”Sige!”Kinagat ni Tina ang kanyang mga labi; ang mukha niya ay puno ng paghamak at panghihina. “Kung makakakuha ka ng dugo mula sa mga sungay ng Gourami Dragonfish King, babawiin ko ang aking mga sinabi at hihingi ako ng paumanhin sa’yo! Ngunit kung nagsinungaling ka sa akin, papatayin ka ng Ryukin Gold Altar!“Nang sinabi niya iyon, hindi niya maiwasang tumingin kay Alan. Nakahiga pa rin siya roon, namamanhid dahil sa kamandag, at halos hindi na siya makahinga. Ni wala siyang lakas na magsalita.Kung ito ay normal na sitwasyon, hindi man lang siyang mag-aabalang intindihin si Darryl.Gayunpaman, wala siyang pagpipilian. Ang buhay ng kanyang master ay nasa bingit na ng kamatayan. Hangga’t may pag-asa, susubukan niya ito.“Humingi ng paumanhin?” Bahagyang tumawa si Darryl. Umiling siya. “Hindi ko kailangang humingi ka ng tawad. Gusto ko lang makipagpustahan sa Ryukin Gold Altar.“Makipagpustahan?Kumunot ang noo ni Tina. Tumingin siya sa kanyang mga kapatid at tinanong, “Anong gusto mo
Naisip ni Darryl ang tungkol sa taming loop ng halimaw nang marinig niya na ang tanging paraan upang mailigtas si Alan ay ang mahuli ang Gourami Dragonfish King at kuhain ang dugo mula sa mga sungay nito.Inilabas lamang niya ang loop pagkasisid niya sa tubig siya dahil ayaw niyang may maghinala sa kanyang pagkatao.Lumangoy siya pababa para sa isa pang 100 metro o higit pa bago niya tinipon ang kanyang panloob na enerhiya at isinalpak ito sa taming loop ng halimaw.Bzzt!Ang taming loop ng halimaw ay naglabas ng kakaibang puwersa ng enerhiya, at nagawa nitong kumalat sa paligid nito.Napagtanto ni Darryl na ang mga nilalang sa dagat na nakadama ng lakas ng enerhiya ay hindi kapani-paniwalang naging maamo.‘Ang taming loop na ito ay mahusay!’Labis na nasabik si Darryl. Inilahad niya ang hayop na taming loop at nagpatuloy na lumangoy habang sinubukan niyang mawari ang lokasyon ng Gourami Dragonfish King.Ang taming loop ng halimaw ay mahiwagang kagamitan. Nararamdaman nito ang mga kapa
’Patay na ba si Junior Brother Darren? Paano ‘yon nangyari?‘Kahit na isang araw lamang niya siyang nakilala, naramdaman ni Donna na siya ay may kakayahang tao, gaano man kaordinaryo ang kanyang hitsura.Gayundin, hindi pa niya natuturo sa kanya ang mimic na teknik, kaya paano niya nagawang mamatay nang ganoon?“Master!” Lumingon si Donna at tumingin kay Diana. Ang mukha niya ay medyo nag-aalala. “Pakiusap, iligtas mo si Junior Brother.”Ang Gourami Dragonfish King ay isang malakas na nilalang; paano siya magiging tugma nito?Sa sandaling iyon, ang kanyang panginoon lamang ang makapagliligtas sa kanya.Hay!Tumingin si Diana sa payapang karagatan. Napasinghap siya at umiling. “Si Darren ay nakipagpustahan sa Ryukin Gold Altar, at lahat sila ay naghahanap. Hindi magiging patas kung makikialam ako roon. Gayundin, ang Gourami Dragonfish King ay napakalakas. Hindi ko magagamit ang lahat ng aking kapangyarihan sa ilalim ng karagatan. Wala akong ilalaban diyan. Kahit na sumisid ako at iligta
Dumilim ang mukha ni Harvey.‘Hayop. Sino ang taong ito? Paano nito napa-amo ang Gournami Dragonfish King?’Nagtaka rin si Tina pati ang iba pang alagaad ng Ryukin Altar. Pero nasabik at labis na natuwa ang mga ito.Nagawang mapa-amo ng taong iyon ang Gournami Dragonfish King. Ibig sabihin nito ay mayroon silang paraan para mailigtas ang kanilang pinuno!Woolala!Isinakay ni Darryl ang Gournami Dragonfish King sa barko ng Ryukin Golden Altar.Woola!Natakot ang karamihan sa mga alagad ng Gold Atar nang makita nila ang Gournami Dragonfish King na papalapit sa kanilang barko. Mabilis na umatras ang mga ito.Bahagyang tumawa si Darryl nang makita iyon. “Huwag kayong mag-alala, hindi na mananakit ang Gournami Dragonfish King. Pero magmula ngayon ay hindi na maaaring pumatay o manghuli ng Gournami Dragonfish King ang Holy Saint Sect!”Kahit na isang enchanted beast ang Gournami Dragonfish ay kailangan paring tuparin ni Darryl ang kaniyang mga pangako.Si Darryl ay totoo sa kaniyan
Si Darryl ang bagong alagad ng Celestial Wood Altar. Wala nang matitirang dignidad para sa mga miyembro ng Ryukin Gold Altar kapag tinawag nila itong Dad.Woola!Lumapit ang lahat ng mga alagad mula sa ibang mga Altar. Gusto nilang makita kung paano ito matatapos.Emosyonal ang lahat kabilang na ang mga miyembro ng Celestial Wooden Altar. Nakakamangha ang nakababata nilang kapatid na si Darren! Maipagmamalaki siya ng lahat!Tahimik ang nakatayong si Diana. Blangko ang maganda nitong mukha pero hindi maipaliwanag kung gaano niya maipagmamalaki ito.Thud. Thud. Thud.Nilapitan ni Tina si Darryl at kinagat nito ang kaniyang mga labi. “Dad—”Yumuko ito nang sabihin niya iyon. Napakahina ng boses nito; hindi ito maririnig kung hindi pa ituon ang buong atensyon!Nagdalawang isip ito nang kailanganin niyang tawaging Dad si Darryl.Pero wala itong ibang magagawa. Natalo ito sa pustahan at pinanood ng buong Holy Saint Sect ang bawat kilos ng babae. Mapaphiya siya kapag hinarap ang mga
”Oo!” Sumang-ayon at tumango si Elson. Sa parahong sandal ay tiningnan nito si Debra. “Narinig ko na siya ang Sect Master ng Artemis Sect. Isa siyang may talentadong henyo mula sa Great East.”Hindi mapigilang mapalunok ni Elson sa kaniyang laway.Masasabing si Debra at isang magadnang babae na bihira lamang na makikita. Hindi naitago ng maluwag na uniporme ng biangguan ang nakakaakit nitong katawan.Pagtapos ay nagliwanag ang mga mat ani Elson, nagsalita ito. “Maganda ang panahon para mag-inom. Pero mas magiging maganda kung sasayawan tayo ni Debra.”“Tama!” Bahagyang tumawa si Raymond nang pumalakpak ito bilang pag sang-ayon. “Magandang suhestyon iyan kapatid. Hindi na masama!”Pagtapos ay uminom ng isang lagok si Raymond at nginitian si Debra. “Hey, magandang Debra, ano sa palagay mo? Parehong maganda ang mood namin ngayong araw. Kung sasayawan mo kami ay baka maalagaan ka namin ng maayos habang nasa prisinto ka.”“Pfft.” Kinagat ni Debra ang kaniyang mga labi. Tila yelo sa la
Kahit na si Zoran ang pinuno ng pamilya Carter ay hindi takot sa lalaki si Raymond! Kung sa bagay ay nasa Royal City Prison sila!“Maruming aso!” Matapang na tumitig si Zoran kay Raymond nang walang halong takot sa kaniyang mukha. “DUdurugin kita kapag nagtangka kang galawin siya!”Kinuway ni Zoran ang kaniyang mga kamay na naka posas. Nakakatakot ito!Manugang niya si Debra; hindi niya ito hahayaang ma-bully!Naging masama ang tingin sa mukha ni Raymond. Suminghal ito. “My, my, my. Nagyayabang ang isang mababang bilanggo?”Pagtapos ay binuksan ni Raymond ang pintuan at kinaladkad si Zoran palabas ng selya. Naisara ang acupoints ni Zoran at ng iba pa nang sila’y mahuli. Kaya hindi sila naiiba sa ordinaryong tao.Nang sandaling iyon ay nakaposas ang mga kamay at pa ani Zoran. Wala itong lakas para makapalag.Whip!Nang sumunod na segundo ay kumuha ng panghataw si Raymond at malakas itong ginamit sa katawan ni Zoran!Whip!Naibabad sa langis ang panghataw, mayroon din itong mga
Subalit…Kahit na hindi mabilang ang natamo nitong paghataw ay hindi sumigaw sa sakit si Zoran. Pinagkiskis nito ang mga ngipin at tiniis ang sakit.Nang sandaling iyon ay namaos na ang boses ni Debra kaiiyak. “Tama na! Tama na! Mamamatay siya…”“My, my, my. Napakagandang Debra, hindi ba sumasakit ang iyong puso?” Huminto si Raymond. Lumingon ito para tingnan si Debra. “Kung ganoon, ibig sabihin ba ay nakapag-isip ka na? Sasayawanm o na ba kami?”“Oo…” Kinagat ni Debra ang kaniyang labi at dahan-dahang tumango. Puno ng luha ang kaniyang mga mata. “Sasayaw ako…”Mapait ang tingin sa mukha nito nang sabihin iyon. Nawala ang kaniyang pride at kinailangan nitong isantabi ang kaniyang dignidad.Parang ama ang turing ni Darryl kay Zoran. Kaya bilang babae nito ay paano niya matitiis na makita ang pagdurusa ng lalaki?“Debra—"Pinigilan ito ni Zoran. “Hindi maaari! Hindi ka maaaring sumayaw—”“Anak ng, tumahimik ka tanda!”Galit na sumigaw si Raymond at muli itong hinataw.Bang!B