Isa nga talagang ideya ni Megan ang pagkakaroo ng tournament para sa malaman kung sino ang karapat dapat na makakuha kay Queenie. Pero hindi niya ito magawang isuggest bilang Alliance Master ng World Universe kaya natural lang na gawin ito ni Watson para sa kaniya.“Uh…”Pinagisipan naman ng naguguluhang si Master Ralph ang kaniyang mga narinig.Hindi sana siya tatanggi rito kung nangyari lang ito noon dahil isa siya sa pinakamalalakas na fighter sa buong Middle Terra at itinuturing din bilang isa sa mga nangungunang mga cultivator sa siyam na mga kontinente.Pero nasugatan siya nang husto noong makipaglaban siya sa nagwawalang kylin. Kaya wala nang kahit na anong tiyansa ang Sky Fountain Sect na manalo sa sandaling magkaroon sila ng isang tournament dahil ang lahat ng nangdirito ay itinuturing na naglalakasang mga cultivator sa siyam na mga kontinente.“Magaling! Napakaganda ng ideyang ito!”“Magkaroon na lang tayo ng isang tournament kung ganoon! Ang sinumang mananalo ay ang si
Nang tatanungin na siya ni Darryl, sinabi ng nasa battle stage na si Master Ralph na, “Handa na ang lugar na pagdarausan ng kompetisyon. Sino sa aking mga kapwa cultivator ang gustong magpakitang gilas sa harapan, magpunta na kayo rito!”Nabalot ng katahimikan ang lahat nang marinig ang mga sinabing ito ni Master Ralph.Ang mga matatanggap na premyo para sa tournament na ito ay dalawang mga mahahalagang kayamanan kaya walang kahit na sinong cultivator ang may gustong mauna.“Ako na ang mauuna sa inyo!”Isang malinaw na boses ang maririnig. Pagkatapos ng lang segundo, isang maskuladong lalaki ang dahan dahang lumundag papunta sa battle stage—nagmukha itong matikas at hindi mapapantayan.Makikitang nakasukbit sa kaniyang likuran ang isang kulay dugong saber na may disenyong ulo ng isang tigre.Nagmukhang nakakatakot at hindi mapapantayan ang kulay dugong saber na ito sa mata ng lahat na para bang nababalot ang saber na ito ng tunay na dugo.“Hmm?”Isang Violet Category na sandata
Sa battle stage noong mga sandaling iyon!Nasa magkabilang gilid ng battle arena sina Alvin at Patrick habang hawak hawak ang kanikanilang mga sandata.Napagkasunduan nila na makukuha ng sinumang mananalo sa tournament na ito ang Karapatan na makuha si Queenie at ang mga kayamanang nasa katawan nito.Tiningnan nang maigi ni Alvin si Patrick bago ngumiti at kalmadong sabihin na, “Huwag na tayong magpatumpik tumpik pa, simulan na natin ang laban. Sa akin ang babaeng ito.”Naging kalmado ang kaniyang itsura pero malinaw pa ring mararamdaman ang paging arogante ng kaniyang tono.“Woo!”Agad na napasigaw ang mga audience nang marinig nila ito.Hindi na nakapagtatakang siya nga si Alvin Stuart—masyadong mataas ang kaniyang confidence. Hindi pa nagsisimula ang tournament pero nagawa na niyang maghamon sa sinumang may gustong lumaban sa kaniya!Pero hindi nagbibiro si Alvin dahil isa na siyang Level Four Martial Emperor habang si Patrick naman ay isa lang Level Three na Martial Emperor
Makalipas ang dalawang minuto…Sa loob ng isang iglap, limang minuto na ang nakalilipas!Tumingin ang mga cultivator ng iba’t ibang mga sekta sa isa’t isa at walang kahit na sino sa kanila ang nagtangkang umakyat sa stage para hamunin si Alvin.Marami na ang natalo. Kaya magiging torture lang sa kanila ang pagakyat dito.Isang attractive na babae na katabi ni Darryl ang biglang naglakad paakyat ng stage sa mga sandaling ito.Siya ay walang iba kundi si Celine!“Wow…”Umakyat na sa stage ang Honorable Pianist.Agad na nakuha ni Celine ang atensyon ng mga kalalakihan sa kaniyang paligid.Mayroon itong wavy na buhok at maselang mukha maliban sa walang kapintasan nitong katawan.Dito na napasimangot ang nasa ilalim ng stage na si Darryl.Masyadong nababahala si Celine na mailigtas si Queenie! Pero masyado pang maaga para umakyat ng stage dahil masyado pang marami ang mga malalakas na cultivator sa kanilang paligid. Nakakailang dosenang rounds pa lang sila kaya marami pa ang mga
Mukhang namroblema ang ilang milyong tao sa ilalim ng battle stage habang tumitingin sa isa’t isa noong marinig nila ang mga sinabi ni Celine. Masyado nang malakas si Celine kaya sino ba ang maglalakas loob na humamon sa kaniya? Pero sa pamamagitan lang ng pagkapanalo sa tournament na ito niya magagawang makuha ang Karapatan kay Queenie. Ang sinumang makakakuha kay Queenie ay magkakaroon ng pagkakataong makuha ang Heavenly Flame Core at Goddess Tears na hawak nito! Walang kahit na sino ang umatras sa tiyansa na makuha ang mga ito!“Halika, umakyat na tayo roon nang magkakasama!” Isang lalaki sa ilalim ng stage ang naglakad paabante at sumigaw nang malakas noong mga sandaling iyon.Ang lalaking ito ay walang iba kundi si Cedrick Azure na nagmula sa World Universe—isa lang siyang maliit na sect master doon. Walang tigil siyang sinundan ni Cedric mula noong maging Alliance Master si Megan—na nagbigay sa kaniya ng posisyon na maging tuta nito.Naglakad si Cedric palayo sa mga nagkukumpu
Isang makapal na puwersa ng internal energy ang malinaw na makikitang nagmumula sa piano noong patugtugin ito ni Celine na tumama sa daan daang mga taong nasa arena!“Masyado siyang malakas!”Walang tigil na maririnig ang sigaw mula sa mga ito habang dahan dahang tinutugtog ni Celine ang kaniyang piano na naglabas ng katakot takot na puwersang tumama sa kanila!“Dali, salagin natin ito nang sama sama!” Sumigaw nang malakas si Cedric habang nagpapanic na ginagamit ang kaniyang internal energy na gumawa ng isang protective shield sa gitna ng ere.Sa mga sandaling iyon, nagising na sa realidad ang kaniyang mga kasama sa stage at agad na inubos ang laman ng kanilang mga energy field. Sama samang gumawa ang daan daang mga cultivator ng isang protective shield na sumalag sa mga tunog na nagmumula sa piano.Walang kahit na sino sa kanila ang mangmang. Alam ng bawat isang cultivator na nasa stage na hindi nila magagawang salagin ang mga pagatakeng ginagawa ni Celine kaya agad silang nagsa
Gulp.Napalunok nang malakas si Darryl habang namamanghang tinititigan si Celine. Malinaw niya pang naaalala ang napagusapan nil ani Celine—pumayag si Celine na maging babae ni Darryl sa sandaling magawa nitong sakupin ang ilan sa mga kontinente at maging isang Emperor.Kumabog nang husto ang puso ni Darryl nang maalala niya ang usapan nilang iyon.Walang kahit na sino sa kanila ang nakapansin sa napakapangit na itsura ngayon ni Megan.Inakala niya na si Darryl ang nagiisa niyang makakalaban sa tournament na ito. Pero hindi niya inasahan na magpapakita ang napakalakas na si Celine sa gitna ng ginaganap na tournament. Siguradong mananalo na si Celine sa sandaling magpatuloy pa ang sitwasyong ito.Lumubog ang loob nang husto ni Megan habang pumapasok ang isang bagay sa kaniyang isipan bago sumigaw si Celine kay Cedric sa battle arena ng, “Aminin mo na lang ang pagkatalo mo, Cedric!”Ginamit noong una ni Cedric ang lahat ng kaniyang makakaya para salagin ang mga pagatake ni Celine s
“Honorable Pianist, lalaban ka ba o hindi?” sumigaw ang lahat ng naghahamon kay Celine habang binubunot ang kanikanilang mga espada.Napakagat naman sa labi ang nanginginig na si Celine. Nasugata na siya nang husto sa biglaang pagatake ni Cedric kanina kaya wala na siyang sapat na lakas para harapin pa ang mga ito.At agad na makukuha ng mga ito ang karapatang kay Queenie sa sandaling umalis siya sa battle stage! Sigurado siya na isasalang ng mga ito si Queenie sa isang kaldero para kunin ang elixir mula sa katawan nito.“Honorable Pianist, lalaban ka ba o hindi? Sisimulan na naming makipaglaban sa iyo ngayong hindi ka naman nagsasalita ng kahit na ano!” Hinawakan ng mga challenger ang kanikanilang mga saber at spear habang sumusugod papunta kay Celine.Natigilan doon ang nakatayong si Celine nang makita niyang papasugod ang mga ito sa kaniya—lumapit nang lumapit ang mga dala nitong sandata sa kaniyang katawan. Gusto na niyang umalis sa stage pero hindi niya ito magawa!“Layuan ni