Kabanata 2562
Malumanay lang na ngumiti si Darryl pero hindi naalis ang titig nya kay Jack. “Sinabi ko na sayo ang dapat mong gawin. Ikaw na ang bahala kung makikinig ka o hindi. Ang payo ko lang, pag isipan mong mabuti bago ka gumawa ng bagay na baka pagsisihan mo lang. Ikaw din, baka mahuli na ang lahat para lumuhod ka at humingi ng tawad.”

Woah! Hindi makapaniwala ang lahat sa mga sinasabi ni Darryl. “Nababaliw na ba sya?”

“Gusto yata mamatay ng lalaking ito!”

“Ikaw…” Nag-panic si Cheyenne at hinila sya. “Tumigil kana sa mga laro mo, okay?” May kasunduan sila bago pumunta dito. Hindi dapat makialam si Darryl sa problema nila, pero ito sya ngayon, nagpapaka-bayani. Nasa teritoryo sila ng Raksasa Tribe, napapalibutan ng napakaraming bigatin na sundalo ng Raksasa. Magkakaroon lang ng gulo kapag ginalit sila. Ngunit mukhang hindi nag aalala si Darryl,at tahimik na sumenyas sa kanya na kumalma.

Dahil sa mga sinabi ni Darryl, lalong nagalit si Jack, “Ayos, brat, ayos. Gusto ko yang maaangas na lalak
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP