Kabanata 1575
Napuno ng pagkainis si Harvey nang makita niya kung paano kinampihan ng kaniyang master si Darryl.

Hindi niya maintindihan kung bakit nagawa ng kaniyang master na bigyan ng ganitong klase ng atensyon ang mangingisdang iyon?

Hindi pinansin si Darryl ang mga ginagawang pagtingin ni Harvey. Tumingin siya sa kaniyang palgid at nakita ang mga disipulo ng Celestial Wood Altar kasama ng mga disipulo ng apat pang mga Branch Altar na nakapilang naglalagay ng mga kagamitan sa kanikanilang mga barko.

Ang karamihan sa nilalagay ng mga ito ay bangkay ng mga napatay nilang Sea Enchanted Beast. Mayroong daan daan hanggang libolibong bilang ng Sea Enchanted Beast ang mga ito. Gumawa ang mga bangkay ng halimaw ng isang maliit na bundok na tatakot sa sinumang makakakita rito.

“Napakarami ng mga Sea Enchanted Beast na ito ah?”

Habang nasa ilalim ng matinding pagkagulat, naisip ni Darryl na mukhang nasa isla ang mga disipulo ng Holy Saint Sect para sa isang test, at ang kanilang goal ay ang pagp
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP