Kabanata 2281
Napakunot na lang ang noo ni Darryl sa kaniyang sarili nang maramdaman niya ang kakaibang pakikitungo ni Gonggong sa kaniya. Agad siyang nagsuspetsa nang husto rito.

“Hindi ba’t gusto na niya akong mamatay noon? Kaya bakit ito biglang naging mabait sa akin?” Isip ni Darryl.

Nagugulat pa rin si Darryl habang nakangiting sinasabi na, “Hinahanap moa ko? Hindi ko alam kung anong mga utos ang ibibigay mo sa akin, Gonggong.”

“Kasalukuyang nasa bingit ng panganib ang Chaotic Mountain Range kaya mayroon tayong responsibiidad na panatilihing ligtas ang lugar na iyon! Mismong ang kamahalan na ang nagutos sa akin na kausapin ka tungkol sa magiging plano ng pinagsanib puwersa nating mga hukbo para labanan ang tribo ng Raksasa kasama ka,” nakangiting sinabi ni Gonggong.

Malinaw na makikita ang ngiti sa mukha ni Gonggong pero sa totoo lang ay nanlalamig na nang husto ang kaniyang puso. Inutusan siya ni Yang Jian na patayin si Darryl kaya dapat lang na magmukha siyang seryoso para hindi magsuspet
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP