Samantala, sa loob ng tent na pagmamayari ng Kagalang galang na anak sa kampo ng Raksasa na kasalukuyang nasa kabilang dako ng Chaotic Mountain Range.Kasalukuyang nakaupo sina Debra at Shentel sa loob ng tent habang umiinom ng mainit na tubig. Hindi sila makahanap ng kahit na anong tsaa sa Wild Deserted Secret Region kaya wala na silang nagawa kundi uminom ng malinis at mainit na tubig. Makikitang nakasampay sa kanilang paligid ang mga balat ng hayop na sinulatan ng mga tula, at mga kaalaman sa kultura at geography ng Nine Mainlands. Umupo naman si Alaric kasama ng dalawa, nagmukha itong seryoso na hindi makikitaan ng pagkaarogante na natural sa mga taong humahawak sa estado at titulong mayroon siya ngayon.“Aking mga guro.” Nakangiting tanong ni Alaric, “Ayon sa inyong mga sinasabi, hindi uhaw sa dugo ang mga tao sa Nine Mainland dahil sila ay mga edukado at may tinapos na mga taong nangangarap ng mapayapang buhay?” Tumigil si Alaric ng iang sandali sa pagsasalita bago magisip at s
Naging kasing laki ng maliit na bundok ang bawat isang Gigantic Monster na sinakyan ng mga sundalo ng Raksasa. Mabilis na naglakad ang mga ito papunta sa Chaotic Mountain Range. Samantala, sa kampo ng kabilang panig, nakabantay na tumayo ang mga sundalo ng mga kontinente ng World Universe, Great East, at South Cloud World sa paanan ng mga bundok. Kada kalahating oras ay nagpapadala ang mga ito sa mga tauhang umaakyat sa mga taling paakyat sa mga bundok para tingnan ang kasalukuyang sitwasyon sa Chaotic Mountain Range. Isa itong mahirap na gawin dahil sa dami ng mga aktibong bulkan at walang awang mga bagyong tumatama sa mga bundok. Paminsan minsan ay hindi nila gaaanong nakikita ang tuktok ng bundok. Nanatili ring malayo ang distansya ng mga mandirigma sa hukbo ng North Moana nang dahil sa kasalukuyang sitwasyon ngayon ni Darryl—kumilos ang mga ito na para bang dalawang magkahiwalay na hukbo. At dahil hindi nila nagawang makipagsanib puwersa sa hukbo ng North Moana, nagsanib puwersa an
Nakita ang malaking hukbo sa madilim na ilaw. Pare-pareho ang suot na armor ng mga sundalo, gawa ang mga ito sa black animal hide at may taas na 2 metro ang mga ito habang may hawak na mahahabang itim na espada. Yumanig ang mundo nang mag-martsa ang mga ito dahil sa napakadami ng kanialng bilang.Hila ng apat na colossal beasts na nasa harapan ang higanteng kalesang gawa sa mga buto ng hayop. Mayroong makintab na balahibo ang mga halimaw at nasa 20 metro ang kanilang haba, mayroon din silang matatalas na pangil at kuko. Proud na nakatayo sa kalesa ang matangkad at maskuladong lalaki habang nakasuot ito ng itim na armor. Nakababa ang buhok nito tila hindi ito mapapaamo habang umihip ang hangin—iyon ang Raksasa King. Nakatayo sa kaniyang likuran ang kaniyang mga anak na sina Alaric at Amastan.“Ano? Aatake ang Raksasa Tribe?!”Nanigas sa lugar ang lahat ng mga depensa. Nanginig ang karamihan dahil sa nakakatakot na aura ng Raksasa Army. Napagtanto nilang nasa Martial Saint o higit pa
Walang utak ang hindi makakapansin sa kung gaano kalakas ang Gigantic Monster; walang maalamat na halimaw ang maikukumpara rito. Hindi rin ito malalapitan ng isang ordinaryong sundalo at sa puntong iyon ay hindi maipagkakailang napakalaki ng agwat ng kanilang lakas at parang hindi tama ang tawagin itong labanan.Sa isang kisapmata ay napakaraming namatay na miyembro ng Union Army; gaano pa katagal ang mga sandaling mayroon sila hanggang saw ala nang matira sa mga ito? Marami sa mga sektang iyon ang natalo, mas dumami pa ang mga angbagsakang sundalo. Patuloy na tumaas ang mga namamatay at napintahan ng kulay pula ang sahig. Isa isang natumba at nalunod sa sariling dugo ang mga mandirigma. Maysado iyong malupit para kayanin nila kaya naman umatras ang ilan sa kanila.“Aalis na tayo.” Tinawag ni Jackie ang Illusion Sound Sect at ang Sun Sect Sect mula sa mga nagkakagulong tao. Kinausap nito si Jasmine. “Bilis! Kailangan na nating umalis ngayon; wala nang oras.”Medyo nag-alangan si Jas
Kahit na mukhang nagakakaisa ang Union Army at ang North Moana Army ay hindi nila kayang baligtarin ang sitwasyon; patuloy ang pagtaas ng mga nasawi! Higit sa isang daang libong mga sundalo ang bumagsak sa loob lamang ng dalawang oras, pero sana sampung libong sundalo lamang ang nasawi sa mga sundalo ng Raksasa Army. Nakaligtas sa unang pag-atake ang daan-daang libong mga mandirigma at ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para depensahan ang kanilang hukbo.Napuno ng desperasyon at kawalan ng pag-asa ang lahat, pero alam nilang nasa punto na sila kung saan hindi na maaari pang bumalik. Inilagay na nila sa linya ang kanilang mga buhay. Alam nilang iisa lang ang ibig sabihin ng pagkatalo—ang katapusan ng Nine Mainland.Samantala, sa panig ng Raksasa Army.Nakatayo sa likuran ng kalesa ng Raksasa King ang dalawang payat na anyo; binantayan ng mga sundalo ng Raksasa ang dalawa. Kahit na hindi nagustuhan ng Raksasa King ang ginawang pagtrato ni Alaric sa dalawang babae bilang kaniy
Napakalakas! Sino kaya iyon? Nagulat din sina Chester, Quincy, Andy, at ang iba pa. Ito ay gaya ng kanilang inaasahan kay Grandmaster Erlang! Hindi maikukumpara ang lakas nito sa kahit saan man sa siyam na kontinente. Maaariing mayroon pa silang pag-asa dahil sumali na ang lalaki sa labanan. Namangha ang mga grupos mula sa North Moana Army.“Ang Zeus Slash! Sa wakas ay umatake na ang Kamahalan!”“Babaligtarin ng Kamahalan ang sitwasyon!”“Walang laban sa kaniya ang mga higanteng halimaw na iyon—”Bumaba ang anino sa kanilang harapan.Boom!Parang isang bulalakaw na napunit ang hangin kung saan man dadaan ang anino. Tila nahati ng ilang piraso ang muldo nang malakas itong tumama sa Gigantic Monster.Mabilis na yumanig ang lugar nang magkaroon ng mga abo. Umiyak ang may taas na isang daang metrong Gigantic Monster at napaatras. Nagkaroon ng sugat sa kaliwang balikat nito at tumagos sa kanang bahagi ng kaniyang balakang, tila bagyo ang umagos na dugo mula sa halimaw. Nagkaroon ng m
Grandmaster Erlang? Dumilin ang mukha ng Raksasa King nang mag-utos ito. “Dalhin sakin ang sandata.”Hindi nagtangkang patagalin ito ng mga sundali; kaagad nilang dinala ang malaking sandata—Tatlong metro ang haba nito at kasing puti ng gatas ang kaniyang katawan. Higante at malapad ang espadang gawa sa buto.Gawa ito sa spine ng sinaunang halimaw na nahuli ng Raksasa King sa Wild Deserted Secret Region ilang taon na ang nakalipas. Ilang libong taon nabuhay ang matapang na halimaw; parang Godly weapons ang hindi nasisirang espadang gawa sa spine nito. Mabilis na lumipad sa ere ang Raksasa King habang may hawak itong broadsword. Kinausap nito si Yang Jian. “Ikaw ba si Yang Jian? Pagbabayaran mo ang ginawa mong pagpatay sa aking Gigantic Monster!”Nang magsalita ito ay lumabas ang usok mula sa Raksasa King at tila naging mala-anino ang anyo nito, hindi pa ito nakikita sa mundo. Iba ang paraan ng mga pag-cultivate ng Raksasa Tribe kumpara sa Nine Mainland. Pero nanatiling pareho ang ma
’Naku po, kailangan ko nang bilisan.’ Naisip iyon ni Darryl nang dali-dali itong umupo ito na pang Indian seat habang patuloy na nag-cultivate. … Samantala, sa parte ng kalagitnaan ng malaking Ruins Sea. Pinamunuan ni Ambrose ang Blood Shark Pirates sa isang libong bangka habang ginabayan sila ni Heather para ligtas na makatawid sa maelstrom. Matapos ang ilang oras na paglalayag, sa wakas ay narating nila ang Coral Island. Nakasentro sa Ruins Sea ang Coral Islang. Ito rin ang sikretong lokasyon ng Sea Mackie Clan na nagbantay sa Ruins Sea sa loob ng maraming henerasyon. Namangha ang lahat nang makita ng mga ito ang tanawin sa Coral Island, kabilang na sina Ambrose, Eira, at ang Blood Shark Pirates. Hindi gawa sa lupa ang malaking Coral Islang pero gawa ito sa piraso ng pinagsama-samang corals. Nakaayos ang mga corals mula sa laking kalahating metro hanggang sa taas na sampung metro. Mayroong iba’t ibang uri ng hayop doon at mayroong kakaibang kulay ang mga ito. Nagningnin