“Senior Sister!” Nang makarating sila sa kuweba, ngumiti si Darryl at sinabing, “Mga ordinaryong tao lang ang aking asawa at ang aking biyenan na hindi pa masyadong nagkakaroon ng karanasan sa mundo. Kaya kung maaari ay hintayin mo lang ako rito para makausap ko sila sa loob.”Gustong ihanda ni Darryl sina Yvette at ang Empress sa kanilang mga ikikilos, iniiwasan niya ang pagbubunyag ng mga ito sa tunay niyang pagkatao. “Sige!” Nakangiting tango ni Donna. Naiintindihan niya ang naging concern ni Darryl. Maaari ngang matakot ang mga ordinaryong tao sa sandaling makakita sila ng isang malakas na cultivator! Direktang pumasok si Darryl sa kuweba matapos pumayag ni Donna sa kaniyang request. “Hubby!” Agad siyang binati ng masayang si Yvette nang makapasok siya sa kuweba. Nasanay na itong tawagin si Darryl na hubby mula noong magkasama silang dalawa. Pero nagkaroon ito ng kaunting pagaalala sa kaniyang dibdib habang nagtatanong ng, “Bakit ka natagalan? Mayroon bang hindi magandan
Nagalit ang Empress nang punasan siya ni Darryl ng dumi sa mukha. Wala pang kahit na sino ang humahawak sa kaniyang mukha nang walang pahintulot dahil siya ang Empress ng New World. Hindi naman siya pinansin ni Darryl na nanguna sa kanila palabas ng kuweba. Oh… “Sila na ba ang asawa at biyenan ng aking junior?” Natigilan dito si Donna na naghihintay sa labas ng kuweba! Napakaganda nang asawa at biyenan ni Darryl! Hindi nagmukhang magina ang dalawang ito—nagmukha silang magate sa paningin ng kahit na sino! Kahit na nagkaroon ng dumi sa mukha sina Yvette at ang Empress, hindi pa rin ito naging sapat para itago ang kagandahan ng dalawa. Agad na nagreact si Donna at tumawa kay Darryl. “Mukha kang walang alam Junior, pero nagawa ka pa ring mabiyayaan ng magandang asawa.”Walang pakialam na nagkomento ang Empress. “Ano ang ibig mong sabihin na asawa niya ang anak ko? Huwag ka ngang magsabi ng kung ano anong kalokohan! Dahil kung hindi, ako—" Bago pa man siya matapos sa kaniy
Alam niya na sinasadyang asarin ni Darryl ang kaniyang ina, kaya hindi siya nagalit nang dahil doon. “Sige, lalabas na muna ako para ikuha kayo ng makakain,” sagot ni Darryl bago siya tumalikod at maglakad palabas ng cabin. Istrikto ang mga patakaran sa Holy Saint Sect. Kaya sa bawat sandaling lalabas ang mga ito para sa isang pagsusulit, hindi sila pinagbibigyang magkaroon ng kanikaniyang mga kusina sa loob ng kanikanilang mga cabin. Kumuha si Darryl ng kaunting pagkain sa kusina, at sumabay na nagpahinga sa magina noong mabusog silang tatlo.Habang lumalalim ang gabi, natapos na rin ng mga disipulo ang kanikanilang mga pagsusulit kaya sumakay na sila sa kanikanilang mga barko at naghintay ng umaga para maglayag pabalik sa kanilang sekta. Bagong disipulo lang si Darryl kaya wala pa siyang kinakailangan na gawin sa ngayon. Hinayaan siya ng kaniyang mga senior na manatili sa kaniyang cabin para magpalakas ng kaniyang sarili. Mabilis na lumipas ang gabi. Agad nilang sinimula
Tumingin ang Altar Master ng Ryukin Gold na si Allan kay Diana at sinabing, “Bakit hindi natin hayaang magkipagkumpitensya sa isa’t isa nang makita natin kung sino ang makakahuli sa pinakamaraming Gourami Dragonfish?”Ngumiti si Allan nang sabihin niya ang huling pangungusap sa kaniyang sinasabi habang nanlalamig at nagmumukhang walang awa ang kaniyang mga tingin. Si Allan ang Altar Master ng Ryukin Gold kaya nagkaroon ito ng posisyong kapantay ni Diana. Pero hindi kailanman humanga si Allan sa mga ginagawa ni Diana. Walong taong gulang pa lang siya noong sumali siya sa Holy Saint Sect. Nagsimula siya bilang isang disipulo at pagkatapos ng 20 taong pagsusumikap ay nagawa niya na ring maging Altar Master ng Ryukin Gold.Habang naging Altar Master naman si Diana ng Celestial Wood Altar 8 taon pagkatapos niyang sumali sa Holy Saint Sect. Nagawa niyang mapantayan ang posisyon ni Allan. Kaya nainggit ito nang husto sa kaniya. At higit sa lahat, hindi naging maganda kailanman ang pak
Thud! Thud! Thud!Nagawa nilang mahuli ang maraming Gourami Dragonfishes sa maikling sandali. Malalaking talsik ng tubig ang kasama ng kanilang kilos. Ito ay sobrang nakakabilib na tanawin.“”Hoy!Humarap si Harvey at tumitig kay Darryl. “Bakit nakatayo ka lang diyan? Kung hindi ka makakahuli ng kahit anong isda, kung gayon kunin mo ang mga nakakalat sa lapag!”Minamaliit lagi ni Harvey si Darryl.Sa sandaling iyon, siya at ang kanyang mga kapatid ay patuloy na nanghuli ng maraming isda, ngunit si Darryl ay nakatayo lang at nanood! Si Harvey ay nagalit ng mapagtanto niya iyon.“Senior Brother!”Si Donna ay lumapit kay Harvey at hinikayat siya ng mahinahon. “Si Junior Brother Darren ay bago pa lang din. Kahapon lang siya naging disipulo ni Master. Tigilan mo na ang pangaapi sa kanya.”Akala niya si Junior Brother Darren ay lalaking simple lang magisip, kaya ayaw niya na kahit sinong mangapi sa kanya.“Ano ngayon kung ngayon lang siya naging disipulo?” Hindi ito pinalampas ni Ha
Ang mga tao sa paligid nila ay sumabog sa kakatawa sa pangaasar ni Harvey!Si Diana, na nasa tabi, ay tumingin kay Darryl ng tahimik ng nakangiti.Ng kinuha niya siya bilang disipulo, siya ay mukhang hindi mapagpanggap at diretsong tao, pero meron siyang kumpyansa.Tama si Harvey. Ang mga Gourami Dragonfish ay mabilis na mga nilalang at aktibo sa malalim na dagat. Ilan sa mga mangingisda ay hindi kailanman nakita ang mga ito sa kanilang buong buhay.Subalit, mukhang ang kanyang bagong recruit ay medyo kumpyansa.“Junior Brother Darren!” Hindi alam ni Donna kung tatawa o iiyak. “Siguro kailangan mo na lang itong palampasin.”“Bakit sobrang tigas ng ulo niya? Iinsultuhin lang siya ni Harvey kung hindi siya makahuli ng isda. Kung sabagay, hindi naman madaling humuli ng Gourami Dragonfish.”Napabuntong hininga si Darryl habang tinignan niya si Donna ng maginhawa. Tapos, lumapit siya sa gilid ng barko ng mabagal.Sa sandaling iyon, isang grupo ng Gourami Dragonfish ang nakakalat sa
”Kapag naging isang mangingisda, lagi ka ng mangingisda. Siya ay gumagamit ng kalookohan ng mga bata. Sa tingin ko kailangan natin siyang pigilan. Kung hindi, tayo ay magiging katatawanan sa ibang mga Altar...”Ang mga tao ay patuloy na kinutya si Darryl.Tulad ni Harvey, inakala nila na si Darryl ay nagbibiro lang.Si Diana, na nakatayo sa gilid, ay tumango ng patago. hindi niya inaasahan na ang kanilang bagong kuhang disipulo ay may alam na ilang mga skill.Nagpanggap si Darryl na parang hindi niya narinig ang kanilang pangungutya. Nakatitig siya sa dagat at nagpatuloy na gumawa ng mga tunog ng isda.“Hoy!”Sa wakas, hindi na ito matiis ni Harvey. Nanlalamig niyang sinabi, “Tumabi ka dali. Huwag kang maging kahihiyan para sa Celestial Wood Altar.”Inunat niya ang kanyang braso para hatakin paatras si Darryl.Ang Ryukin Gold Altar ay naghihintay para sa Celestial Wood Altar na gawing katatawan ang kanilang mga sarili, pero si Darryl ay nagbibiro pa din. Ito ay kasuklam suklam.
Tanong ni Donna, “junior Brother Darren, ginamit mo ba ang mimic technique kanina lang? Mahusay ito!”Isang tipikal na mimic technique ay hindi ganun kagaling.Tahimik din na tumingin si Diana kay Darryl. Ngumiti siya at mayroong ginhawa sa kanyang mata.Hindi mali ang pinili niyang tao— su Darren Derby ay talentadong tao, talaga nga.Subalit, paano niya nagawang patalunin ang mga isda sa sahig ng barko?Si Diana ay matalinong babae, ngunit hindi siya kailanman nakakita ng kahit na sino nag gumaya ng tunog ng mga isda bago iyon.Swoosh! Ang lahat ay tumingin kay Darryl habang naghihintay sa kanyang sagot.“Uh...” Kinamot ni Darryl ang kanyang ulo. Ngumiti siya kay Donna habang nagdesisyon siya na magsalita ng kung ano. “Isang kakaibang senior ang nagturo sa akin ng technique na ito. Sinabihan ko na si Master tungkol dito. Noong maliit ako, nakilala ko ang isang talentadong cultivator.”Naniwala si Donna sa kanya. Tumango siya bago niya hatakin ang braso ni Darryl. Dahan dahan