Mabilis na naglakad palapit si Queenie sa mga sandaling ito at agad na hinawakan ang kamay ni Darryl habang sinasabi na, “Ayokong umalis. Gusto kitang makasama.”Siguradong malalagay sa peligro ang buhay ni Darryl sa sandaling sumama ito kay Chang Er na kilala sa iksi ng kaniyang pasensya. Paano niya magagawang hayaan na manganib ang buhay ni Darryl?Kahit na nanatili siyang tahimik sa isang tabi, nagpakita rin si Celine nang kaunting pagaalala sa maganda niyang mukha.Hinawakan ni Darryl ang kamay ni Queenie habang nakangiting kinocomfort ito. “Huwag kang magalala. Mauna na kayong dalawa. Hahanapin ko kayo mamaya.”Nagbigay si Darryl kay Celine ng isang reassuring na tingin nang sabihin niya iyon.“Hindi, Darryl—” Gusto pa sanang magsalita ni Queenie pero agad na itong pinutol ni Celine.Naglakad palapit si Celine, hinawakan ang kamay ni Queenie at mahinhing sinabi na, “Magtiwala ka sa bayaw mo. Mauna na tayo.”Confident si Celine na hindi basta basta ang mga taong katulad ni D
Nakasuot ang magandang babae na iyon ng isang mahaba at kulay itim na dress na nagpakita sa kaniyang panlalamig at sa magandang hubog ng kaniyang katawan.Siya ay walang iba kundi si Gonggong.Nagbago ang itsura ng mangiyak ngiyak na si Darryl nang makita niya si Gonggong! “Tinatakot na talaga ako ng Gonggong na ito! Bakit siya nandito ngayon?”Hmm?Natigilan din si Chang Er bago bahagyang mapasimangot habang naguguluhang tumitingin kay Gonggong.Nilapitan sila ni Gonggong sa mga sandaling iyon at buong galang na yumuko kay Chang Er. “Lady Chang Er!”Tumitig nang husto ang mga mata ni Gonggong kay Darryl ng isang sandali habang sinasabi ang mga salitang, "Gonggong!"Nakabalik na sa realidad ang isip ni Gonggong habang dahan dahang binubuka ang kaniyang bibig at sinasabing, “Nandito ka ba para ibalik ako sa ilalim ng utos ni Yang Jian?”Nakangiti namang sumagot si Gonggong ng, “Huwag kang magalala, Lady Chang Er! Hindi ako nagpunta rito para pigilan ka sa iyong pagalis.”Dito n
“Mangmang kang daga ka!”Malinaw na makikita ang pandidiri sa magandang mukha ni Gonggong habang sumisigaw ng, “Tumabi ka! Hindi na kasali sa usapang ito!”Kilala si Tu Xingsun sa mundo ng mga cultivator sa buong North Moana Continent bilang Underground Rat nang dahil sa pangit nitong itusura kaya pinandirihan siya ng mga babaeng kagaya ni Gonggong.Hindi naman sumagot dito si Tu Xingsun. Nanlamig ang kaniyang itsura habang walang tigil na umaatake kay Gonggong. Naging walang awa at matindi ang mga pagatakeng ginawa nito!Ayaw talagang makipaglaban ni Gonggong kay Tu Xingsun pero napilitan siyang gumanti noong harapin niy ang mababagsik na pagatake nito.Sa loob ng isang iglap, gumawa ang dalawa ng isang matinding laban sa gitna ng ere.Walang kahit na sino sa kanila ang lumamang dahil magkapantay lang ang kanilang mga lakas.Lumipas ang 10 minuto sa loob ng isang iglap. Kasalukuyan pa ring naglalaban sa gitna ng ere sina Gonggong at Tu Xungsun pero wala pa ring kahit na sinong lu
Sino iyan?Nanginig si Aurora nang marinig niya ang paggalaw na iyon. Si Megan kaya ito? Sino ba ang taong bibisita sa kanila nang ganitong oras ngayong nakakulong silang dalawa ng kaniyang anak?Tumingin si Aurora sa pintuan ng kulungan at biglang nakahinga nang maluwag noong makita niya kung sino ang taong pumasok sa kanilang selda.Kasabay nito ang natutuwang pagtawag ni Eira, “Master Quinnie?”Sa ilalim ng mahinang liwanag, ang taong nakatayo sa pintuan ng selda ay isang babaeng may magandang itsura. Mayroon itong pinagpalang katawan na nagbibigay ng mahinhin at maselang impresyon sa sinumang makakakita rito.Ang babaeng iyon ay walang iba kundi si Quinnie. Siya ang Junior Sister ni Aurora at isa sa mga elder ng Emei Sect. Maliban kay Abbess Mother Serendipity, si Queenie ang isa sa pinakamalalapit na tao kay Aurora sa Emei Sect!Nasaktan nang husto si Quinnie noong mapilitang umalis si Aurora sa Emei Sect.Nagulat nang husto si Aurora noong makita niya si Queenie sa mga san
Si Fanny ay ang malapit na kaibigan ni Megan na kaniyang inatasang mamahala sa Emei matapos niyang makulong sa North Moana Continent.Kasalukuyang nagpapalakas si Fanny sa isang hindi kalayuang cultivating cell kanina. Marami rami na rin ang mga pambihirang elixir na kaniyang nakonsumo bilang malapit na kaibigan ni Megan kaya nagawa niyang maging isang Level Four Martial Emperor na nagbigay sa kaniya ng napakalakas na pandinig!Nakarinig si Fanny ng kakaibang ingay noong tumakas sina Aurora, Eira at Quinnie sa kulungan kaya agad siyang nagpunta roon para tingnan ito.“Aurora, sino ang nagaakala na mayroon pa ring magbubuwis ng kanilang buhay para lang iligtas ang isang walang kuwentang babae na kagaya mo?” Hindi naging malakas ang pagsinghal ni Fanny pero nagawa pa rin nitong sindakin ang mga tao sa kaniyang paligid.Dito na tumama ang tingin ni Fanny kay Quinne pagkatapos nito. “Quinnie, binastos mo ang mga batas ng ating sekta matapos mo kaming traydorin bilang isang Elder ng Eme
“Master Seniro Sister!”Ginawa ni Quinnie ang lahat ng kaniyang makakaya para sumigaw kay Aurora ng, “Umalis ka na! Dali!”“Umalis? Huwag niyo nang isipin pa ang tungkol sa pagalis ngayon dito!” Nanlamig nang husto ang boses ni Fanny. Dito na siya umatake ng isa pang beses!“Umalis ka na, Master Senior Sister. Dalian mo!” Nabahala nang husto si Quinnie nang makita niya ito kaya agad siyang sumigaw hanggang sa dulo ng kaniyang lalamunan bago itulak nang malakas si Aurora!Dito na lumipad si Fanny sa tabi ni Quinnie para dakipin ito!“Gusto mong magpakatraydor para iligtas ang babaeng nagbagsak sa ating Emei Sect, Hindi ba Quinnie?” Nanlalamig na sinabi ni Fanny habang nakatingin ang nagyeyelo sa lamig niyang mga mata. “Bilang isang Elder ng Emei, nagawa mong pakawalan ang mga traydor na ito. Walang kapatawaran ang ginawa mong ito. Kaya huwag na huwag mo akong sisisihin sa sandaling hindi ako magpakita ng awa sa iyo ngayon nagawa mo nang kumampi sa hayop na iyan!”Buzz!Dito na gi
Agad na nagbago ang itsura ni Fanny habang nagpapanic nang kaunti sa kaniyang puso. Pero nagawa pa rin niyang suminghal habang itinataas ang kaniyang kamay matapos maalalang hindi pa bumabalik sa dati ang internal energy ni Aurora para gumawa ng isang protective shield sa gitna ng ere!“Huwag kang magbintang ng kung ano ano, Aurora Hansen.” Napakagat si Fanny sa kaniyang labi habang nagbibigay ng isang naghahamong tingin. “Hindi mo ba alam kung anong klase ng kahihiyan ang ginawa ninyo ni Darryl Darby? Nagawa mo pang magkaroon ng anak sa kaniya. Isa kang kahihiyan sa Sekta ng Emei. Ikaw ang nararapat na mamatay. Sinuway ni Quinnie ang ating batas kaya dapat lang din siyang mamatay. Kayo na ng anak mo ang susunod sa kaniya!”Bang!Tumama ang Icy Dragon Punch sa protective shield at gumawa ng isang napakalakas na tunog habang nababasag ang ginawang protective shield ni Fanny. Kasabay nitong nawala ang ice dragon ni Aurora!Kahit na nagawa niyang salagin ito, napaatras pa rin si Fanny
“Gusto mong tumakas?”Suminghal si Fanny sa mga sandaling iyon habang inuutusan ang mga nakapaligid na disipulo ng Emei na, “Pigilan ninyo si Eira!”Dito na biglang humabol ang higit sa isang daang mga disipulo ng Emeil sa anak ni Aurora!Napakagat na lang si Aurora sa kaniyang labi habang tinitingnan ang eksenang iyon at ginagamit ang buo niyang lakas para atakihin ang mga sumusugod na disipulo ng Emei!Bang!Isang nakayayanig na tunog ang bigla nilang narinig pagkatapos ng pagatakeng iyon. Nanginig si Aurora at sumuka ng sariwang dugo! Inubos na ng Icy Dragon ang naipon niyang internal energy kaya hindi na niya kakayanin pa ang pagharap sa ganito karaming mga tao.Pero nagawa pa ring paatrasin ng pagatakeng iyon ang higit sa isang daang mga disipulo ng Emei. Maging si Fanny ay napaatras dito ng isang dosenang mga hakbang!Ginawa ni Aurora ang huli niyang pagatake para masuportahan ang pagtakas ng kaniyang anak. Kaya sa loob ng isang iglap ay agad na nawala si Eira sa paningin