Naging mahinhin at mapagmatigas ang tono ng kaniyang boses.Matapos maattract sa ganda ni Debra, gustong gusto na itong kunin ni Amastan bilang kaniyang pagmamayari. Pero ilang libong taon nang itinatakwil ang ng Nine Mainlands ang kanilang tribo kaya kaaway ang naging tingin ng mga ito sa sinumang taga siyam na kontinente saan mang henerasyon ito mapabilang.Sabagay, binalaan na rin sila ng mga ninuno ng Raksasa na kinakailangan nilang patayin ang lahat ng mga taga Nine Mainlands sa sandaling makatawid sila sa Chaotic Mountain Range. Kaya hindi nila ito puwedeng maging mga kaibigan o asawa.Kahit na naging wild si Amastan, nirerespeto pa rin nito ang mga utos ng kanilang mga ninuno. Kaya sinubukan niya ang lahat ng kaniyang makakaya para alisin ang kaniyang nararamdaman kay Debra.“Hindi ako marunong sumayaw!” Nanlalamig na sinabi ng walang pagaalinlangang si Debra.Agad na tumahimik ang paligid habang nakatingin ang mga sundalo ng Raksasa kay Debra!“Si…sinabi niya pong hindi s
Napakunot ang noo ni Amastan nang titigan nito si Shentel.“Patayin niyo muna siya bago ipakain sa mga Gigantic Monster!” nanlalamig nitong sinabi.Parang hindi na naging makatao ang tunog ng pagsasalita nito tindi ng kawalan niya ng awa.Nagalit nang husto si Amastan noong mga sandaling iyon. “Ang lakas ng loob ng babaeng ito na sabihing madumi ang aking mga kamay. Paano ko mapapanatili ang aking reputasyon kung hindi ko siya papatayin?”Mabilis na naglakad ang ilang mga sundalo ng Raksasa sa paligid ni Shentel.“Hindi…” nanginig ang katawan ni Debra nang makita niya ito. Hindi nito naiwasang mapasigaw sa sobrang pagkagulat habang tumutulo ang kaniyang mga luha.At pagkatapos ay nagmakaawa na si Debra kay Amastan, “Nagmamakaawa ako sa iyo, huwag mo siyang patayin. Gusto mo akong makitang sumayaw hindi ba? Sasayaw na ako, sasayaw na ako!”Isang mabait na tao si Debra at kapatid na rin ang naging turing niya kay Shentel. Kaya agad niyang inalis ang kaniyang dignidad noong makita
Mainit ang ulo at mababaw ang pag-iisip ni Amastan. Naniniwala itong hindi pinatay ng kaniyang kuya sina Debra at Shentel dahil may gusto siya sa mga ito.Pero naantala ang kaniyang pagsasalita.“Tumahimik ka!” Galit na sumigaw si Alaric at binigkas nito ang bawat salita. “Tumahimik ka! Papanatilihin ko silang buhay para matagumpay ang ating pag-atake sa siyam na kontinente sa hinaharap. Ito ay para sa kapakanan ng Raksasa Tribe. Hindi na ako magpapaliwanag pa. Dalhin mo ang iyong mga tao at umalis na kayo ngayon din.”Mariin ang kaniyang boses kahit na hindi ito malakas.“Kasi…” Ayaw itong gawin ni Amastran, pero wala itong masabi pabalik.Hindi na gusto pang mag-aksaya ng oras ni Alaric nang makita nitong walang intensyon si Amastan para umalis, malamig itong nagsalita. “Kapatid, bakit hindi ka na nakikinig sa akin ngayon?”“Tara na!” Kinontrol ni Amastan ang tigas ng kaniyang ulo nang marinig niya iyon, umalis ito kasama ang mga sundalo ng Raksasa.Mayroong magandang relasyon
Noon ay si Debra ang naging Sect Master ng Artemis Sect mula sa Great East. Magaling ito sa musika, chess, kaligrapiya, at art. Samantalang sikat at maramign talentong babae naman si Shentel na angmula sa Westrington, magaling ito sa agham at heograpiya. Nang sandaling iyon ay detalyado nilang ipinaliwanag ang lahat kay Alaric para maging isa itong matalinong pinuno sa hinaharap at para an rin mabawasan ang kapahamakang posible nitong madulot sa siyam na kontinente.…Sa Middle Terra sa Mid Sky City, bulay at puno ng mabigat na trapiko ang mga kalsada.Isa sa piakamalalaking siyudad sa Middle Terra ang Mid Sky City. Matatagpuan ang Middle Terra sa siyam na kontinente at maraming taong ang may talento rito, marami ring mapagkukunan sa lugar. Nasa gitnang bahagi ng Middle Terra ang Mid Sky City, kaya naman pinangalanan itong Central of Middle Terra. Daan-dahang naglakad ang batang lalaki at babae sa kalsada. Matalino ang suot ng lalaki at gwapo rin ito, habang mayabang pero maganda
”Tabi! Tabi!” Sigaw ni Jonas.Sa isang kisapmata ay dumating ang karwaheng pinapatakbo ni Jonas sa harapan ni Darryl, pero mukhang wala itong planong huminto.Hindi pa rin namumukhaan ni Jonas si Darryl!Bang!Kaagd na binagalan ni Jonas ang pagpapatakbo. Pero naging masyadong mabilis ang kaniyang pagpapatakbo kanina at nawalan ng balanse ang karwahe. Lumihis ito pagilid at tumama sa paitaas na sementong nasa kalsada. Matapos ang malakas na ingay at pagnginig ay parehong nagulat sina Jonas at tanya at halos malaglag ang dalawa sa karwahe.Halos masira ang karwahe g kabayo, natanggal ang isang gulong nito!Maraming tumatawid ang nakakita sa komosyon at pumalibot ang mga ito para makita ang pangyayari. Marami sa kanila ang nakaturo kay Darryl.“Ito na ang huling hantungan ng lalaking iyan!”“Tama. Sino siya para harangan ang daanan ng karwahe ng Second Young Master Dokko.”“Nasa peligro ang kaniyang buhay.”Nag-usap usap ang mga tao. Wlaang naawa kay Darryl. Ang nakabihis na pa
Bilang pangalawang Young Master ng pamilya Dokko, naging mayabang at bully si Jonas sa Mid Sky City. Wala itong kinatatakutan, hindi ito katulad ng kaniyang kapatid na si Tanya.Dahan-dahang tumango si Tanya at nag-utos. “Huwag kang mang bully ng mga tao rito!”Mabait si tanya. Kabaligtaran ito ng mayabang na si Jonas.Nang oras na iyon ay tinitigan ni Jonas si Darryl, malamig itong nagsalita. “Batang lalaki, bilang kahilingan ng aking pinsan ay hindi n akita bibigyan pa ng problema. Yumuko ka sa harapan ko at humingi nang tawad para patas na tayo.”Napakayabang ni Jonas nang sabihin niya iyon. Sa kaniyang puso, pakiramdam nito ay ang paghingi ng tawad nang may pagyuko ang pinakamagandang panghihingi ng kapatawaran.Bahagyang natawa si Darryl at kalmado itong nagsalita. “Walang ingat ang pagmamaneho mo sa karwahe at hindi mo inalala ang kaligtasan ng mga tumatawis. Ikaw ang dapat na humingi ngtawad sa mga tumatawid gito. Binabaligtad mo ang mga pangyayari ngayon at gusto mo akong
Nang sumunod na sandali, naisip ni Jonas na narinig niya ang pinakamagandang biro sa buong mundo. Hindi nito mapigilang pagtawanan si Darryl. “Ang bisitahin ang pamilya Dokko? Excuse me, kaming pamilya Dokko ay walang ugaling tumanggap ng mga bisitang takas. Ha-ha!”Minaliit ng mga salita nito si Darryl.‘Ang pamilya Dokko na pinaka maimpluwensya sa Middle Terra ay hindi tumatanggap ng lalaking kagaya niya na bibisita lamang kung kailan niya gustuhin.’ Naisip ni Jonas.Sikretong napakunot ang kilay ni Darryl nang kumulo ang dugo sa kaniyang puso.Napakabangis no Jonas. Kahit na sikat ang pamilya Dokka sa Middle Terra ay hindi sila kilala sa siyam na kontinente. Pero mayabang pa rin kung umasta si Jonas.Nabigo rin si Tanya. ‘Napakasama ng pinsan ko. Tinulungan ako ni Darren sa Green Dragon City Gate. Paano ito nagawang asarin ni Jonas? Kahit na isa lamang siyang ordinaryong tao ay matapang at lalaking-lalaki ang ginawa nito sa Green Dragon City Gate.Nanatiling nakakunot ang mga
Ngumiti at tumango si Darryl nang harapin nito ang ang mga tanong ni tanya. “Siyempre, ako si Darryl. Nagsasabi ako ng totoo. Bakit? Mayroon bang taong nagkukunwari bilang ako?”Hindi mapigilang tumawa ng malamig ni Jonas. Tigilan mo na ang pagkukunwari, batang lalaki. Sasabihin ko sayo, mayroong mga hindi mabilag na tao ang nagkukunwari bilang si Darryl.”Matapang nitong sambit sa harap ni Darryl. “Sa nakalipas na ilang taon ay nagkaroon ng hindi mabilang na mga tao ang nagkukunwari bilang si Darryl at sinubukang samantalahin ang aking pamilya. Alam mob a kung anong nangyari sa kanila?”Tama si Jonas. Sa nakalipas na sampung taon ay maraming cultivator ang nagkunwari bilang si Darryl at sumubok na isahan ang pamilya Dokko nang naging mas sikat si Darryl. Nang mabunyag ang tunay nilang pagkatao ay naging hindi maganda ang kanilang sinapit.Hindi lamang ito sa Middle Terra nangyari pero pati na rin sa ibang mga kontinente. Pero halos walang alam si Darryl patungkol dito.Nang marin