“Ito…” Sa mga sandaling iyon, napuno ang nakaupong Empress ng pagaalinlangan sa isang tabi. Hindi niya maiwasang mapatanong ng, “Kanina pa sinusundan ng Luca na ito si Parker kanina. Isa itong uri ng pandaraya.”Naging maganda, elegante at mabait ang Empress ng New World. Isa siyang tao na puno ng prinsipyo kaya nainis siya nang husto nang makita niyang maglakad si Darryl kasama si Parker.Dahil hindi lang tungkol sa etchic ng royal family ang marriage tournament na ito, dahil magiging susi rin ito sa magiging kaligayahan ng prinsesa. Hinding hindi hahayaan ng Empress na magtake advantage ang kahit na sino sa pamamagitan ng pandaraya.Nang makita niyang hindi natuwa ang Empress, agad na sumugod si Florian papunta sa Emperor ng New World nang walang pagaalinlangan. Dito niya magalang na sinabing, “Ang Luca na ito kamahalan ay nagawang maglakad palabas sa formation matapos niyang sumunod kay Parker. Ituturing po ba natin itong pandaraya?”Natahimik ang lahat nang sabihin iyon ni Flor
Hindi nagtagal ay lumipas na rin ang kalahating oras. Ilang mga kalahok lang ang nagtagumpay sa paglabas sa formation. At sa huli, walo lang ang mga kalahok na nakapasok sa susunod na round.Hindi na nagtagal pa si Darryl nang matapos ang literary semi finals ngayong araw, agad siyang umalis sa venue nito.“Kakaibang araw ito, muntik na akong maeliminate nang dahil sa pandaraya.”“Hoy, Luca!” Sigaw ng isang tao sa kaniya pagkatapos niyang makaalis sa venue.Napalingon si Darryl at nakita ang tumatakbong si Parker palapit sa kaniya. Namumula ang buo nitong mukha na nakapagpaatractive dito.“Ano iyon?” Nakangiting tanong ng nagrerelax na si Darryl.Masyadong masarap sa pakiramdam ang pagtatapos ng semi finals.“Ako…” Napahiya si Parker nang makarating siya sa harapan ni Darryl. Napakagat siya sa kaniyang labi habang nagdadalawang isip na bumubulong ng, “Maraming salamat sa pagtulong mo sa akin ngayong araw.”Naging sincere si Parker nang sabihin niya iyon. Nagmula ang kaniyang mg
Nang ibigay ni Parker ang pendant kay Darryl, mahahalatang itinuturing na siya nito bilang kaibigan.“Sige!” Sagot ni Darryl bago itago ang pendant.Nagusap muna sila ng isang sandali bago magpaalam sa isa’t isa.Nang makabalik siya sa inn, nakahinga na rin nang maluwag sa kaniyang sarili si Darryl. Nagtagumpay siya sa pagqualify sa susunod na semi final round ng parehong martial arts at literary competition.Pagkatapos magpahinga at irelax ang kaniyang isipan, nakaramdam ng pagiging presko si Darryl nang maigising siya. At kinabukasan, nakita niya ang isang notice board na nagsasabing mahahati ang mga kalahok sa iba’t ibang grupo nang makarating siya sa lugar na pagdarausan ng Martial Arts Competition.Mahahati sa limang grupo at maglalaban laban ang 10 tao na nakalampas sa unang round ng semi finals. Ang mananalo ay makakapasok sa susunod na round ng kompetisyon habang ang matatalo naman ay agad na maeeliminate. Hindi na nila kailangan pang maghanap ng Internal Alchemy Elixir dah
“Agad mo nang simulan ang kompetisyon, Florian.” Kalmadong sinabi ng Empress habang nakaupo sa tabi.Tumitig ang Empress kay Darryl at iniling ang ulo nito. “Nagawang pumasok ni Luca sa top 10 bilang isang Martial Saint? Isa itong malaking biro.”“Opo mahal na Emperatris!”Hindi naman na nagsalita pa si Florian nang marinig niyang magsalita ang Empress. Sumigaw siya sa mga ito sa stage at sinabing, “Luca, Asher, puwede na kayong magsimula.”Habang nagsasalita, pinagdikit ni Asher ang dalawa niyang mga kamao habang sinasabi sa Emperor ng New World na, “Kamahalan, sumusuko na po ako sa round na ito ng kompetisyon!”Nagmukhang determinado si Asher nang sabihin niya iyon, kahit na hindi rito natuwa si Asher, wala pa rin siyang magagawa pa rito.“Si Luca ito na nagmula sa Royal Family ng South Cloud World. Kinakailangan ng aking sekta ang kanilang suporta kaya paano ko siya magagawang talunin sa kompetisyong ito? Sabagay, masaya na rin ako dahil nagawa kong makarating sa finals.”Dit
“Ito…” Nanginig ang buong katawan ni Yvette habang nakatitig nang husto kay Darryl. “Masyadong suwerte ang lalaking ito no?”Iniisip ng lahat na si Asher ang mananalo sa kompetisyon.Pero sino nga ba ang magaakala na susuko si Asher nang kusa?Kuminang ang mga mata ni Yvette habang nakatingin siya kay Darryl.“Ano ba ang espesyal sa isang ito? Mahahalata namang magkakilala sina Asher at Luca at gustong tulungan ni Asher si Luca na makapasok sa top 5!” Frustrated na sinabi ni Yvette.Kinakailangan ng kahit na sinong ipakita ang tunay nilang lakas sa arena para makuha ang respeto ng lahat. Pero nagawang manalo ni Luca rito sa pamamagitan ng isang kahiyahiyang pangyayari na gumalit sa lahat.Dito na inalis ni Yvette ang kaniyang tingin kay Darryl at inisip na, “Kahit na gaano pa katalino ang Luca na ito, hinding hindi ko pagiisipang sumama sa isang tao na kagaya niya.”Kasabay nito ang pagkunot ng noo ng Emperor sa New World nang makita niyang maglakad si Darryl palabas ng battle a
“Ito…” Napatigil sa pagsasalita si Darryl nang makita niya ang umaasang mukha ni Asher. “Sa totoo lang, ako ang itinakdang Prince Consort ni Princess Long.”Sa totoo lang ay ayaw sanang sabihin ni Darryl kay Asher ang totoo, pero umatras ito sa kompetisyon nang dahil sa kaniya. Kinakailangan niyang ibalik ang pabor na binigay nito sa kaniya. Hindi naman maganda tingnan kung ipipilit niya pa ring itago rito ang tunay niyang pagkatao.At naramdaman din ni Darryl na isang lalaking may prinsipyo at dangal si Asher. Hinding hindi nito sasabihin ang kaniyang lihim sa kahit na sino.Natigilan si Asher nang marinig niya ito. At pagkatapos ay napahinga nang malamig!At pagkatapos ng isang sandali ay agad na nanginig ang buong katawan ni Asher, gusto na sana nyang yumuko sa harapan ni Darryl!Inanunsyo na ng Empress sa South Cloud World ang Engagement ni Princess Long sa kaniyang Prince Consort. Agad itong kumalat at narinig ng mga taga South Cloud World!Pumapangalawa sa Empress ang posis
Hindi sana makakaramdam ng frustration si Parker kung nangyari na ito nang mas maaga. Pero pagkatapos makasama ni Darryl ng dalawang araw, alam niya na isa itong kalahok na may itinatagong mga talento.Kaya agad na nakaramdam si Parker nang matinding pressure nang mapabilang siya sa kaparehong grupo ni Luca. Hindi na siya halos makahinga sa mga sandaling ito.Hindi nagtagal ay nagsimula na rin ang kompetisyon!Naglakad sina Darryl at Parker papunta sa table. Tumingin sila sa isa’t isa at mapait na ngumiti.“Mukhang matatalo na ako sa round na ito!” Sabi ni Parker gamit ang bahagyang ngiti sa kaniyang mukha.Biglang lumuwag ang pakiramdam ni Parker nang sabihin niya iyon. Sa totoo lang ay hindi kailanman naisip ni Parker na makukuna niya ang first place noong una siyang sumali sa literary competition na ito.Ang tanging rason kung bakit siya sumali rito ay para makipagkaibigan sa mga talentadong tao na nagmula sa siyam na mga kontinente. Nakita niya rin ito bilang paraan para hasa
“Kamahalan, nasa gitna pa rin po ako ng imbestigason sa pagkakakilanlan ng Luca na ito. Malapit ko na pong makuha ang impormasyon na hinihingi ninyo sa akin!” Agad na sumagot si Florian habang pinupunasan ang pawis sa kaniyang noo.Sa mga sandaling iyon, sa loob ng venue, ngumiti si Parker kay Darryl habang sinasabi na, “Kinakailangan mong manalo hanggang sa huli, Luca. Susuportahan kita.”At pagkatapos ay tumalikod na siya para umalis.Hindi naman nagsalita rito si Darryl, ngumiti lang siya habang itinatango ang kaniyang ulo.Muling umingay ang lahat nang makita nila iyon. Natigilan sila sa kanilang narinig.“Ano ang nangyayari?”“Sinusuportahan ni Parker si Luca?”“Hindi ba sila magamo?”Mukhang nainis ang nanonood na si Geoff habang nasa gitna ng maraming manonood.Hindi naman umalis si Geoff matapos niyang maeliminate sa kompetisyon. Pinanood niya ang mga sumunod na round gamit ang dalawa niyang mga mata para makita ang pagkaeliminate ni Luca. At sa huli ay hindi pa in nae