Kabanata 2332
Nasusurpresang nagsaya ang dibdib ni Darryl sa mga sandaling ito. Sino nga ba ang magaakala na mayroon pang ibang tao sa abandonadong kuweba na ito? Pero agad itong sinabayan ng pagtataka sa kaniyang isipan. Bakit nanatiling tahimik ang taong ito hanggang sa tuluyan nang umalis si Jackie? Sino kaya ang isang ito?”

Hindi naiwasang sumigaw muli ng naguguluhang si Darryl. “Ano ang pangalan mo? Ipakita mo ang sarili mo sa akin!”

Nakarinig siya ng tawa mula sa loobang bahagi ng kuweba bago tuluyang bumalik sa nakabibingi nitong katahimikan ang kuweba. Sinubukan itong tawagin ni Darryl ng ilan pang beses pero wala nang kahit na sinong sumagot sa mga sigaw niya. Dito na sinubukang tumayo ng desperadong si Darryl para tingnan kung sino ang taong iyon, pero agad siyang nakaramdam ng matinding sakit sa buo niyang katawan na mas lalong hindi nakapagpagalaw sa kaniya. Kaya wala nang nagwa si Darryl kundi humiga sa lupa habang sinusubukang magipon ng lakas. Hindi niya alam kung gaano ito kataga p
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP