Kasalukuyang nakatitig si Hidden Dragon kay Donogue. Nagulat siya nang husto sa kaniyang mga nakita. “Buwisit, hindi naging ganoon kalakas ang natural na mga kakayahan ng mongheng ito pero nagawa pa ring sumabog sa lakas ng ginagamit nitong Sky Breaking Axe. Bilang lang ang mga taong makakatalo sa dambuhala kong dragon ng dagat. Pero walang kahirap hirap pa rin niya itong sinalag gamit ang kaniyang Sky Breaking Axe!”Nang matigilan si Hidden Dragon at ang ibang mga pirata, pasimpleng pinakawalan ni Ambrose ang kaniyang acupoint. Pero hindi siya agad na umalis kasama ni Eira. Pinanood niya muna ang monghe at nagisip nang malalim mula sa kaniyang mga nakikita.“Na…nagawa ng mongheng ito na gamitin nang perpekto ang lakas ng Sky Breaking Axe! Kahit na nagsuot monghe ang isang ito, parang may isang tao akong naaalala sa sandaling nakikita ko ang arogante niyang mukha,” Isip ni Ambrose.Dito na biglang narealize ni Ambrose ang isang bagay, dito na nagsimulang manginig ang kaniyang katawa
Natigilan sa kanilang kinatatayuan ang Blood Sherlock Four Sisters nang makita nila iyon. Agad na nagbago ang kanilang mga mukha habang nagpapawis nang malamig para kay Hidden Dragon.Kasabay nito ang pagsigaw ng Blood Sherlock Four Sisters sa sobrang pagkagulat.“Magiingat ka, Pinuno!”“Magiingat ka!”Naramdaman ng lahat ang nakakatakot na lakas ng gintong ray ng liwanag. Kahit na masyadong malakas si Hidden Dragon, isa pa rin itong tao. At ang sandatang ginagamit nito ay isa lang Violet Category na sandata. Kaya paano nito matatapatan ang lakas ng isang Grand Weapon?Gulp!Nagulat nang husto si Hidden Dragon nang makita niyang papalapit ang gintong liwanag. Hindi na nito naiwasan pang mapalunok nang malakas bago magsimulang magpanic.“Buwisit! Mukhang ordinaryo lang ang mongheng ito pero nagawa pa rin niyang gamitin nang perpekto ang lakas ng kaniyang Grand Weapon na umabot sa ganiyang level. Malaki nga ang problemang pinasok ko. At mukhang hindi ko na rin madedepensahan pa an
“Sabagay, anong klase ng secret weapon ang malaking hammer na hawak ng binatang ito?” isip ng mga pirata.Hindi pa rin nila alam na isa ring grand weapon ang Tyrant Hammer ni Ambrose na lumabas sa daigdig noong unang panahon. Kahit na hindi ito naging kasing tanda ng Sky Breaking Axe, isa pa rin itong pambihirang kayamanan.At sa wakas ay bumalik na rin ang isip ni Hidden Dragon sa realidad, tumingin ito kay Ambrose at nakangiting sinabi na. “Napakahusay mo bata! Hindi ko inasahan na isa ka palang batang mandirigma!”Nagpasalamat at hindi nagalit si Hidden Dragon kay Ambrose matapos nitong itago ang tunay nitong lakas.Ngumiti si Ambrose at hindi na sumagot pa, pinanatili niyang alerto ang kaniyang sarili.Tumitig si Hidden Dragon kay Donoghue, nagngalit sa galit ang kaniyang mga mata habang sinasabi na, “Hayop kang monghe ka! Iyan lang ba ang kaya mong gawin? Mamatay ka na!”Sumabog ang internal energy ni Hidden Dragon habang sumusugod kay Donoghue.Bang!Hindi na nagdalawang
Hindi nagdalawang isip si Ambrose na lumipad nang mabilis para dalhin ang disipulo ng Elysium Gate sa deck ng barko.“Ano ang nangyari?” isip nito.Tumingin nang maigi si Ambrose sa disipulo ng Elysium Gate bago mapatangong ng, “Ano ang ginagawa mo rito?”Tumingin nang maigi si Eira at ang ibang mga pirata sa nakaligtas na disipulo ng Elysium Gate gamit ang nagliliwanag sa pagtataka nilang mga mata.Nanghihina namang sumagot ang namumutlang disipulo ng Elysium Gate sa kanila, “Young Master, nasa bingit po ng panganib ang siyam na mga kontinente. Ang Chaotic Mountain Range…”Kahit na nagmatigas si Ambrose na hindi kilalanin ang kaniyang amang si Darryl, matagal na siyang kinikilala ng mga disipulo ng Elysium Gate bilang kanilang Young Master.Pagkatapos ng ilang minuto ay nagawa nang maikuwento ng nakaligtas na disipulo ang buong pangyayari.Nang matapos ito sa pagpapaliwanag, napuno ng galit ang mukha ng disipulo habang sinasabi na, “Hindi namin inaasahan na magiging ganito kasa
“Nagawa tayong pahirapan ni Darryl noon kasama ang kaniyang Elysium Gate sa karagatang sakop ng World Universe.” Isip ng mga pirata.Dito na biglang pinaligiran ng lahat sina Ambrose at Eira na para bang humaharap sila sa mortal nilang kalaban. Agad na binunot ng mga ito ang kanikanilang mga espada habang binabalot ng ang hangin sa paligid ng malakas na aura ng pakikipaglaban.Habang napapaligiran ng lahat, naging kalmado si Ambrose habang binabantayan ang kapatid niyang si Eira.“Sugatan ngayon si Hidden Dragon at nakarecover na rin ang aking internal energy matapos magpalakas nitong mga nakaraang araw. Kaya wala na akong dapat pang ipagalala sa sandaling magsimula ang mga ito sa pakikipaglaban,” Isip ni Ambrose.Nagdikit ang mga kulay ni Hidden Dragon habang tumitingin sa paligid at galit na sumisigaw ng, “Ano ang ginagawa ninyong lahat? Umatras na kayo!”Kumalat ang kaniyang boses sa loob ng 10,000 feet na area mula sa kaniya. Nagtunong determinado na para bang hindi makukwesti
Natuwa nang husto si Ambrose nang makita niyang sumangayon si Eira.Pagkatapos ay agad na tumingin si Ambrose kay Hidden Dragon. “Mr. Hidden Dragon, napagdesisyunan po namin ng kapatid kong manatili sa Blood Shark Pirates para tulungan kang mahuli ang mongheng iyon. Huwag mo po sana kaming tanggihan?”Tumawa si Hidden Dragon habang itinatango ang kaniyang ulo at sinasabing, “At paano naman kita magagawang tanggihan, Kapatid? Nagawa mo akong tulungan kanina kaya dapat lang na ituring ka namin bilang isang importanteng bisita!”Nasabik nang husto sa mga sandaling ito si Hidden Dragon. Nagawa nitong makita ang tunay na lakas ni Ambrose kanina kaya sa tulong nito ay siguradong mahuhuli na nila ang monghe at makukuha na rin niya ang pagmamayari nitong Sky Breaking Axe. Ang pananatili ni Ambrose sa kanilang grupo ang pinakamagandang balita na natanggap niya. Sa sobrang pagkasabik ay agad na ipinadala ni Hidden Dragon si Ambrose at Eira sa kanilang cabin.Kasabay nito ang paguutos ni Hidd
“Iniisip ko pa rin ang bagay na iyan,” Naiinis na sinagot ni Yang Jian habang nagdidikit ang kaniyang mga kilay.Nafufrustrate din si Yang Jian nang dahil sa bagay na iyon. Kaya ano ang dapat niyang isagot kay Gonggong?Dito na nagsalita ang kanina pang tahimik an si Zhang Jue, “Sa totoo lang ay hindi na dapat natin alalahanin pa ang tungkol sa bagay na ito. Kinakailangan lang nating tapusin si Darryl para maresolba ang ating mga problema. At sa sandaling magawa natin ang bagay na iyon, agad na masosolusyunan nang paisa isa ang ating mga problema.“At ngayong wala pang nangyayari sa Chaotic Mountain Range, gamitin na natin ang pagkakataong ito para tapusin si Darryl. At kapag nagtagumpay tayo rito, maaari mo nang mapamunuan ang siyam na mga kontinente sa sandaling umatake ang tribo ng Raksasa. At sa sandaling matalo natin ang mga iyon, ikaw na ang ituturing ng Nine Mainlands bilang kanilang bayani. Hindi mo na kakailanganin pang magpadala ng hukbo para manakop sa mga sandaling iyon,
Ang Middle Terra ay isang kontinenteng katulad ng Great East, pero kasalukuyan na itong dumadaan sa era ng technological advancement. Kaya ang karamihan ng mga information technology company ng World Universe ay agad na naglakbay paputa sa Middle Terra, pero hanggang ngayon ay dumedepende pa rin sila sa mga sulat.“Isang sulat kamay na liham mula kay Master Rama?” Bulong ni Darryl sa kaniyang sarili bago buksan at basahin ang sulat. Hindi na niya alam kung matatawa ba siya o maiiyak sa kaniyang nakita.Mukhang nafufrustrate si Master Rama sa sulat na ito.Ang pamilya Dokko ang pinakamalaks na pamilya sa buong Middle Terra. Kaya ang pamilyang ito na ang kinilala ng ibang mga kontinente bilang lider ng Middle Terra. Kaya agad na nagpunta si Master Rama sa pamilya Dokko noong makarating ito si Middle Terra para hikayatin ang mga itong magpadala ng mga tauhan sa Chaotic Mountain Range. Pero naramdaman ng pamilya Dokko ng Middle Terra na peke ang mga usap usapan tungkol sa tribo ng Raksa