Subalit…Kahit na hindi mabilang ang natamo nitong paghataw ay hindi sumigaw sa sakit si Zoran. Pinagkiskis nito ang mga ngipin at tiniis ang sakit.Nang sandaling iyon ay namaos na ang boses ni Debra kaiiyak. “Tama na! Tama na! Mamamatay siya…”“My, my, my. Napakagandang Debra, hindi ba sumasakit ang iyong puso?” Huminto si Raymond. Lumingon ito para tingnan si Debra. “Kung ganoon, ibig sabihin ba ay nakapag-isip ka na? Sasayawanm o na ba kami?”“Oo…” Kinagat ni Debra ang kaniyang labi at dahan-dahang tumango. Puno ng luha ang kaniyang mga mata. “Sasayaw ako…”Mapait ang tingin sa mukha nito nang sabihin iyon. Nawala ang kaniyang pride at kinailangan nitong isantabi ang kaniyang dignidad.Parang ama ang turing ni Darryl kay Zoran. Kaya bilang babae nito ay paano niya matitiis na makita ang pagdurusa ng lalaki?“Debra—"Pinigilan ito ni Zoran. “Hindi maaari! Hindi ka maaaring sumayaw—”“Anak ng, tumahimik ka tanda!”Galit na sumigaw si Raymond at muli itong hinataw.Bang!B
Naibalik ni Florian ang kaniyang titulo nang umanob ito sa koponan ni Lord Kenny matapos ang pagkamatay ng New World Emperor—patuloy nitong in-enjoy ang kayamanan at karangalan.Sa Investigation Bureau’s main hall nang sandaling iyon.Nakaupo sa main seat ang gwapong teenager. Medyo boyish ang mukha nito at taliwas ang pagka-kalmado kumpara sa kaniyang edad.Ito ay si Ambrose Darby!Taimtim ang katabi nitong si Florian puno ng kabaitan ang mukha nito.“Master Florian!”Dahan dahang ibinuka ni Ambrose ang kaniyang bibig habang walang emosyon sa kaniyang mukha. “Kamusta ang pagtatanong kay Florian—ang ababeng hinuli mo—sa nakalipas na dalawang araw?”Tumulong si Ambrose kay Lord Kenny nang may nakuhang ilang bagay na para lamang sa mga maharlika—kahit gaano ito kaliit o kalaki—ang koronahan bilang Prinsipe. Hindi niya ito tiningnan ng mababaw lalo na kung patungkol sa mga kasabwat ni Darryl.Agad na tumayo si Florian at nagbigay respeto kay Ambrose. “Kamahalan, tikom ang bibig ni
”Masussunod, Kamahalan!” Tinanggap ni Elson ang token ng Incandescent Sect mula aky Ambrose bago ito tumalikod at mabilis na umalis.“Kamahalan, titingnan ko ang mga sektang nanghimasok sa prisinto. Sisiguraduhin kong hinding hindi na sila makakabalik!” Magalang na sabi ni Florian kay Ambrose bago umalis.Tumango si Ambrose at medyo ngumiti ito at taimtim na sumipsip sa kaniyang tsaa.‘Sinabi noon ng Amang Kamahalan na sa pagiging kalmado sa pagharap sa mga kaguluhan mo makakamit ang bagay na maganda.’Nang sandaling iyon ay mayroong malaking pagkakaiba sa aura o sa paghawak sa mga bagay bagay ni Ambrose bago ito naglabas ng regal na aura.Lumipas ang oras sa ilang minuto.Pagod ang katawan ni Florian nang mabilis itong pumasok matapos ang dalawang oras, puno ng pagkasabik ang mukha nito nang magbigay balita kay Ambrose. “Kamahalan, masuwerte ako dahil nahuli ko ang Wudang, Shaolin, at ang iba pang mga sekta.”Pagtapos ay hindi nito nalimutang magdagdag ng ilang pangbobola. “mar
Nagpalitan sila ng mga kondisyon nang mapasakamay ni Megan si Ambrose. Pinangakuan ni Ambrose si Megan nang tatlong kondisyon kapalit ng pagtulong sa kaniya ng babae para makuha ang Seven Exquisite Elixir.Hindi nakalimutan ni Megan ang tungkol doon!“Osige, tutulungan kita!” Huminga ng malalim si Ambrose bago ito tumango at sumang-ayon!Sa katunayan ay hindi nagustuhan ni Ambrose ang medyo mapilit na paraan ni Megan nang humingi ito ng pabor. Siya ang Prinsipe sa kasalukuyan. Sinong kakausap dito ng ganoon?Pero kailangan nitong tuparin ang kaniyang mga pangako dahil hindi mabubuwag ang prinsipyo patungkol dito.Seryosong nagsalita si Ambrose nang maisip niya iyon. “Mayroon pang natitirang dalawang pabor galing sa akin pagkatapos ng isang ito.”Pinagdikit ni Megan ang mga labi at ngumiti. Hindi nito mapigilang mang-asar. “Bakit? Unti-unti nang lumaki ang gwapong lalaking ito, so natakot ka nab aka puntahan at istorbohin kita palagi sa hinaharap?”Hindi ito na-abala at kaswal na
Malamig at walang ekspresyon ang mukha ni Megan nang sabihin niya iyon.Sigh!Patagong umiling sina Master Leonard, Sect Master Endless, at ang iba pa nang makita ng mga ito ang kaganapan.Alam ng lahat ng tao sa World Universe ang tungkol sa relasyon nina Darryl at Megan pero hindi sila magbibigay komento bilang mga saksi.Hindi rin sila gaano nagsalita kung ayaw bang iligtas ni Megan ang pamilya Carter.“Megan!”Narinig ang galit na pagsigaw mula sa sulok ng isang malaking selya nang sandaling iyon bago tumayo ang taong iyon. Ito ay si Dax!Tinitigan at sinigawan nito si Megan. “Tigilan mo na angpag-arte. Hindi ko kailangang sagipin mo!”Marami ring miyembro ng Elysium Gate ang nakisali sa sinabi nito!“Tama, hahayaan nalang namin ang kapalaran. Hindi namin kailangan ang kahit na sino para iligtas kami…”“Tama, hindi namin magugustuhan ang tulong mo…”Swoosh!Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Megan nang marinig ang sinabi ng lalaki, lumamig ang tingin sa mukha nito at ti
Nagtangkang sumagot sa kaniya ang batang babae. Gusto ata nitong mamatay!Determinado ang ekspresyon ng mukha ni Jewel. “Huwag kang magtatangkang saktan ang kapatid kong si Debra hangga’t nandito ako!”Pagtapos ay tumitig ito kay Megan. “Ikaw masamang babae na napakaraming nagawang maling bagay kay Darryl. Pinagbintangan mo siyang pinatay niya ang Sect Master ng Mount Hua. Dapat na mamatay ang isang malupit na babaeng katulad mo…”Slap!Agad na lumapit si Megan at malakas na sinampal si Jewel bago pa nito matapos ang sasabihin.“B*tch. Sino ka para pagsalitaan ako ng ganyan! Wala kang galang!” Malamig na sabi ni Megan. Pakiramdam nito ay hindi sapat ang sampal para maibsan ang kaniayng galit, kaya naman ilang beses nitong sinampal si Jewel habang palakas ng palakas!Slap! Slap! Slap!Patuloy ang tunog ng mga sampal!Paano ito natiis ng napakahinang ai Jewel? Nang sandaling iyon ay lumabas ang dugo mula sa kaniyang labi at nanlambot ang kaniyang mga binti. Pero patuloy ito sa pa
Sa katunayan ay naghanda na si Megan para patayin si Jewel!Ngunit sikat at mataas ang katayuan ng Wudang at Shaolin sa mundo ng mga cultivator sa World Universe. Kailangang harapin ni Megan ang mga ito at sundin kapag nagsalita at hinimok ang babae para hindi nito atakihin si Jewel.Mapula at namaga ang mukha ni Jewel. Pero palaban parin ang kaniyang mga mata.“Megan, maghintay ka at maikita mo!” Tinitigan ni Dax si Megan. “Tatapusin natin ito kapag nakalabas ako rito ng buhay!”Namula rin ang mga mata ni Chester nang kaniyang titigan si Megan.Hindi nito malilimutan trahedyang pagkamatas ng kaniyang asawa sa mga kamay nito.Karagdagan pa sa nangyaring gustong pagpatay ni Megan kay Jewel, ang babaeng ito lamang ang nagdadala ng kaguluhan sa mundo ng mga cultivator!“Woo!”Mapagmataas na ngumiti si Megan nang maramdaman nito ang galit nina Dax at ng iba pa. “Hindi pa sigurado kung sino ang magdudulot gn kaguluhan para sa isang tao sa hinaharap.”Kinuway ni Megan ang kaniyang m
Sa wakas ay narating na nila ang kagubatan ilang kilometro sa labas ng Royal City.Huminto silang lahat para magpahinga.“Makinig ang lahat!”Ngumiti si Megan nang sandaling iyon at dahan-dahan itong nagsalita. “Naubos ang inyong internal na enerhiya dahil sa nangyaring paglaban sa New World Royals. Baka maabutan tayo ng Royal Army at Incandescent Sect kapag nagaptuloy ang ganitong pagkilos ninyo.”Naglabas si Megan ng jade flask bago ito ngumiti at nagsalita. “Buti na lamang at mayroon akong ilang elixir dito na makakatulong sainyo para maibalik ang inyong internal na enerhiya. Bilisan ninyo at kumuha kayo para kaya nating makalaban sa mga hindi inaasahan kapag tuluyan nang bumalik ang inyong internal na enerhiya.”Pinas ani Megan ang lagayan sa isa sa mga alagad na kaniyang katabi at inutusan itong ipasa kina Masater Leonard at sa iba pa ang flask.Nakangiti ang mukha ni Megan nang sandaling iyon, pero bakas ang kasamaan sa mga mata ng babae.Wow!Labis na nasabik at natuwa a