Tuwang tuwa si Natalie nang marinig ang boses ni Darryl. “Thank god, akala ko…”Bago pa nya matapos ang sasabihin, umiling ng patago si Darryl. Sa totoo lang, pakiramdam niya ay hindi pa ito ang tamang oras para malaman ng lahat ang tunay niyang pagkatao. “Tatlong taon na ang nakalipas, kumusta ka na?” malumanay niyang tanong.Tumango si Natalie bago magalang na sumagot. “Oo, simula nang makipag kasundo kami sa None Continents ay naging maayos na kami dito ng aking mga tao. Tahimik naman ang nakaraang tatlong taon, at maganda ang pagkakaibigan namin sa mga miyembro ng Nine Continents,” natigilan sya ng ilan segundo bago sinabing, “salamat.”Si Natalie ay dating matapang na martial goddess ng Raksasa Tribe. Pero matapos ang giyera tatlong taon na ang nakalipas, naging mas matalino na siya. Dati na siyang naging bihag ni Darryl at isa isa sa pinaka-nakakahiyang bagay na nangyari sa buhay nya. Pero hindi sya nagtanim ng galit. Sa halip ay malaki ang pasasalamat niya dahil alam niyang hind
“O-Oo.” Tango ni Jack, nagdalawang isip siya noong una pero hindi nagtagal ay agad na bumalik ang determinasyon sa kaniyang mga mata. Hinding hindi mawawala ng pagkakaisa sa tribo ng Raksasa. Naniniwala siya sa kaniyang sarili na kahit matagal nang magkakilala sina Natalie at si Darryl, susuportahan pa rin niya si Jack sa sandaling maintindihan niya ang sitwasyon.Napapigil na lang sa paghinga ang bawat isang tao sa hall habang inaasahan ang magiging sagot sa nagiisang tanong na bumabalot sa kanilang mga isipan: Ano kaya ang ipiprioritize ng ating reyna? Siya pa rin ang reyna ng ating tribo kaya siguradong uunahin nito ang kaniyang mga tao kaysa sa kahit na ano. Sabagay, kabilang sa teritoryong hawak ng Raksasa ang Rock City!Nagiisip na sumimangot si Natalie nang marinig niya ang mga detalye. Alam niyang sumobra na si Jack sa mga sandaling ito. Pero inakala ni Jack na pagsangayon ang ginawang hindi pagsasalita ng reyna kaya agad itong nagpakita ng isang ngiti ng tagumpay. Agad siyan
Mukhang lalong sumabog sag alit si Natalie nang dahil sa mga sinabing ito ni Jack. “Itikom mo na ang bibig mo! Alam mo bang hindi magagawang mabuhay ng ating mga kalahi nang mapayapa kung hindi dahil sa ginawa ng kagalang galang nating bisita?” Galit na itinaas ni Natalie ang kaniyang kamay bago magutos ng, “Kaladkarin ninyo si Jack palabas para tumanggap ng isang daang beses na paglalatigo.”“Opo!” Hindi nagawang suwayin ng mga sundalo sa paligid ang ibinabang utos ni Natalie kaya agad nilang kinaladkad si Jack nang marinig nila ang mga sinabi nito.Snap! Snap! Snap! Hindi nagtagal ay narinig na ng lahat sa hall ang malutong ng tunog ng latigong tumatama sa laman ng isang tao, agad itong sinundan ng malakas na pagiyak ni Jack. Halos mamatay na sa takot ang bawat isang tao sa hall nang makita nila kung paano latiguhin si Jack hanggang sa mapunit ang balat at laman sa kaniyang katawan na sinundan ng malakas na pagsirit ng sariwa niyang dugo. Walang kahit na sino ang nagtangkang sumuwa
Napilitan na lang ngumiti ang nadidismayang si Natalie habang sinasabi na, “Sige, kung ganoon.” Bago niya iwan si Darryl sa kaniyang mga tauhan. Nakahinga na rin ang lahat sa loob ng trading hall nang makaalis ang kanilang reyna matapos mawala ng napakatinding pressure na tumama sa kanikanilang mga katawan.Ito na ang sandali na kung saan natapos ni Cheyanne ang lahat ng kailangan niyang gawin para makipagkalakalan sa Raksasa. Gaya ng naging pangako ng reyla, hindi sila binigyan ng kahit na anong komisyon para makakuha ng mga nagagandahang leather armor na perpektong ginawa ng mga nagmula sa Tribo ng Raksasa. Hindi na natin kailangan pang sabihin na kumita nag malaki ang pamilya Yach sa transaksyong ito.“Tito!” Umabot sa kaniyang mga tainga ang ngiti ni Cheyen habang nasasabik na sinasabing, “Napakagaling mo talaga! Sino ba ang magaakala na kaibigan po pala kayo ng tumatayong reyna ng Raksasa! Seryoso, sino ka ba talaga?”Napangiti si Darryl sa nagtatakang itsura ni Cheyenne bago s
Isa itong itlog na may diametrong nasa kalahating metro na nababalot ng napakagandang engravement sa shell nito. Nagliwanag ang itlog nang dahil sa iba’t iba nitong kulay na nagreflect sa anumang ilaw na tumatama rito habang umiikot sa kamay ni Diaochan. At kung titingnan, siguradong masasabi ng kahit na sino na hindi ito isang ordinaryong gamit. Inabot ng halos kalahating minute si Darryl bago makabalik ang kaniyang isip sa realidad. “Ito… ito ay…” Nauutal niyang sinabi.Bago pa man siya matapos sa kaniyang pagsasalita, nakangiti nang nagpaliwanag si Diaochan. “Ito na ang itlog ng dragon, isa itong kayamanan na iniwan sa mundo ng Yellow Emperor. Nagiwan ang Yellow Emperor ng dalawang mga item na nilagay niya sa magkahiwalay na baul bilang kaniyang pamana sa susunod na henerasyon, isa ritoa ng naglalaman ng dragon ball habang ang isa naman ay naglalaman ng itlog ng dragon.”“Ano? Hindi ba’t protektado ng Sea Mackie Clan ang itlog ng dragon?” Nakaramdam ng matinding pagkagulat si Darr
“Oo nga pala, kailangan kong magiwan ng aking imprint dito.” Agad itong pumasok sa isipan ni Darryl kaya nagmadali itong hiwain ang kaniyang daliri para patuluin ang kaniyang dugo sa itlog ng dragon. Hindi nito alam na si Jewel ang nagmamayari ng itlog na ito ng dragon kaya natural lang na sundan siya nito nang hindi nagiiwan ng kahit na isang patak ng kaniyang imprint sa itlog.Dito na biglang lumabas ang isang nakabubulag na liwanag mula sa itlog ng dragon na nagpaliwanag sa buong side hall na naging hudyat ng matagumpay na paglalagay ni Darryl ng kaniyang imprint sa itlog. Isang magaan na ngiti ang nagpakita sa mukha ni Darryl pero sa totoo lang ay hindi na siya gaanong nathrill dito matapos niyang maalala ang paglalagay niya ng imprint sa namatay niyang Rocky 10 taon na ang nakalilipas sa loob ng isang pribadong kuwarto ng Incandescent Sect sa ilalim ng lupa.Inakala niya na mananatili si Rocky sa kaniya habang buhay, kaya hindi niya inasahang mamamatay ito sa naging laban ni Lau
Mukhang nasabik ang batang dragon nang mabanggit ni Darryl ang pangalan ni Jewel. Nagpaikot ikot ito para subukang sabihin sa dalawa na siya si Jewel, pero hindi niya pa rin ito magawa dahil masyado pa siyang bata. Hindi naman napansin ni Darryl ang hindi pangkaraniwang ikinikilos ng dragon sa mga sandaling ito.Huminga nang malalim si Zhu Bajie habang ipinapakita ng kaniyang mukha ang malalim niyang pagiisip. Nagdalawang isip siya ng isang sandali bago magpaliwanag, “Um… Kuya, maghanda ka sa mga sasabihin ko sa iyo. Masyadong malayo sa magandang balita ang sasabihin ko sa iyo. Nagawa ngang mabihag ni Zhang Jue ang buong pamilya Carter habang may hindi magandang nangyari naman sa kinakapatid mong sina Chester at Jewel.”Agad na nanlamig ang dugo ni Darryl nang marinig niya ang mga sinabi ni Zhu Bajie, nagmamadali itong nagtanong ng, “Ano ang nangyari kay kuya Chester at kay Jewel?” Ang kinakapatid niyang si Chester at si Jewel ay kabilang sa pinakaimportanteng mga tao sa buhay ni Dar
Mukhang walang pakialam dito ang nakatayo sa entrance na si Paul.. Matagal nang naging sikat sina Darryl Darby, Chester at Dax kaya malapit na ring magtapos ang kanilang era sa kasaysayan ng Nine Mainlands.Hindi talaga niya gustong mahanap ni Chester si Darryl. Ang pinakainabangan niya ay ang pagkamatay ni Darryl nang wala si Chester, siguradong hindi magagawang suwayin ni Chester si Zhang Jue kahit na gaano pa siya kalakas. Pero sa sandaling mangyari iyon, hindi na kailangan pang maingat ni Paul kay Chester habang nagfofocus sa pagbibigay ng ambag sa mga nagawa ni Zhang Jue.“Master!” Sa gitna ng nakabibinging katahimikan, isang disipulo ang mabilis na naglakad papasok. “Humihingi po ng permiso ang Sect Master ng Saint Fire Palace Sect na si Laura Hanson na pumasok para makita kayo.”Ang Saint Fire Palace Sect? Nagulat ang bawat isang taong nasa loob ng hall noong marinig nila ang pangalan ni Laura, maging si Chester ay mas nagulat kaysa sa kaniyang mga kasama. “Buwisit, inakala k