Gulp.Napalunok nang malakas si Darryl habang namamanghang tinititigan si Celine. Malinaw niya pang naaalala ang napagusapan nil ani Celine—pumayag si Celine na maging babae ni Darryl sa sandaling magawa nitong sakupin ang ilan sa mga kontinente at maging isang Emperor.Kumabog nang husto ang puso ni Darryl nang maalala niya ang usapan nilang iyon.Walang kahit na sino sa kanila ang nakapansin sa napakapangit na itsura ngayon ni Megan.Inakala niya na si Darryl ang nagiisa niyang makakalaban sa tournament na ito. Pero hindi niya inasahan na magpapakita ang napakalakas na si Celine sa gitna ng ginaganap na tournament. Siguradong mananalo na si Celine sa sandaling magpatuloy pa ang sitwasyong ito.Lumubog ang loob nang husto ni Megan habang pumapasok ang isang bagay sa kaniyang isipan bago sumigaw si Celine kay Cedric sa battle arena ng, “Aminin mo na lang ang pagkatalo mo, Cedric!”Ginamit noong una ni Cedric ang lahat ng kaniyang makakaya para salagin ang mga pagatake ni Celine s
“Honorable Pianist, lalaban ka ba o hindi?” sumigaw ang lahat ng naghahamon kay Celine habang binubunot ang kanikanilang mga espada.Napakagat naman sa labi ang nanginginig na si Celine. Nasugata na siya nang husto sa biglaang pagatake ni Cedric kanina kaya wala na siyang sapat na lakas para harapin pa ang mga ito.At agad na makukuha ng mga ito ang karapatang kay Queenie sa sandaling umalis siya sa battle stage! Sigurado siya na isasalang ng mga ito si Queenie sa isang kaldero para kunin ang elixir mula sa katawan nito.“Honorable Pianist, lalaban ka ba o hindi? Sisimulan na naming makipaglaban sa iyo ngayong hindi ka naman nagsasalita ng kahit na ano!” Hinawakan ng mga challenger ang kanikanilang mga saber at spear habang sumusugod papunta kay Celine.Natigilan doon ang nakatayong si Celine nang makita niyang papasugod ang mga ito sa kaniya—lumapit nang lumapit ang mga dala nitong sandata sa kaniyang katawan. Gusto na niyang umalis sa stage pero hindi niya ito magawa!“Layuan ni
Nainis si Watson nang mapansin niyang hindi sila aatrasan ni Darryl. Dito na niya tinawag si Master Ralph at sumigaw ng, “Ikaw ang host ng kompetisyong ito. Kaya sabihin mo sa amin kung nilalabag ba ni Darryl ang mga rules ng kompetisyong ito sa kaniyang ginawa rito ngayon?”Uh…Nagpakita naman si Master Ralph ng isang awkward at naguguluhang itsura sa kaniyang mukha habang iniisip ang tungkol sa bagay na iyon.Tama nga si Watson at ang kaniyang mga kasama. Pero hindi niya pa rin magagawang bastusin si Darryl.“Umalis ka na muna sa stage.” Mahinang paalala ni Darryl kay Celine.Tumango naman si Celine at naglakad mababa sa stage.Naubos ang pasensya ng lahat kaya sinubukan na nilang pagtulung tulungan ang sugatang si Celine. Pero agad silang tumigil nang dahil sa takot nila kay Darryl.Woo!Lumingon si Darryl kay Master Ralph nang makita niyang bumaba ng stage si Celine nang ligtas. Dito na niya sinabi na, “Master Ralph, ang purpose ng tournament na ito ay ang paglalaban laban
“Magkapatid kami at naririto kami para hamunin ka!”Isang malakas na boses ang biglang narinig mula sa paligid na sundan ng paglalakad na ginawa ng dalawang maskuladong mga imahe ng tao papunta sa battle arena!Nakasuot ang dalawang ito ng magkaparehong mahaba at kulay itim na robe, nagkaroon din ng halos magkaparehong itsura ang dalawang ito. Pareho silang matangkad at matikas kung ikukumpara kay Darryl, nagmukha silang dalawang matatayog na bundok sa mata ng lahat.Mahahalata na kambal ang dalawang ito.Gasp! Napabuntong hininga rito ang natitigilang mga cultivator sa paligid.“Ang magkapatid na Topo?”“Nandito na ang magkapatid na topo, siguradong magiging maganda ang labang ito.”“Malakas ang magkapatid na ito kaya nakasisiguro ako na magpapakita na ng pagkakamali si Darryl maya maya lang.”Tinatawag ang panganay sa magkapatid na Zeus habang Cumulus naman ang pangalan ng bunso sa kambal na ito—pareho silang nagmula sa northern ice fields ng Yellow Sea Continent na nakila
Pero nagkakamali sila sa bagay na ito.Bang! Bayolenteng nagtama ang talo sa kanilang mga pagatake. Ito na ang sandali kung saan nagulat ang magkapatid na Topo dahil nagawa na nilang marealize na kasing lawak na pala ng karagatan ang internal energy ni Darryl, isa itong hindi mapapantayan at walang katapusang internal energy.“Paano naging ganito kalakas ang kaniyang internal energy?”Imposible! Parepareho lang silang mga Level Five Martial Emperor!Sa mga sandaling ito, hindi pa rin alam ng magkapatid na Topo ang tungkol sa pagsasanay ni Darryl sa Pure Energy Scripture. Ito ang mas nagpalakas sa kaniyang internal energy na humigit sa internal energy ng mga kalevel niyang cultivator.“Pfft…”Nagulat dito ang magkapatid na Topo, hindi na nila ito magagawa pang labanan. Namutla ang kanilang mga mata habang nanginginig ang kanilang mga katawan. Napaatras silang dalawa nang magkasabay at malakas na dumura ng dugo sa kanilang mga bibig. At sa huli ay tuluyan nang bumagsak ang dalawa
Naglakad si Megan papunta sa battle arena nang dahan dahan. Tumingin siya kay Darryl at nanlalamig na sinabing, “Sino ang nagsabi sa iyo na wala nang may gustong humamon sa iyo, Darryl?”Wow! Dito na umingay ang mga cultivator sa paligid lalo na ang mga cultivator na nagmula sa World Universe!Nasabik silang lahat sa magiging laban na ito.“Pumasok na rin sa stage si Alliance Master Castello!”“Lalaban na ba talaga siya sa pagkakataong ito?”Napatingin silang lahat kay Megan. Agad na napalaki ng magandang hubog ng kaniyang katawan na ipinakita ng suot niyang mahabang dress ang mga mata ng kalalakihan sa kaniyang paligid.Hindi magawan ng karamihan sa mga lalaki na harapin ang panlalamig na nagmumula sa aura ni Megan.“Masyado siyang malakas!”“Natural lang na maging malakas siya! Siya ang Alliance Master ng World Universe.”“Narinig ko na isa ring dating Alliance Master si Darryl, kaya mukhang maglalaban sa pagkakataong ito ang dalawang mga Alliance Master ng World Universe.
Habang iniisip ang tungkol sa bagay na iyon, tumitig si Megan kay Darryl at hindi na nagsalita pa. Binaliktad niya ang kaniyang wrist at hinawakan nang maigi ang isang mahabang espada bago sumugod nang direkta kay Darryl.Swoosh! Hindi na nagdalawang isip pa si Darryl. Lumipad siya sa kalangitan at mabagsik na nilabanan si Megan!Woo!Pinanood ang eksenang ito ng lahat sa kanilang paligid.Hindi nila siyempre tiningnan si Darryl dahil mas interesado sila sa Alliance Master na si Megan. Sa mga sandaling ito, naglaban ang dalawa sa gitna ng ere. Walang tigil na nagpabalik balik ang perpektong katawan ni Megan na nakapagpalaki nang husto sa mga mata ng kalalakihan sa ibaba ng arena.Kahit nagawa na ni Megan na makatungtong sa Heaven Ascension Level nang makipaglaban siya sa Level Five Martial Emperor na si Darryl, mayroon pa rin itong White Lily Cold Flame at Pure Energy. Kaya hindi pa rin magagawang talunin ni Megan si Darryl nang umabot na sa kalahating oras ang tagal kanilang la
Nabalot ng alikabok at usok ang kalangitan nakikita ng lahat. Gumawa sina Darryl at Megan ng isang tahimik na pagungol nang magkasabay. Pareho silang napaatras nang tamaan sila ng isang napakalakas na aura sa gitna ng ere!Mahahalata na walang kahit na sino sa kanila ang lumamang sa pagatakeng iyon!Pero nagulat dito nang husto si Megan. Namutla ang kaniyagn mukha habang nanginginig ang kaniyang katawan. Nasa Heaven Ascension Level na kasi ang kasalukuyan niyang lakas.Mula noong maging Alliance Master siya ng World Universe matapos niyang lasunin ang lahat ng mga sect master. Marami sa mga ito ang nagbigay sa kaniya ng iba’t ibang mga elixir para pasiyahin ang kaniyang loob.Sa mga sandaling iyon, ang Heaven Ascension Level na kasalukuyang lakas ni Megan ay isa na sa pinakamalakakas sa buong Nine Mainland, habang si Darryl naman ay isa lang Level Five na Martial Emperor! Ginamit na niya ang buo niyang lakas nang gawin niya ang Heaven Turning Palm para lang matapatan ang lakas ni D