Hindi pa rin tumigil si Jackie hanggang sa mahampas niya ng ilang beses si Darryl. At pagkatapos ay malademonyo itong ngumiti habang nagtatanong ng, “Ngayon kaya? Magsalita ka lang kung kailan mo gusto ah?”“Patayin mo na lang ako.” Hindi na halos makahinga si Darryl sa mga sandaling ito. Kahit na mahalaga para sa kaniya ang Seven Treasures Exquisite Pagoda, mas mahalaga pa rin siyempre ang sarili niyang buhay. Alam niya na papatayin din siya ni Jackie sa sandaling malaman nito kung paano gamitin ang Seven Treasures Exquisite Pagoda dahil wala na siyang magiging pakinabang pa rito. At sigurado rin siya na hindi siya magagawang patayin ni Jackie hangga’t hindi niya sinasabi kung paano ito gamitin.“Bakit ikaw—” Nafufrustrate na ipinadyak ni Jackie ang kaniyang mga paa. “Sige, Iniisip mo bang hindi ko malalaman ang lihim ng Seven Treasures Exquisite Pagoda nang magisa? Dahil wala ka namang takot sa kamatayan, sigurado ako na maliit lang na bagay para sa iyo ang pananatili rito habang b
Nasusurpresang nagsaya ang dibdib ni Darryl sa mga sandaling ito. Sino nga ba ang magaakala na mayroon pang ibang tao sa abandonadong kuweba na ito? Pero agad itong sinabayan ng pagtataka sa kaniyang isipan. Bakit nanatiling tahimik ang taong ito hanggang sa tuluyan nang umalis si Jackie? Sino kaya ang isang ito?”Hindi naiwasang sumigaw muli ng naguguluhang si Darryl. “Ano ang pangalan mo? Ipakita mo ang sarili mo sa akin!”Nakarinig siya ng tawa mula sa loobang bahagi ng kuweba bago tuluyang bumalik sa nakabibingi nitong katahimikan ang kuweba. Sinubukan itong tawagin ni Darryl ng ilan pang beses pero wala nang kahit na sinong sumagot sa mga sigaw niya. Dito na sinubukang tumayo ng desperadong si Darryl para tingnan kung sino ang taong iyon, pero agad siyang nakaramdam ng matinding sakit sa buo niyang katawan na mas lalong hindi nakapagpagalaw sa kaniya. Kaya wala nang nagwa si Darryl kundi humiga sa lupa habang sinusubukang magipon ng lakas. Hindi niya alam kung gaano ito kataga p
Natigilan si Darryl habang hindi makapagsalitang tinititigan ang Ghost Valley Sage. Dito na napansin ni Darryl na kahit nagmukhang malakas ang matanda, wala rin itong internal energy at energy field kagaya niya.“Elder.” Nagulat dito si Darryl at agad na napatanong sa matanda, “Ano po ang nangyari sa lakas Ninyo?”Tumawa ang Ghost Valley Sage bago sumagot ng, “Alam kong marami ka nang kaalaman sa sinaunang mga pagaaral, Darryl. Narinig mo na ba ang tungkol sa huling stage ng pagpapalakas na kilala sa tawag na Returing to Innocence?”Ang Returning of Innocence? Napatalon si Darryl na para bang sinipa ng mga salitang ito ang kaniyang dibdwib, agad siyang napahinga nang mabilis habang nanlalaki ang kaniyang mga mata. “Elder, sinasabi mo po ba na malapit nang magmature ang inyong lakas…”Nanginig dito ang buong katawan ni Darryl. Agad niyang inisip ang kaniyang mga napagaralan. Mayroon pang isang level na maaaring maabot ang isang cultivator sa sandaling makarating ito sa Heaven Ascens
Samantala, sa loob ng tent na pagmamayari ng Kagalang galang na anak sa kampo ng Raksasa na kasalukuyang nasa kabilang dako ng Chaotic Mountain Range.Kasalukuyang nakaupo sina Debra at Shentel sa loob ng tent habang umiinom ng mainit na tubig. Hindi sila makahanap ng kahit na anong tsaa sa Wild Deserted Secret Region kaya wala na silang nagawa kundi uminom ng malinis at mainit na tubig. Makikitang nakasampay sa kanilang paligid ang mga balat ng hayop na sinulatan ng mga tula, at mga kaalaman sa kultura at geography ng Nine Mainlands. Umupo naman si Alaric kasama ng dalawa, nagmukha itong seryoso na hindi makikitaan ng pagkaarogante na natural sa mga taong humahawak sa estado at titulong mayroon siya ngayon.“Aking mga guro.” Nakangiting tanong ni Alaric, “Ayon sa inyong mga sinasabi, hindi uhaw sa dugo ang mga tao sa Nine Mainland dahil sila ay mga edukado at may tinapos na mga taong nangangarap ng mapayapang buhay?” Tumigil si Alaric ng iang sandali sa pagsasalita bago magisip at s
Naging kasing laki ng maliit na bundok ang bawat isang Gigantic Monster na sinakyan ng mga sundalo ng Raksasa. Mabilis na naglakad ang mga ito papunta sa Chaotic Mountain Range. Samantala, sa kampo ng kabilang panig, nakabantay na tumayo ang mga sundalo ng mga kontinente ng World Universe, Great East, at South Cloud World sa paanan ng mga bundok. Kada kalahating oras ay nagpapadala ang mga ito sa mga tauhang umaakyat sa mga taling paakyat sa mga bundok para tingnan ang kasalukuyang sitwasyon sa Chaotic Mountain Range. Isa itong mahirap na gawin dahil sa dami ng mga aktibong bulkan at walang awang mga bagyong tumatama sa mga bundok. Paminsan minsan ay hindi nila gaaanong nakikita ang tuktok ng bundok. Nanatili ring malayo ang distansya ng mga mandirigma sa hukbo ng North Moana nang dahil sa kasalukuyang sitwasyon ngayon ni Darryl—kumilos ang mga ito na para bang dalawang magkahiwalay na hukbo. At dahil hindi nila nagawang makipagsanib puwersa sa hukbo ng North Moana, nagsanib puwersa an
Nakita ang malaking hukbo sa madilim na ilaw. Pare-pareho ang suot na armor ng mga sundalo, gawa ang mga ito sa black animal hide at may taas na 2 metro ang mga ito habang may hawak na mahahabang itim na espada. Yumanig ang mundo nang mag-martsa ang mga ito dahil sa napakadami ng kanialng bilang.Hila ng apat na colossal beasts na nasa harapan ang higanteng kalesang gawa sa mga buto ng hayop. Mayroong makintab na balahibo ang mga halimaw at nasa 20 metro ang kanilang haba, mayroon din silang matatalas na pangil at kuko. Proud na nakatayo sa kalesa ang matangkad at maskuladong lalaki habang nakasuot ito ng itim na armor. Nakababa ang buhok nito tila hindi ito mapapaamo habang umihip ang hangin—iyon ang Raksasa King. Nakatayo sa kaniyang likuran ang kaniyang mga anak na sina Alaric at Amastan.“Ano? Aatake ang Raksasa Tribe?!”Nanigas sa lugar ang lahat ng mga depensa. Nanginig ang karamihan dahil sa nakakatakot na aura ng Raksasa Army. Napagtanto nilang nasa Martial Saint o higit pa
Walang utak ang hindi makakapansin sa kung gaano kalakas ang Gigantic Monster; walang maalamat na halimaw ang maikukumpara rito. Hindi rin ito malalapitan ng isang ordinaryong sundalo at sa puntong iyon ay hindi maipagkakailang napakalaki ng agwat ng kanilang lakas at parang hindi tama ang tawagin itong labanan.Sa isang kisapmata ay napakaraming namatay na miyembro ng Union Army; gaano pa katagal ang mga sandaling mayroon sila hanggang saw ala nang matira sa mga ito? Marami sa mga sektang iyon ang natalo, mas dumami pa ang mga angbagsakang sundalo. Patuloy na tumaas ang mga namamatay at napintahan ng kulay pula ang sahig. Isa isang natumba at nalunod sa sariling dugo ang mga mandirigma. Maysado iyong malupit para kayanin nila kaya naman umatras ang ilan sa kanila.“Aalis na tayo.” Tinawag ni Jackie ang Illusion Sound Sect at ang Sun Sect Sect mula sa mga nagkakagulong tao. Kinausap nito si Jasmine. “Bilis! Kailangan na nating umalis ngayon; wala nang oras.”Medyo nag-alangan si Jas
Kahit na mukhang nagakakaisa ang Union Army at ang North Moana Army ay hindi nila kayang baligtarin ang sitwasyon; patuloy ang pagtaas ng mga nasawi! Higit sa isang daang libong mga sundalo ang bumagsak sa loob lamang ng dalawang oras, pero sana sampung libong sundalo lamang ang nasawi sa mga sundalo ng Raksasa Army. Nakaligtas sa unang pag-atake ang daan-daang libong mga mandirigma at ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para depensahan ang kanilang hukbo.Napuno ng desperasyon at kawalan ng pag-asa ang lahat, pero alam nilang nasa punto na sila kung saan hindi na maaari pang bumalik. Inilagay na nila sa linya ang kanilang mga buhay. Alam nilang iisa lang ang ibig sabihin ng pagkatalo—ang katapusan ng Nine Mainland.Samantala, sa panig ng Raksasa Army.Nakatayo sa likuran ng kalesa ng Raksasa King ang dalawang payat na anyo; binantayan ng mga sundalo ng Raksasa ang dalawa. Kahit na hindi nagustuhan ng Raksasa King ang ginawang pagtrato ni Alaric sa dalawang babae bilang kaniy