Nang bigla siyang makarinig ng mga tunog ng yapak mula sa kalapit na pampang! “Buwisit!” “Mayroon kaming kasama sa islang ito?” Pinakinggan ni Darryl ang mga tunog ng yapak at biglang nablangko ang kaniyang isip. “Kung ganoon ay mayroon ngang ibang tao sa islang ito? Naramdaman niya na isang elite ang taong iyon na mayroong lakas na nasa Heaven Ascension Level! Buwisit! “Hindi ba’t isa itong abandonadong isla? Umikot ako rito kagabi at wala akong nakita na kahit sino sa islang ito!” Dito na nagmamadaling uminom si Darryl ng Power Suppression Pill! May kakayahan ang Power Suppression Pill na itago ang tunay na lakas ng isang cultivator. Agad itong ininom ni Darryl dahil sa kagustuhan niyang magingat at hindi dahil sa takot na kaniyang nararamdaman. Kahit na sino pa ang mga taong kasama nila sa isla, alam ni Darryl na kinakailangan niyang magingat sa mga ito. Sabagay, kilala siya sa siyam na mga kontinente kaya mas mabuti kung itatago niya sa mga ito ang tunay niyang pa
“Err… Senior… hindi, Ateng Diwata, mauuna na po ako kung wala na po kayong kailangan sa akin,” Magalang na sinabi ni Darryl. Dito na siya tumalikod at umalis. Tatawagin na sana ni Darryl ang babae bilang kaniyang senior, pero agad niyang naisip na hindi ito tama kaya mabilis niyang itinama ang kaniyang mga sinasabi at tinawag ang diwata bilang ateng diwata. Slap! Pagkatapos gumawa ni Darryl ng dalawang hakbang, bigla siyang inabot ng babaeng nakasuot ng mahaba at kulay purple na dress bago nito hawakan ang wrist ni Darryl. Humakbang ito paabante para hawakan si Darryl at lumipad papunta sa karagatan. Nagulat at nagalit dito si Darryl. Pinigilan ng babae ang kaniyang internal energy kaya wala na siyang nagawa pa na kahit ano! “Ano ang ginagawa mo, ate diwata? Isa lang akong mangingisda, huwag mo akong patayin!” Sigaw ni Darryl habang nagkukunwaring natatakot. Walang emosyong sumagot naman ang magandang babaeng nakasuot ng purple na dress, “Huwag kang sumigaw. Hindi kita papa
“Ano? Tama ba ang narinig ko?” “Ayaw ng batang ito na maging disipulo ko?” Nagkaroon ng magulong itsura ang ibang mga disipulong nakarinig sa isinagot ni Darryl habang ang iba ay tumitingin nang kakaiba rito. Ito ang unang beses na nagalok ang kanilang master sa isang tao na kaniynag disipulo, pero nagawa pa rin ng batang ito na tanggihan siya nang direkta! “Nahihibang na ba ang isang ito?” “Ayaw mong maging disipulo ko?”Bahagyang napasimangot ang magandang babaeng nakasuot ng purple na dress bago sabihing, “Isa kang cultivator, Darren, paano mo nagawang ipagpalit ang lahat ng ito sa pagiging isang mangingisda? Hindi ka puwedeng magpakatalunan na kagaya ng ginagawa mo ngayon. Alam ko na may maganda kang background kaya agad kitang inalok na maging aking disipulo.” Naging arogante at dominante ang babae nang sabihin niya iyon. “Kilala mo ba kung sino ako? Alam mo ba kung gaano karaming tao sa siyam na mga kontinente ang nakahandang gawin ang lahat para maging disipulo ko?”
Naging seryoso ang hangin sa paligid ng dambuhalang barko ng isang sandali, dito na napapigil hininga ang lahat ng mga disipulo. At sa wakas, pagkatapos ng 10 sigundo ay biglang tumawa si Diana. Tumingin siya kay Darryl at sianbing, “Darren, hindi tayo magkaano ano kung hindi kita disipulo. Kaya bakit kita bibigyan ng bangka?” Dito na biglang namutla ang kaniyang mukha habang sinasabi na. “Masasabi kong nagmula ka sa isang lugar na may 10,000 kilometrong layo mula rito. Kaya kahit na isa ka pang martial saint, magagawa mo lang lumipat hanggang sa kalahati ng layong ito gamit ang buo mong internal energy. Dito ka na maaaring mamatay sa pagkagutom o sa pagkalunod. Kaya ang nagiisang tiyansa mo na lang para makalabas sa islang ito ay ang pagiging disipulo ko.” “Napakakuripot naman nito!” “Bangka lang naman ang hinihingi ko sa kaniya. Ok lang kung ayaw niya itong ibigay sa akin nang dahil sa pagtanggi ko sa alok niya kanina. Bakit kailangan niya pa akong takutin?” Pero tama nga a
Napuno ng pagkainis si Harvey nang makita niya kung paano kinampihan ng kaniyang master si Darryl. Hindi niya maintindihan kung bakit nagawa ng kaniyang master na bigyan ng ganitong klase ng atensyon ang mangingisdang iyon? Hindi pinansin si Darryl ang mga ginagawang pagtingin ni Harvey. Tumingin siya sa kaniyang palgid at nakita ang mga disipulo ng Celestial Wood Altar kasama ng mga disipulo ng apat pang mga Branch Altar na nakapilang naglalagay ng mga kagamitan sa kanikanilang mga barko. Ang karamihan sa nilalagay ng mga ito ay bangkay ng mga napatay nilang Sea Enchanted Beast. Mayroong daan daan hanggang libolibong bilang ng Sea Enchanted Beast ang mga ito. Gumawa ang mga bangkay ng halimaw ng isang maliit na bundok na tatakot sa sinumang makakakita rito. “Napakarami ng mga Sea Enchanted Beast na ito ah?” Habang nasa ilalim ng matinding pagkagulat, naisip ni Darryl na mukhang nasa isla ang mga disipulo ng Holy Saint Sect para sa isang test, at ang kanilang goal ay ang pagp
“Darren!”Nang mapabulong si Darryl sa kaniyang sarili, humakbang palabas si Harvey at sumigaw ng, “Napakalakas ng loob mo. Isa nang magandang regalo para sa iyo ang pagtanggap ni Master sa iyo bilang kaniyang disipulo. Pero nagawa mo pa ring isama ang pamilya mo rito. Ano ba sa tingin mo ang Holy Saint Sect? Isang inn?" “Hindi kita pinansin pero hindi ka talaga tumitigil!” Sumabog na si Darryl sa sobrang galit, pero ginawa niya pa rin ang lahat para itago ito. Pinanatili niyang nakatingin ang kaniyang mga mata kay Diana habang naghihintay ng sagot nito. “Kung ganoon…” Nagisip si Diana ng ilang mga Segundo bago siya tumingin kay Harvey at sabihing, “Samahan mo ang Junior mo na sunduin ang naiwan niyang asawa at biyenan sa kuwebang iyon.” Hindi matanggap ni Diana ang ginawang pagpapakasal ni Darryl. Mahigpit ang kanilang naging rules sa Holy Saint Sect—dinidiscourage sa kanila ang pagaasawa nang maaga para makapagfocus ang mga batang disipulo sa pagpapalakas ng kanilang mga sar
“Senior Sister!” Nang makarating sila sa kuweba, ngumiti si Darryl at sinabing, “Mga ordinaryong tao lang ang aking asawa at ang aking biyenan na hindi pa masyadong nagkakaroon ng karanasan sa mundo. Kaya kung maaari ay hintayin mo lang ako rito para makausap ko sila sa loob.”Gustong ihanda ni Darryl sina Yvette at ang Empress sa kanilang mga ikikilos, iniiwasan niya ang pagbubunyag ng mga ito sa tunay niyang pagkatao. “Sige!” Nakangiting tango ni Donna. Naiintindihan niya ang naging concern ni Darryl. Maaari ngang matakot ang mga ordinaryong tao sa sandaling makakita sila ng isang malakas na cultivator! Direktang pumasok si Darryl sa kuweba matapos pumayag ni Donna sa kaniyang request. “Hubby!” Agad siyang binati ng masayang si Yvette nang makapasok siya sa kuweba. Nasanay na itong tawagin si Darryl na hubby mula noong magkasama silang dalawa. Pero nagkaroon ito ng kaunting pagaalala sa kaniyang dibdib habang nagtatanong ng, “Bakit ka natagalan? Mayroon bang hindi magandan
Nagalit ang Empress nang punasan siya ni Darryl ng dumi sa mukha. Wala pang kahit na sino ang humahawak sa kaniyang mukha nang walang pahintulot dahil siya ang Empress ng New World. Hindi naman siya pinansin ni Darryl na nanguna sa kanila palabas ng kuweba. Oh… “Sila na ba ang asawa at biyenan ng aking junior?” Natigilan dito si Donna na naghihintay sa labas ng kuweba! Napakaganda nang asawa at biyenan ni Darryl! Hindi nagmukhang magina ang dalawang ito—nagmukha silang magate sa paningin ng kahit na sino! Kahit na nagkaroon ng dumi sa mukha sina Yvette at ang Empress, hindi pa rin ito naging sapat para itago ang kagandahan ng dalawa. Agad na nagreact si Donna at tumawa kay Darryl. “Mukha kang walang alam Junior, pero nagawa ka pa ring mabiyayaan ng magandang asawa.”Walang pakialam na nagkomento ang Empress. “Ano ang ibig mong sabihin na asawa niya ang anak ko? Huwag ka ngang magsabi ng kung ano anong kalokohan! Dahil kung hindi, ako—" Bago pa man siya matapos sa kaniy