Napakunot na lang ang noo ni Darryl sa kaniyang sarili nang maramdaman niya ang kakaibang pakikitungo ni Gonggong sa kaniya. Agad siyang nagsuspetsa nang husto rito.“Hindi ba’t gusto na niya akong mamatay noon? Kaya bakit ito biglang naging mabait sa akin?” Isip ni Darryl.Nagugulat pa rin si Darryl habang nakangiting sinasabi na, “Hinahanap moa ko? Hindi ko alam kung anong mga utos ang ibibigay mo sa akin, Gonggong.”“Kasalukuyang nasa bingit ng panganib ang Chaotic Mountain Range kaya mayroon tayong responsibiidad na panatilihing ligtas ang lugar na iyon! Mismong ang kamahalan na ang nagutos sa akin na kausapin ka tungkol sa magiging plano ng pinagsanib puwersa nating mga hukbo para labanan ang tribo ng Raksasa kasama ka,” nakangiting sinabi ni Gonggong.Malinaw na makikita ang ngiti sa mukha ni Gonggong pero sa totoo lang ay nanlalamig na nang husto ang kaniyang puso. Inutusan siya ni Yang Jian na patayin si Darryl kaya dapat lang na magmukha siyang seryoso para hindi magsuspet
Malademonyong ngumiti si Darryl nang sabihin niya iyon.Palaging nagkakaroon si Gonggong ng tinitingalang posisyon kaya bihirang magkaroon si Darryl ng pagkakataon na makipagbiruan dito.Namula nang husto ang mukha ni Gonggong sa mga sandaling ito. Nanginig sa galit ang buo niyang katawan habang nanenermon kay Darryl na, “Nakikipaglokohan ka ba sa akin, Darryl? Papatayin kita sa sandaling ipagpatuloy mo pa ang ginagawa mong ito!”Wala talagang intensyon na umatake si Gonggong kahit na sinabi niya ang mga bagay na iyon.Gustong gusto na niyang patayin si Darryl noong mga sandaling iyo. Pero agad niyang naalala ang utos ni Yang Jian na pagmukhain itong isang aksidente, hindi na niya nakontrol pa ang kaniyang sarili.Agad na ikinaway ni Darryl ang kaniyang kamay nang makita nitong nagagalit si Gonggong. Ngumiti si Darryl at sinabing, “Sige! Huwag mo itong seryosohin, nagbibiro lang naman ako. Sige, tara na!”Ngumiti si Darryl at tumingin kay Gonggong habang nakakaramdam ng matinding
Kasalukuyang nakatayo sa tabi ng isang bonfire sa isang sulok ng base camp si Debra habang tinitingnan ang 10 mga Gigantic Monster hindi kalayuan sa kaniya. Napuno ng matinding kalungkutan ang kaniyang mukha.Dalawang araw na ang nakalipas mula noong mahuli sila ng Raksasa kaya nagsisimula nang masanay ni Debra sa kapaligiran ng lugar na ito, pero walang tigil pa rin itong nakaramdam ng nerbiyos sa kaniyang dibdib.Dalawang araw na ang nakalilipas mula noong hilingin ng mismong hari ng Raksasa ang pagkamatay nina Debra at Shentel pero agad itong pinigilan ng kaniyang kagalang galang na anak na si Alaric Celtic. Dito na nagbago ang isip ng hari na nagutos sa kaniyang anak na ikulong sina Debra at Shentel. At noong mga sumunod na araw ay walang tigil silang pinuntahan ni Alaric para tanungin tungkol sa siyam na mga kontinente.Kahit na nagmula si Alaric sa tribo ng Raksasa, maiba pa rin ito sa ibang mga miyembro ng tribo. Isa itong maalaga, matalino at gentleman na lalaki. Kaya naging
Naging mahinhin at mapagmatigas ang tono ng kaniyang boses.Matapos maattract sa ganda ni Debra, gustong gusto na itong kunin ni Amastan bilang kaniyang pagmamayari. Pero ilang libong taon nang itinatakwil ang ng Nine Mainlands ang kanilang tribo kaya kaaway ang naging tingin ng mga ito sa sinumang taga siyam na kontinente saan mang henerasyon ito mapabilang.Sabagay, binalaan na rin sila ng mga ninuno ng Raksasa na kinakailangan nilang patayin ang lahat ng mga taga Nine Mainlands sa sandaling makatawid sila sa Chaotic Mountain Range. Kaya hindi nila ito puwedeng maging mga kaibigan o asawa.Kahit na naging wild si Amastan, nirerespeto pa rin nito ang mga utos ng kanilang mga ninuno. Kaya sinubukan niya ang lahat ng kaniyang makakaya para alisin ang kaniyang nararamdaman kay Debra.“Hindi ako marunong sumayaw!” Nanlalamig na sinabi ng walang pagaalinlangang si Debra.Agad na tumahimik ang paligid habang nakatingin ang mga sundalo ng Raksasa kay Debra!“Si…sinabi niya pong hindi s
Napakunot ang noo ni Amastan nang titigan nito si Shentel.“Patayin niyo muna siya bago ipakain sa mga Gigantic Monster!” nanlalamig nitong sinabi.Parang hindi na naging makatao ang tunog ng pagsasalita nito tindi ng kawalan niya ng awa.Nagalit nang husto si Amastan noong mga sandaling iyon. “Ang lakas ng loob ng babaeng ito na sabihing madumi ang aking mga kamay. Paano ko mapapanatili ang aking reputasyon kung hindi ko siya papatayin?”Mabilis na naglakad ang ilang mga sundalo ng Raksasa sa paligid ni Shentel.“Hindi…” nanginig ang katawan ni Debra nang makita niya ito. Hindi nito naiwasang mapasigaw sa sobrang pagkagulat habang tumutulo ang kaniyang mga luha.At pagkatapos ay nagmakaawa na si Debra kay Amastan, “Nagmamakaawa ako sa iyo, huwag mo siyang patayin. Gusto mo akong makitang sumayaw hindi ba? Sasayaw na ako, sasayaw na ako!”Isang mabait na tao si Debra at kapatid na rin ang naging turing niya kay Shentel. Kaya agad niyang inalis ang kaniyang dignidad noong makita
Mainit ang ulo at mababaw ang pag-iisip ni Amastan. Naniniwala itong hindi pinatay ng kaniyang kuya sina Debra at Shentel dahil may gusto siya sa mga ito.Pero naantala ang kaniyang pagsasalita.“Tumahimik ka!” Galit na sumigaw si Alaric at binigkas nito ang bawat salita. “Tumahimik ka! Papanatilihin ko silang buhay para matagumpay ang ating pag-atake sa siyam na kontinente sa hinaharap. Ito ay para sa kapakanan ng Raksasa Tribe. Hindi na ako magpapaliwanag pa. Dalhin mo ang iyong mga tao at umalis na kayo ngayon din.”Mariin ang kaniyang boses kahit na hindi ito malakas.“Kasi…” Ayaw itong gawin ni Amastran, pero wala itong masabi pabalik.Hindi na gusto pang mag-aksaya ng oras ni Alaric nang makita nitong walang intensyon si Amastan para umalis, malamig itong nagsalita. “Kapatid, bakit hindi ka na nakikinig sa akin ngayon?”“Tara na!” Kinontrol ni Amastan ang tigas ng kaniyang ulo nang marinig niya iyon, umalis ito kasama ang mga sundalo ng Raksasa.Mayroong magandang relasyon
Noon ay si Debra ang naging Sect Master ng Artemis Sect mula sa Great East. Magaling ito sa musika, chess, kaligrapiya, at art. Samantalang sikat at maramign talentong babae naman si Shentel na angmula sa Westrington, magaling ito sa agham at heograpiya. Nang sandaling iyon ay detalyado nilang ipinaliwanag ang lahat kay Alaric para maging isa itong matalinong pinuno sa hinaharap at para an rin mabawasan ang kapahamakang posible nitong madulot sa siyam na kontinente.…Sa Middle Terra sa Mid Sky City, bulay at puno ng mabigat na trapiko ang mga kalsada.Isa sa piakamalalaking siyudad sa Middle Terra ang Mid Sky City. Matatagpuan ang Middle Terra sa siyam na kontinente at maraming taong ang may talento rito, marami ring mapagkukunan sa lugar. Nasa gitnang bahagi ng Middle Terra ang Mid Sky City, kaya naman pinangalanan itong Central of Middle Terra. Daan-dahang naglakad ang batang lalaki at babae sa kalsada. Matalino ang suot ng lalaki at gwapo rin ito, habang mayabang pero maganda
”Tabi! Tabi!” Sigaw ni Jonas.Sa isang kisapmata ay dumating ang karwaheng pinapatakbo ni Jonas sa harapan ni Darryl, pero mukhang wala itong planong huminto.Hindi pa rin namumukhaan ni Jonas si Darryl!Bang!Kaagd na binagalan ni Jonas ang pagpapatakbo. Pero naging masyadong mabilis ang kaniyang pagpapatakbo kanina at nawalan ng balanse ang karwahe. Lumihis ito pagilid at tumama sa paitaas na sementong nasa kalsada. Matapos ang malakas na ingay at pagnginig ay parehong nagulat sina Jonas at tanya at halos malaglag ang dalawa sa karwahe.Halos masira ang karwahe g kabayo, natanggal ang isang gulong nito!Maraming tumatawid ang nakakita sa komosyon at pumalibot ang mga ito para makita ang pangyayari. Marami sa kanila ang nakaturo kay Darryl.“Ito na ang huling hantungan ng lalaking iyan!”“Tama. Sino siya para harangan ang daanan ng karwahe ng Second Young Master Dokko.”“Nasa peligro ang kaniyang buhay.”Nag-usap usap ang mga tao. Wlaang naawa kay Darryl. Ang nakabihis na pa