Kabanata 1675
Nang tatanungin na siya ni Darryl, sinabi ng nasa battle stage na si Master Ralph na, “Handa na ang lugar na pagdarausan ng kompetisyon. Sino sa aking mga kapwa cultivator ang gustong magpakitang gilas sa harapan, magpunta na kayo rito!”

Nabalot ng katahimikan ang lahat nang marinig ang mga sinabing ito ni Master Ralph.

Ang mga matatanggap na premyo para sa tournament na ito ay dalawang mga mahahalagang kayamanan kaya walang kahit na sinong cultivator ang may gustong mauna.

“Ako na ang mauuna sa inyo!”

Isang malinaw na boses ang maririnig. Pagkatapos ng lang segundo, isang maskuladong lalaki ang dahan dahang lumundag papunta sa battle stage—nagmukha itong matikas at hindi mapapantayan.

Makikitang nakasukbit sa kaniyang likuran ang isang kulay dugong saber na may disenyong ulo ng isang tigre.

Nagmukhang nakakatakot at hindi mapapantayan ang kulay dugong saber na ito sa mata ng lahat na para bang nababalot ang saber na ito ng tunay na dugo.

“Hmm?”

Isang Violet Category na sandata
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP