Tumingin sa ibaba si Jasmine at mahinang sinabi na, “Mr. Darby, hinanap kita ngayong gabi dahil sa ininom kong Yang Pill kaninang umaga, hindi talaga naging maganda ang pakiramdam ko pagkatapos kong inumin ito. Nandito ako para humingi ng payo sa inyo, Mr. Darby.”“Hindi maganda ang naradaman mo rito?” Natigilan si Darryl nang marinig niya iyon.Mabilis niyang inayos ang kaniyang isipan at nacucurious na nagtanong ng, “Hindi ito tama. Ang Yang Pill ay ang antidote sa chill poison na kumalat sa iyong katawan. Kaya wala ka nang dapat pang maramdaman kundi ang pagkawala ng nararamdaman mong sakit sa sandaling ikonsumo mo ito. Bakit lalong sumama ang pakiramdam mo rito?”“Talaga!?” Nagalala nang husto at nakatinging si Jasmine habang napapakagat nang husto sa kaniyang mga labi. Dito na siya muling yumuko at sumagot ng, “Ma-mayroon kasi akong period ngayon. Naramdaman ko ito pagkatapos kong inumin ang Yang Pill, hindi nawala nang kahit na kaunti ang sakit mula sa kumalat na chill poison
“Sige kung iyan po ang gusto mo!” Tango ni Darryl. Nagmukha siyang seryoso pero naging katawa tawa para sa kaniyang sarili ang sitwasyong ito.Dito na nagsabi si Darryl na, “Simulan na po natin.”“Sige!” Sagot ni Jasmine.Sa ilalim ng mga tingin ni Darryl, itinalikod ni Jasmine ang kaniyang katawan at dahan dahang tinanggal ang suot niyang dress.Napalunok dito nang husto si Darryl. Ilang segundo pa ang nakalilipas bago naglakad palapit si Darryl at simulan ang panggagamot kay Jasmine.Noong una ay ninerbiyos nang husto si Jasmine, lalo na noong maramdaman niya ang init na nagmumula sa kamay ni Darryl. Napakagat siya s akaniyang labi nang husto habang nanginginig ang kaniyang katawan. Hindi nagtagal ay nagsimula nang mapangiti si Jasmine habang unti unting nawawala ang sakit na kaniyang nararamdaman.Mabilis na lumipas ang kalahating oras.“Ok na!” Tinanggal ni Darryl ang kaniyang kamay at nakangiting tumingin kay Jasmine. “Nagamot ko na ang irregular na kondisyon ng enerhiya sa
“Tigilan mo na ang mga kalokohan mo. Puwersahan kong bubuksan ang pinto kung ayaw mo itong buksan.” Hindi na nagsalita pa rito si Jackie.Mas tumitindi ang suspisyong nararamdaman ni Jackie habang tumatanggi si Darryl na pagbuksan siya ng pinto.Hay!Wala nang maisip si Darryl habang nililingon ang kaniyang ulo at sinasabi sa Sect Master na, “Ano na po ang dapat nating gawin, Sect Master?”“Shush!”Dito na nilagay ni Jasmine ang kaniyang mga daliri sa kaniyang bibig na sumenyas kay Darryl na tumahimik. “Shush!”Ninerbiyos si Jasmine at napuno ng magkahalong emosyon sa kaniyang dibdib. “Huwag na huwag mong ipapaalam sa kaniya na nandito ako. Siguradong hindi niya maiintindihan ang sitwasyon ngayong malalim na ang gabi.”Dito na itinalikod ni Jasmine ang kaniyang katawan para umakyat sa higaan bago ibalot sa kumot ang buo niyang katawan.Hindi na malaman ni Darryl kung matatawa ba siya o maiiyak nang makita niya iyon. “Masyado nga talagang nagaalala ito sa kaniyang reputasyon. Na
Hay!Hindi manlang nagpanic si Darryl nang maramdaman niya ang galit ni Jackie. Bahagya siyang huminga nang malalim habang dahan dahang sinasabi na, “Narinig naman po siguro ni Elder Master ang tungkol sa pagatake ni Yang Jian ng North Moana sa South Cloud World na nagbigay ng pagdurusa sa mga taong nakatira roon. Hindi na ako maaari pang manatili sa aking bayan kaya agad akong nagpunta sa Yellow Sea Continent para maghanap ng bagong matitirhan. Hindi ko po sinasadyang pumasok sa forbidden area ng Sun Set Sect.”Nagmukhang frustrated si Darryl nang sabihin niya iyon na para bang nagpunta talaga siya roon para maghanap ng bagong matitirhan.Dito na niya narinig ang paghinga nang malalim ni Jackie habang nagdadalawang isip na nagtatanong ng, “Talaga? Hindi ka na nagsisinungaling sa akin?”Tama nga ang hinala ni Darryl. Hindi nagpadala si Jackie ng tauhan sa South Cloud World para magimbestiga tungkol sa kaniyang background. Pero hindi pa rin ito nakukumbinsi sa mga sinasabi ni Darryl
Sa wakas ay nakabalik na rin sa realidad ang isipan ng nakatingin sa Sect Master na si Jackie habang nakakunot niyang sinasabi na, “Bakit ka nandito? Kayo ba ni Darren…”Nabalot ng iba’t ibang emosyon ang dibdib ni Jackie. Kahit na naging mahusay si Darryl sa larangan ng medisina, isa lang itong doctor. Kaya hindi na dapat pang pagtuunan ng pansin ang mga taong kagaya nito.Naniniwala rin siya na mataas ang standards ng Sect Master pagdating sa ganitong mga bagay, kaya siguradong hindi siya mahuhulog sa isang lalaki nang basta basta.Pero hindi pa rin maimagine ni Jackie na ang Sect Master na itinuring na niyang kapatid ay mahuhulog sa isang lalaki na kagaya ni Darren at makikipagdate sa loob ng kuwarto nito nang ganitong oras. Sabagay, nakarating na rin naman sa pinakaintimate na stage ang relasyon ng dalawang ito.Agad na magsususpetsa ang kahit na sino sa sandaling makita nila ang sitawsyong ito. Hindi naging maayos ang pananamit ng Sect Master habang nakahiga sa kama ni Darryl.
Tumingin si Jackie kay Darryl habang nagpapatuloy sa pagsasalita, “Ngayong gustong gusto ka ng aking kapatid, hindi ko na kayo paghihiwalayin sa isang kondisyon na dapat mong sangayunan. Dahil kung hindi ay papatayin kita kahit na sisihin pa ako ng aking kapatid habangbuhay.”Nagulat at napakunot dito ang ulo ni Darryl sa kaniyang sarili. “Ano nanaman ba ang gusto ni Jackie? Wala ka nang kinalaman sa kung anong relasyon namin ng Sect Master. Sige, tingnan natin kung ano ba talaga ang gusto mo.”Pilit na ngumiti si Darryl habang sinasabihan si Jackie na magpatuloy sa pagsasalita.Nang makita niya ang hindi pagtanggi ni Darryl sa kaniyang kondiseyon, agad na bumaba ang tono sa pagsasalita ni Jackie at malinaw na sinasabing, “Simple lang naman ang kondisyon ko. Mula sa araw na ito, buong puso mo siyang mamahalin, at hinding hindi ka aalis sa kaniyang tabi rito sa Sun Set Sect habang buhay.”Halos mapatalon sa sobrang pagkagulat si Darryl nang marinig niya iyon. “Hindi ako makakaalis n
Pagkatapos niyang magsalita, tumalikod na si Jackie at umalis sa kuwarto. Humarap ito papunta sa labas at umalis.Hay!Nakahinga na rin nang maluwag si Darryl sa kaniyang sarili noong mga sandaling iyon. “Buwisit, nakaalis na sa wakas si Jackie.”Nainis noong mga sandaling iyon ang Sect Master habang tumitingin kay Darryl, “Bakit ka pumayag sa gusto niya, Mr. Darby?”“Kahit na mahusay sa larangan ng medisina si Mr. Darby, hindi ko naman siya gusto. Kaya paano niya ako magiging isang babae? Isa itong kalokohan” Isip ng Sect Master.Mapait namang tumawa si Darryl at nagpaliwanag, “Sinakyan ko lang ang mga gusto niya, Sect Master. Nakita niyo naman po ang sitwasyon kanina hindi po ba? Siguradong papatayin ako ng Elder Master sa sandaling tumanggi ako sa kaniya.”Dito na niya biglang naalala ang isang bagay at sinabing, “Hindi na naintindihan ng Elder Master ang sitwasyon. Mas mapapasama lang ang sitwasyon nating lahat sa sandaling manatili ako rito. Kaya bakit hindi mo na lang ako p
“Debra!” Isip ng emosyonal na si Darryl habang nakakaramdam ng sakit sa kaniyang puso.Nawala ang mga alaala ni Debra habang naglalakbay nang magisa sa siyam na mga kontinente. Siguradong matindi na ang sinapit nito. Hindi niya inasahang makikita niya rito si Debra.Sa mga sandaling iyon, sumagot ang pinuno ng mga babaeng desipulo sa Sect Master nang buong galang, “Ito po ang report, Sect Master! Kasalukuyan po kaming nagpapatrolya sa Holy Lake kanina nang makita namin ang pagkahulog ng babaeng ito sa isang bangin. Mukhang hinahabol siya ng isang tao kaya agad po namin siyang dinala rito.”Tahimik na tumango ang Sect Master nang makita niya ito. Tumingin siya kay Darryl na hindi pa rin umaalis at nagulat sa aniyang nakita. Dito na siya nacucurious na nagtanong ng, “Bakit hindi ka pa rin umaalis, Mr. Darby?”Pero hindi na nagawa pang sumagot ni Darryl habang tinitingnan nang malalim si Debra, nakaramdam siya ng matinding guilt at kalungkutan sa kaniyang sarili.Nang maramdaman niya