“Agad mo nang simulan ang kompetisyon, Florian.” Kalmadong sinabi ng Empress habang nakaupo sa tabi.Tumitig ang Empress kay Darryl at iniling ang ulo nito. “Nagawang pumasok ni Luca sa top 10 bilang isang Martial Saint? Isa itong malaking biro.”“Opo mahal na Emperatris!”Hindi naman na nagsalita pa si Florian nang marinig niyang magsalita ang Empress. Sumigaw siya sa mga ito sa stage at sinabing, “Luca, Asher, puwede na kayong magsimula.”Habang nagsasalita, pinagdikit ni Asher ang dalawa niyang mga kamao habang sinasabi sa Emperor ng New World na, “Kamahalan, sumusuko na po ako sa round na ito ng kompetisyon!”Nagmukhang determinado si Asher nang sabihin niya iyon, kahit na hindi rito natuwa si Asher, wala pa rin siyang magagawa pa rito.“Si Luca ito na nagmula sa Royal Family ng South Cloud World. Kinakailangan ng aking sekta ang kanilang suporta kaya paano ko siya magagawang talunin sa kompetisyong ito? Sabagay, masaya na rin ako dahil nagawa kong makarating sa finals.”Dit
“Ito…” Nanginig ang buong katawan ni Yvette habang nakatitig nang husto kay Darryl. “Masyadong suwerte ang lalaking ito no?”Iniisip ng lahat na si Asher ang mananalo sa kompetisyon.Pero sino nga ba ang magaakala na susuko si Asher nang kusa?Kuminang ang mga mata ni Yvette habang nakatingin siya kay Darryl.“Ano ba ang espesyal sa isang ito? Mahahalata namang magkakilala sina Asher at Luca at gustong tulungan ni Asher si Luca na makapasok sa top 5!” Frustrated na sinabi ni Yvette.Kinakailangan ng kahit na sinong ipakita ang tunay nilang lakas sa arena para makuha ang respeto ng lahat. Pero nagawang manalo ni Luca rito sa pamamagitan ng isang kahiyahiyang pangyayari na gumalit sa lahat.Dito na inalis ni Yvette ang kaniyang tingin kay Darryl at inisip na, “Kahit na gaano pa katalino ang Luca na ito, hinding hindi ko pagiisipang sumama sa isang tao na kagaya niya.”Kasabay nito ang pagkunot ng noo ng Emperor sa New World nang makita niyang maglakad si Darryl palabas ng battle a
“Ito…” Napatigil sa pagsasalita si Darryl nang makita niya ang umaasang mukha ni Asher. “Sa totoo lang, ako ang itinakdang Prince Consort ni Princess Long.”Sa totoo lang ay ayaw sanang sabihin ni Darryl kay Asher ang totoo, pero umatras ito sa kompetisyon nang dahil sa kaniya. Kinakailangan niyang ibalik ang pabor na binigay nito sa kaniya. Hindi naman maganda tingnan kung ipipilit niya pa ring itago rito ang tunay niyang pagkatao.At naramdaman din ni Darryl na isang lalaking may prinsipyo at dangal si Asher. Hinding hindi nito sasabihin ang kaniyang lihim sa kahit na sino.Natigilan si Asher nang marinig niya ito. At pagkatapos ay napahinga nang malamig!At pagkatapos ng isang sandali ay agad na nanginig ang buong katawan ni Asher, gusto na sana nyang yumuko sa harapan ni Darryl!Inanunsyo na ng Empress sa South Cloud World ang Engagement ni Princess Long sa kaniyang Prince Consort. Agad itong kumalat at narinig ng mga taga South Cloud World!Pumapangalawa sa Empress ang posis
Hindi sana makakaramdam ng frustration si Parker kung nangyari na ito nang mas maaga. Pero pagkatapos makasama ni Darryl ng dalawang araw, alam niya na isa itong kalahok na may itinatagong mga talento.Kaya agad na nakaramdam si Parker nang matinding pressure nang mapabilang siya sa kaparehong grupo ni Luca. Hindi na siya halos makahinga sa mga sandaling ito.Hindi nagtagal ay nagsimula na rin ang kompetisyon!Naglakad sina Darryl at Parker papunta sa table. Tumingin sila sa isa’t isa at mapait na ngumiti.“Mukhang matatalo na ako sa round na ito!” Sabi ni Parker gamit ang bahagyang ngiti sa kaniyang mukha.Biglang lumuwag ang pakiramdam ni Parker nang sabihin niya iyon. Sa totoo lang ay hindi kailanman naisip ni Parker na makukuna niya ang first place noong una siyang sumali sa literary competition na ito.Ang tanging rason kung bakit siya sumali rito ay para makipagkaibigan sa mga talentadong tao na nagmula sa siyam na mga kontinente. Nakita niya rin ito bilang paraan para hasa
“Kamahalan, nasa gitna pa rin po ako ng imbestigason sa pagkakakilanlan ng Luca na ito. Malapit ko na pong makuha ang impormasyon na hinihingi ninyo sa akin!” Agad na sumagot si Florian habang pinupunasan ang pawis sa kaniyang noo.Sa mga sandaling iyon, sa loob ng venue, ngumiti si Parker kay Darryl habang sinasabi na, “Kinakailangan mong manalo hanggang sa huli, Luca. Susuportahan kita.”At pagkatapos ay tumalikod na siya para umalis.Hindi naman nagsalita rito si Darryl, ngumiti lang siya habang itinatango ang kaniyang ulo.Muling umingay ang lahat nang makita nila iyon. Natigilan sila sa kanilang narinig.“Ano ang nangyayari?”“Sinusuportahan ni Parker si Luca?”“Hindi ba sila magamo?”Mukhang nainis ang nanonood na si Geoff habang nasa gitna ng maraming manonood.Hindi naman umalis si Geoff matapos niyang maeliminate sa kompetisyon. Pinanood niya ang mga sumunod na round gamit ang dalawa niyang mga mata para makita ang pagkaeliminate ni Luca. At sa huli ay hindi pa in nae
“Halina’t uminom!”Sa mga sandaling iyon, hindi gaanong uminom si Asher habang nagchecheer kay Milton.At pagkatapos ng ilang rounds ng inuman, mapapansing saling na si Asher. At nang mapansin ito ni Milton, agad siyang lumapit at nagkuwnaring kaibigan ni Asher habang nagtatanong ng, “Kuya Finn, hindi ko lang maintindihan. Sa nilakas lakas ng iyong katawan, hindi magiging problema sa iyo ang pagpasok sa top 2 ng kompetisyon. Kaya bakit mas pinili mo pa ring umatras sa kompetisyon nang makaharap mo si Luca?”Tumawa si Asher at iniling ang kaniyang ulo habang sinasabi na, “Haha. Wala akong choice kundi umatras, isang importanteng tao si Luca.”“Isang importanteng tao?” Mas naging alerto si Milton nang marinig niya iyon.Dito na niya ipinagpatuloy ang kaniyang tanong, “Anong ibig mong sabihin na isa siyang importanteng tao?”Nagkunwaring curious at nasasabik si Milton sa kaniyang sarili.“Ito…” kahit na lasing si Asher, malinaw pa rin ang kaniyang subconscious. Iniling niya ang kan
Tiningnan ng Emperor ng New World ang ilan sa mga kalahok, tumango ito nang makuntento. Lahat ng mga kalahok ay elite na miyembro sa lipunan. Espesyal na makapangyarihan si Matteo, mukha itong matalino at matatag. Mapapanatag ito kapag siya ang naging Prince Consort.Nang sandaling iyon, humakbang si Florian at tumingin sa paligid sabay sumigaw. “Ang unang round ay sina Matteo laban kay Sampson cartor!”Dahan-dahang lumapit sa altar ang dalawa.Nang sandaling iyon ay natuon ang atensyon ng lahat sa dalawa.Si Sampson ay mula sa Sky Fountain Sect ng Westrington at isa itong level four Martial Emperor. Palagi itong nasa top five sa mga naunang kompetisyon ng martial arts. Hindi dapat maliitin ang kakayahan nito.Mukhang kalmaddo si Matteo habang nakatingin ito kay Sampson. “Huwag na tayo mag-aksaya pa ng oras, bibigyan kita ng kalamangang mauna!”‘Ano?’‘magbibigay ng kalamangan si Matteo para kay Sampson?’‘Gaano kalaki ang tiwala nito sa sarili para sabihin iyon?’Nagulat ang
Hindi maitago ng Empress na nakaupo sa high altar ang kaniyang pagkabigo. “Bakit si Luca nanaman?! Wala naamng halaga ang konpetisyon nito.”‘Sinuwerte lamang ang luca na ito; wala siyang tunay na kakayahan!’Sa parehong sandal ay hindi napigilang mapatingin ni Sloan kay Yvette. “Prinsesa, si Luca na ang makikipaglaban. Sa tingin mo ba ay mananalo siya?”Hindi ito sigurado kung bakit, pero hindi ma-kontrol ni Sloan ang pagkasabik ng kaniyang puso nang makitang umakyat ng entablado si Luca.Marahil espasyal si Luca. Isang himala na makasali sa finals ang isang Martial Saint.“Kapatid na Sloan, hindi mahalaga para sa akin kung siya’y manalo o matalo.” Kalmadong sagot ni Yvette, hindi ito nagpakita ng kahit na anong emosyon sa kaniyang mukha.Sa katunayan, kung mas maaga lang ay paniguradong magiging interesado si Yvette kay Luca.Ngunit mula noong nalaman nilang namatay si Darryl ay naging madilim at nawalan ng buhay ng mundo ni Yvette. Hindi na ito naging interesado sa kahit na a