Magkaibigan sina Asher at Luca? Kilala na malakas si Asher sa mga kalahok ng tournament na ito. Palagi siyang isa sa mga nangunguna sa rankings. Kaya wala nang kahit na sino ang tumawa sa kaniya noong magsalita na si Asher para kampihan si Darryl.“Ako…” Natigilan dito si Johannes. Inipon niya ang kaniyang lakas at tumingin kay Asher habang sinasabi na, “Ano bang problema mo, Asher? Ilang Internal Alchemy Elixir lang ang nakuha ni Luca. Kaya ano ang problema kung pagtatawanan ko ito nang kaunti?”Nagmalalaking tumuro si Johannes sa temporary winner list na nasa kaniyang tabi. “Nakapasok ako sa top 10 ng listahang ito kaya may karapatan akong pagtawanan siya.”Tama rito si Johannes, siya ang nauna sa top 10 list. Kaya walang kaduda dudang pasok na siya sa susunod na round.“Kung ganoon ay pasok ka pala sa top 10?” Nanlalamig na tawa ni Asher bago tumingin kay Florian at sabihing, “Master Florian, ibibigay ko ang lahat ng hawak kong Internal Alchemy Elixir kay Luca. Aalis na ako sa k
“Ito…” Kasabay nito ang pagkagulat ng natitigilang si Florian habang tinitingnan nang maigi ang gintong Internal Alchemy Elixir. Hindi na ito nakapagsalita pa nang maayos sa sobrang emosyonal, “I-ito ba ang gintong Internal Alchemy Elixir ng hari ng mga lobo?”Hindi na naitago pa ni Florian ang pagkagulat na kaniyang nararamdaman. Tumingin siya sa kaniyang paligid at sinabing, “Makinig kayong lahat, ipinagutos ng kamahalan na ang sinumang makakakuha sa gintong Internal Alchemy Elixir ay magkakaroon ng karagdagang 800 Internal Alchemy Elixir sa kaniyang pangalan bilang kapalit nito.”“Katumbas ng 800 pangkaraniwang Internal Alchemy Elixir ang gintong Internal Alchemy Elixir na iyan!?” Natigilan ang lahat nang marinig nila iyon. Nacucurious silang tumingin kay Darryl nang may magkahalong nararamdaman sa kanilang mga dibdib sa mga sandaling iyon.Masyadong malakas ang hari ng mga Wind Spirit Wolf. Isa lang siyang cultivator na may lakas ng Martial Saint kaya paano nagawang makuha ni Da
Mula noong marinig niya ang balita na namatay si Darryl sa malalim na bahagi ng bakuran papasok sa city, naramdaman ni Yvette na para bang gumuho na ang kaniyang mundo.Kahit na sinaihan ito na obserbahan ang tournament kasama ang ibang mga miyembro ng royal family nitong mga nagdaang araw, wala pa rin ang kaniyang puso rito. Walang sandali na hindi niya nagagawang mamiss si Darryl.Dahil noong araw na iyon ginanapa ng semi finals ng inorganisa nilang Martial Arts Competition, hindi maaaring dumalo at manood ang Emperor ng New World at kaniyang mga ministro sa lugar na pagdarausan ng kompetisyon, kaya nagkaroon ngayon si Yvette ng isang libre at nakakarelax na araw para sa kaniyang sarili.Hindi pa siya kumakain ng kahit kaunti noong araw na iyon sa sobrang pagkamiss niya kay Darryl.“Mahal na prinsesa.” Sa mga sandaling ito, isang babae ang naglakad papasok sa kaniyang kuwarto. Nagmukha itong matalino at kabighabighani—ito ay walang iba kundi si Sloan.Nakangiting hinawakan ni Sl
“Ako…” Napakagat sa kaniyang labi ang mukhang naiinip na si Yvette. “Hindi ako interesado sa bagay na ito, maging sa Luca na iyan. Maaari bang iwan mo muna ako ate Sloan.”Hindi siya nagpakita ng anumang emosyon nang sabihin niya iyon.Wala na ang pinakamamahal niyang si Darryl, at wala na ring kahit na sino pang makakakuha sa atensyon ni Yvette kahit na gaano pa kainteresante ang mga ito.Mahinang napabuntong hininga rito ang dahan dahang tumatayo na si Sloan. “Sige, hindi na kita guguluhin pa rito. Matulog po kayo nang maaga, kamahalan!”“Mahal na mahal talaga ng kamahalan si Darryl,” Isip nito.Habang nagsasalita, nakaramdam ng kalungkutan si Sloan habang umaalis sa kuwarto.Umupo lang din doon si Yvette habang blangkong nakatingin sa madilim na kalangitan.“Alam mo ba kung gaano na kita namimiss, Darryl?”Samantala, bumalik na si Darryl sa inn at maagang natulog pagkatapos ng hapunan.Nakaramdam si Darryl ng pagkarelax pagkatapos niyang makalampas sa semi finals para sa ma
Natahimik ang buong venue habang nagsasalita si Florian.Natuwa si Florian sa sagot na kaniyang nakuha habang nakangiting tumitingin sa kaniyang paligid bago muling magsalita, “Congratulations sa pagpasok ninyo sa sumunod na round ng kompetisyong ito. Gaganapin ngayong araw ang semi finals ng literary competition kung saan masusubukan ang inyong husay sa mga formation. Nakikita niyo ba ang mga kahoy na nakatayo sa inyong harapan? Ito ay tinatawag na Nine Palace Golden Lock Formation. Sunod sunod kayong papasok sa formation na ito. Kinakailangan niyo ring makalabas dito sa loob ng kalahating oras para makapasok sa susunod na round ng kompetisyon. Agad na maeeliminate ang sinumang lalampas dito.Habang nagsasalita, itinaas ni Florian ang kaniyang kamay.Sa loob ng isang iglap ay binuksan ng mga bantay na nagbabantay sa formationa ng entrance at isang guwapong lalaki ang naglakad papasok dito.Siya ay walang iba kundi si Kilenc! Mukhang wala itong takot sa formation na iyan.Malakas
Lumipas ang ilang minuto at segundo hanggang sa matapos ang kalahating oras na ibinigay sa kanila ng kompetisyon.Dito na napatitig ang lahat ng nasa observation deck kasama ang New World Emperor at ang royal family nito sa labasan ng formation.Pagkatapos ng isang segundo, isang imahe ang kanilang nakita sa labasan ng formation.Ito ay walang iba kundi si Kilenc!Noong mga sandaling iyon, agad na umingay ang buong venue. Buong respetong tiningnan ng lahat si Kilenc.“Napakaimpressive ni Mr. Dokko. Siya muli ang nauna sa qualifiers!”“Kamangha mangha!”Nasa loob pa rin ng formation si Darryl sa mga sandaling ito. Ngumiti siya at mahinang sinabi kay parker na, “Sige, halina’t lumabas na tayo rito. Dumeretso ka lang at kumanan sa susunod na likuan. Iyon na ang labasan ng formation.”Nagmukhang confident dito si Luca. Sa totoo lang ay kanina pa sana ito nakalabas ng formation, pero ayaw niyang makuha ang atensyon ng lahat sa kaniya. Ito ang dahilan kung bakit pinaikot ikot niya si
“Ito…” Sa mga sandaling iyon, napuno ang nakaupong Empress ng pagaalinlangan sa isang tabi. Hindi niya maiwasang mapatanong ng, “Kanina pa sinusundan ng Luca na ito si Parker kanina. Isa itong uri ng pandaraya.”Naging maganda, elegante at mabait ang Empress ng New World. Isa siyang tao na puno ng prinsipyo kaya nainis siya nang husto nang makita niyang maglakad si Darryl kasama si Parker.Dahil hindi lang tungkol sa etchic ng royal family ang marriage tournament na ito, dahil magiging susi rin ito sa magiging kaligayahan ng prinsesa. Hinding hindi hahayaan ng Empress na magtake advantage ang kahit na sino sa pamamagitan ng pandaraya.Nang makita niyang hindi natuwa ang Empress, agad na sumugod si Florian papunta sa Emperor ng New World nang walang pagaalinlangan. Dito niya magalang na sinabing, “Ang Luca na ito kamahalan ay nagawang maglakad palabas sa formation matapos niyang sumunod kay Parker. Ituturing po ba natin itong pandaraya?”Natahimik ang lahat nang sabihin iyon ni Flor
Hindi nagtagal ay lumipas na rin ang kalahating oras. Ilang mga kalahok lang ang nagtagumpay sa paglabas sa formation. At sa huli, walo lang ang mga kalahok na nakapasok sa susunod na round.Hindi na nagtagal pa si Darryl nang matapos ang literary semi finals ngayong araw, agad siyang umalis sa venue nito.“Kakaibang araw ito, muntik na akong maeliminate nang dahil sa pandaraya.”“Hoy, Luca!” Sigaw ng isang tao sa kaniya pagkatapos niyang makaalis sa venue.Napalingon si Darryl at nakita ang tumatakbong si Parker palapit sa kaniya. Namumula ang buo nitong mukha na nakapagpaatractive dito.“Ano iyon?” Nakangiting tanong ng nagrerelax na si Darryl.Masyadong masarap sa pakiramdam ang pagtatapos ng semi finals.“Ako…” Napahiya si Parker nang makarating siya sa harapan ni Darryl. Napakagat siya sa kaniyang labi habang nagdadalawang isip na bumubulong ng, “Maraming salamat sa pagtulong mo sa akin ngayong araw.”Naging sincere si Parker nang sabihin niya iyon. Nagmula ang kaniyang mg