Kabanata 1600
Subalit…

Kahit na hindi mabilang ang natamo nitong paghataw ay hindi sumigaw sa sakit si Zoran. Pinagkiskis nito ang mga ngipin at tiniis ang sakit.

Nang sandaling iyon ay namaos na ang boses ni Debra kaiiyak. “Tama na! Tama na! Mamamatay siya…”

“My, my, my. Napakagandang Debra, hindi ba sumasakit ang iyong puso?” Huminto si Raymond. Lumingon ito para tingnan si Debra. “Kung ganoon, ibig sabihin ba ay nakapag-isip ka na? Sasayawanm o na ba kami?”

“Oo…” Kinagat ni Debra ang kaniyang labi at dahan-dahang tumango. Puno ng luha ang kaniyang mga mata. “Sasayaw ako…”

Mapait ang tingin sa mukha nito nang sabihin iyon. Nawala ang kaniyang pride at kinailangan nitong isantabi ang kaniyang dignidad.

Parang ama ang turing ni Darryl kay Zoran. Kaya bilang babae nito ay paano niya matitiis na makita ang pagdurusa ng lalaki?

“Debra—"

Pinigilan ito ni Zoran. “Hindi maaari! Hindi ka maaaring sumayaw—”

“Anak ng, tumahimik ka tanda!”

Galit na sumigaw si Raymond at muli itong hinataw.

Bang!

B
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP