Iniling ni Darryl ang kaniyang ulo at nakangiting sinabi kay Felix na, “Paalis na tayo sa border ng Mistloren. Hindi mo na kami kailangan pang ihatid. Bumalik ka na roon.” “Sige, Kuya Darryl.” Tango ni Felix. Mabilis itong bumaba at binuksan ang pintuan para kina Darryl at Chang Er bago magmaneho pabalik.Nakahinga na rin nang maluwag si Chang Er nang makita niya ang paglayo ni Felix. “Umalis na rin siya sa wakas. Ayoko nang marinig siya na tawagin akong hipag.” “Kamahalan!”Nakangiting tingin ni Darryl kay Chang Er. “Taman ga si Felix. Dalawang oras na tayong bumiyahe sa kotse papunta rito. Bakit hindi muna kaya tayo maghanap ng lugar na mapapagpahingahan?” “Hindi!” Nanlalamig na sagot ni Chang Er. “Tinatawag mong kotse ang shell na gawa sa bakal na iyon?” Dito na nagtatakang tiningnan ni Chang Er ang mga sasakyan na dumadaraan sa abalang kalye na nasa kaniyang harapan. Natural na curious ang mga kababaihan kaya natural lang na palaging macurious si Chang Er sa kaniyang mg
Hindi ako nagkakamali sa pagbabasa ng tao. Hindi lang maganda si Jade dahil isa rin siyang magaling na businesswoman na may malakas na business acumen. Sa loob ng ilang taon ay nagawa na niyang mapalaki nang ganito ang negosyong ibinigay ko sa kaniya.” Whoa! Nakita ng katabi niyang si Chang Er ang mga supercar na iyon. Dito na nanlaki ang kaniyang mga mata at kuminang na para bang isang diyamante. Napakarami ng mga sasakyang ito, at pareparehong magaganda at cool ang mga ito. Inisip ni Chang Er na magkakapareho lang ang itsura ng mga sasakyan pero agad niyang narealize na nagkamali siya noong makita niya ang mga supercars na iyon.Kahit na nasabik siya nang husto, nagpakita pa rin siya ng walang pakialam na itsura nang dahil sa kaniyang katayuan. Tiningnan ni Darryl ang mga sasakyan na iyon at agad na nagsawa sa itsura ng mga ito.Kahit na marami ang mga makikitang supercar sa lugar na ito, nabored pa rin si Darryl dahil walang kahit isa sa mga ito ang limited edition.Ano
Habang nagsasalita, humakbang papunta sa tabi ang guwardiya habang nagpapakita ng nagiimbitang gesture kay Chang Er. Napuno ng paggalang ang kaniyang attitude, ibang iba ito sa naging trato niya kay Darryl. Inisip ng guwardiya na nagmula ang magandang babae na ito sa isang kilala at makapangyarihang pamilya sa Mistloren. Inisip niya rin na bodyguard lang nito ang nakasuot ng ordinaryong mga damit na si Darryl. Walang kaalam alam ang guwardiya na may kakaibang pinanggalingan ang magandang babae na nasa kaniyang harapan. Ito ay walang iba kundi ang kilalang Empress na si Chang Er, mas naging maganda pa ito kaysa sa isang diwata. Kahit na may mataas na katayuan si Chang Er sa lipunan, wala pa rin siyang pera para makabili ng helicopter. Napabuntong hininga si Darryl at mabilis na naglakad papunta sa platform kasama si Chang Er. Hindi nagtagal ay nakarating na rin sila sa harapan ng helicopter. Nanginig ang puso ni Chang Er nang makita niya ang helicopter nang malapitan—naintri
“Parang gusgusin kung manamit ang hayop na ito. Bakit nga ba siya kinuha ng babae para maging kaniyang driver? Bakit hindi ko agad nakita ang bagay na ito kanina?” “Isa itong helicopter. Siguradong matatanggal din ako sa trabaho sa sandaling hindi ito mabayaran ng gusgusing iyan. Hay! Siguradong ako ang sisisihin nila rito.” Naistress nang husto ang mangiyak ngiyak na guwardiya nang isipin niya iyon. Dito na siya sumigaw kay Darryl ng, “Huwag na huwag mo akong tatakbuhan. Kailangan mong magtrabaho rito sa sandaling hindi mo mabayaran ang nasira mo.” “Sino ang nagsabi sa iyo na tatakbo ako?” Nagtatakang sagot ni Darryl. “Isa lang itong helicopter kaya bakit ko ito tatakbuhan?” Pitter-patter… Agad na naipon ang tao sa paligid ng komosyong nabubuo sa mall. “Ano ang nangyari?”Hindi nagtagal ay naglakad ang ilang mga tao mula sa mga nakikiusyoso—sila ay walang iba kundi ang mga staff ng mall na iyon. Pinamunuan sila ng isang lalaking nakasuot ng pormal na damit habang ipinap
“Kung ganoon, ano ang gusto mong mangyari?” Hindi pinansin ni Darryl ang panunukso ng mga tao sa paligid. Hindi niya halos tiningnan si Chas sa mga mata nito. “Bata!” Napangiti si Chas habang nanlalamig na sumasagot ng, “Patas naman akong tao. Mamili ka sa dalawa—babayaran mo ang nasira at makakaalis kayong dalawa o paalisin kita pero kinakailangan mong iwanan ang magandang babae na ito rito.” Tinuro ni Chas si Chang Er nang banggitin niya ang huling pangungusap. Dito na siya nagpakita ng malademonyong ngiti sa kaniyang mukha.Inisip ni Chas na isang mahirap na lalaki lang si Darryl kaya hinding hindi nito mababayaran ang helicopter. Inisip niyang magiging mabait na siya kung pakakawalan niya ito sa sandaling iwanan ni Darryl ang kasama nitong babae sa kaniya. “Hindi ako papayag sa gusto mo.” Agad na tinanggihan ni Darryl ang alok ni Chas nang walang pagaalinlangan. Matalino ang isang ito—inakala niya sana na makukuna niya si Chang Er sa pamamagitan nito. Agad namang nagba
Pero hindi napansin ni Chas na hindi manlang nagpapanic si Darryl sa mga sandaling ito. At sa halip ay pinanatili lang nito ang ngiti sa kaniyang mukha.Gustong matawa ni Darryl sa mga sandaling ito. Kung nagkataon nga naman! Inaalala ni Darryl kung paano niya matatawagan si Jade pero sa hindi inaasahang pangyayari ay nagawa nitong tawagan si Chas. “Hey, Jade. Ano po ang maitutulong ko sa iyo?” magalang na sinabi ni Chas. “Well, hindi pa rin tapos ang autoshow pero mayroon na tayong problema ngayong araw.” Kahit na nagmula si Chas sa isang prominenteng pamilya, hanggang sa Rich Cloud City lang ang kayang abutin ng kanilang impluwensya. Habang si Jade naman ay isang kilalang negosyante sa Mistloren, ilang taon na rin siyang nakilala rito. Kaya hindi sila magkalevel sa totoo lang, ito ang dahilan kung bakit naging magalang si Chas kay Jade. “May problema?” Simangot ni Jade sa kabilang linya. “Ano ang naging problema?” Nasabik nang husto ang mga tao nang marinig nila ang pangal
Ngumiti si Darryl at sinabi kay Jade sa telepono na, “Wala namang problema. Nasira ko lang ang helicopter, pero ayaw akong paalisin ng parter mong si Chas. Gusto niyang ipadampot kaming dalawa ng kaibigan ko.” “Ano?” Halos tumiklop ang mga tuhod ni Jade sa kabilang linya nang marinig niya ito. Nanginig siya sa sobrang galit. “Paano nagawang bastusin ni Chas nang ganito si Darryl? Mukhang gusto na niyang mamatay!” Dito na nagmamadaling sinabi ni Chas na, “Ako na ang bahala rito. Pupunta na ako riyan.” Dito na huminto si Darryl sa pagsasalita bago ibato ang telepono kay Chas. Sinalo naman ni Chas ang telepono habang tumitingin kay Darryl, dito na siya nakaramdam ng pagkailang kay Darryl. Pagkatapos ng isang sandali, narinig ng lahat ang mga tunog ng mga yapak sa unang palapag ng mall. At pagkatapos ay nakita nila ang isang babaeng nagmamadaling naglalakad papunta sa ikalawang palapag kasama ang mga nakaitim na mga lalaking pumuwesto sa kaniyang paligid. Nakasuot ang babae
“Siya si Darryl?” Naging popular na ang pangalan ni Darryl noong mga nakalipas na taon. Siguradong narinig na siya ng kahit na sino sa siyam na kontinente sa mga sandaling ito.Dito na naconfuse ang mga tao sa paligid, nabablangko nilang tinitigan si Darryl sa sobrang gulat. “Mukhang siya nga talaga si Darryl—kaya pala ganoon na lang siya kaconfident kanina. Nagawa siyang tawagin maging ng Iron Lady bulang Daddy.” Pagkatapos ng ilang segundo, agad na nanginig ang boses ni Chas. Nagpakita ito ng bagsak na itsura habang nagmamakaawa sa harapan ni Jade. “Nagkamali ako, Jade—" “Wala ka nang dapat pang sabihin. Kanselado na ang kontrata namin sa inyo, mula ngayon ay wala na tayong collaboration sa auto show na ito.” Hindi na nagawa pang magisip ni Jade sa kung ano anong bagay nang dahil sa galit na kaniyang nararamdaman. “Tatawagan ka ng assistant ko mamaya para asikasuhin ang rescind ng ating contract.” “Wala na.” Nanginig ang buong katawan ni Chas na halos bumagsak na sa lupa