan kayong mabuhay.” Malamig na nagsalita ang mga alite na alagad.May mga pagkamuhing tingin sa kanilang mga mata. Iba ang mga nangyaring bagay noong huling beses nilang makita si Dax. Matatakot sila kung noon ito nangyari, pero matapos mawala ang internal na enerhiya ni Dax ay wala nang masasabi pa ang mga elite na alagad tungkol sa paghamon sa kanila. Hindi na nila nakita ang lalaki
Ang tunog ng piano!Bumalik sa wisyo sina Dax at tumingin sa direksyon ng pinanggalingan ng tunog.Sa parehong sandali ay lumingon ang dose-dosenang elite na alagad para tingnan ang pinanggalingan ng ingay. Nagulat sila sa nadiskubreng pangyayari.Mabagal na nilapitan ng isang payat na anyo ang mga tao sa tabing ilog. Mabagal ang pagkilod nito pero nagbigay ito ng mahangin at magaan na pakiramdam. Hindi maipaliwanag ang liksi at pagka-elegante nito.Iyon ang marangal na piyanista na si Celine Maine.Gasp.Napahinga ng malalim ang mga elite na alagad sa nakita nilang papalapit na anyo, kumulo ang kanilang dugo. Napakaganda ang babae; mukha itong diwata na bumaba galing langit.Nakasuot ng mahangin na kulay putting bestida si Celine, nagmukha siyang diwata. Tatlong taon na ang nakalipas nang matapos ang digmaan sa pagitan ng Nine Continents at Raksasa Tribe, sumama kay Queenue su Celine matapos niyang maghanap ng tahimik na lugar para makapag-cultivate sa seklusyon.Huminto sa pa
Ngunit makalipas ng isang oras ay hindi pa rin natatalo ng grupo ng lima si Zhang Jue!Mas lalong natakot si Ambrose. Kahit n amalakas si Zhang Jue tatlong taon na ang nakalipas, magagawa pa ring labanan ni Ambrose ang lalaki gamit ang Tyrant Hammer.Magmula noon ay hinawakan ni Zhang Jue ang Sky Breaking Axe at tumaas ang kaniyang lakas. Hindi magawang talunin si Zhang Jue ni Ambrose at ng apat nitong tito, ang Dixon Quadruplets.Sa parehong sandali ay mas lalong lumalalim ang galit ni Zhang Jue.Nakita ni Zhang Jue ang nasa ibabang parte na larangan ng digmaan ang mga tauhan ng Endless Sky organization na isa isang namamatay. Mapula ang kaniyang mata nang sumigaw. “Ngayon ay sisiguraduhin kong hindi kayo makakalabas dito!”Buzz!Biglang bumigat ang nakapalibot na hangin at lumabas ang nakakatakot na puwersa mula sa kaniyang katawan!“Mapunta ka sa impyerno!” Sambit nito.Nang sumunod na sandali ay mahigpit niyang hinawakan ang Sky Breaking Axe at malakas niya itong iwinagaywa
Nababalot pa rin ng pagkasabik si Zhang Jue nang ngitian nito si Laura at sinabing. “Nagtrabaho kang maigi. Magpahinga na tayo ngayon.”Tumango si Laura at tumalikod ito para umalis.Tumingin sa paligid si Zhang Jue at nagbigay ito ng mga utos sa mga tauhan para linisin ang larangan ng digmaan. Pagtapos ay bumalik sya sa kaniyang pribadong kwarto para mag cultivate at magpalakas.Sandaling nag-meditate si Zhang Jue sa pribadong kwarto bago nito ipikit ang kaniyang mga mata para makapagpahinga.Buzz!Nang may biglang bumulwak na aura at nagpakita ang isang anyo sa harap ni Zhang Jue. Nakasuot ito ng itim na robe at sumbrero. Sa ilalim ng sombrero ay makikita ang maputla at walang ekspresyon na mukha.Alertong iminulat ni Zhang Jue ang kaniyang mga mata. Napatigil ito dahil lalaking nakasuot ng itim.“Sino ka?” Naalarmang tanong nila.Alam nitong hindi isang ordinaryong lalaki ang taong ito kung mapapasok niya ang pribadong kwarto nang hindi nalalaman ng lalaki.Bahagyang ngumi
Kahit na takot si Zhang Jue sa King of the Dead ay hindi nito kinatatakutan si Elon. Isa pa, palaging isang masamang tao si Zhang Jue. Paano niya susundin si Elon at sumang-ayon para makita ang King of the Dead para pagbayarin siya sa kaniyang mga kasalanan?Matinding nagalit si Elon. Hindi niya inakalang magiging matapang si Zhang Jue at aatakihin nitoa ng sugo ng King if the Dead. Sinubukang Ilagan ni Elon ang kaniyang pag-atake pero masyadong mabilis si Zhang Jue.Napakalakas ng cultivation ni Elon. Kundi ay hindi naman ito magiging kwalipikado para maging isang sugo ng King of the Dead. Ngunit masyadong mabilis si Zhang Jue at walang pagkakataong makapag-react si Elon.Bang!Ginamit ni Zhang Jue ang sampung level ng kaniyang lakas sa palm attack at matindi nitong hinampas ang puso ni Elon. Nanginig pa si Elon bago ito lumipad sa kabilang banda ng kwarto at lumapag ito sa isng sulok, nagsuka ng dugo ang lalaki.Taliwas nitong tiningnan si Zhang Jue nang lumapag siya sa sahig, l
Sigh! Nang mapansin ni White Horse ang mga ekspresyon ng lahat, huminga siya ng malalim at sinabing may dalamhati, "Sabi nga, alam kong hindi ako ang pinakamahusay na kandidato para sa posisyon ngunit kailangan nating igalang ang huling kahilingan ng Sect Master." Tumingin siya sa paligid bago siya nagpatuloy, "Itinuro sa akin ng Sect Master ang Grafting na pamamaraan." Buzz! Nang matapos siyang magsalita, inipon niya ang kanyang panloob na enerhiya at itinaas ang kanyang kamay upang tumama sa isang haligi sa kanyang harapan. Ang vibration na ginawa ng puwersa ng palad ay dumaan sa haligi at isang palm print ang naiwan sa dingding sa likod ng haligi. Iyon ang esensya ng Paraan ng Paghugpong. Maaaring hampasin ng White Horse ang isang bagay nang hindi ito pisikal na tinatamaan. Sa kanyang pagbabalik sa sekta ng walang hanggang buhay na palasyo, napagtanto ni White Horse na kailangan niya ng higit pang ebidensya upang kumbinsihin ang lahat sa loob ng sekta at ang kanyang sa