“Sige na, sige na…”Nang mapansin niyang may hindi tama, agad na natakot si Carl para sa kaniyang sarili. Hindi na niya nagawa pang magtagal sa lugar na iyon. Mabilis siyang tumakbo palayo pagkatapos niyang sagutin ang mga sinabi ni Asher.“Wala akong pakialam kay Luca, pero hindi ko magagawang inisin si Asher.”Hay!Huminga nang malalim si Asher nang makita niyang tumakbo sa malayo si Carl. Dito na niya tahimik na sinabi kay Darryl na, “Sir, hayaan niyo po ako na ipagkuha kayo ng Internal Alchemy Elixir mamaya. Madali ko po kayong papapasukin sa finals!”“Hindi na iyon kailangan pa!” Nakangiting iling ni Darryl, “Maghiwalay na muna tayo.”“Walang pakialam sa aki ang lahat. Kaya agad na magsususpetsa ang mga tao sa aking paligid sa sandaling makita nila ako na kasama ni Asher.”“Wala pong problema.”Hindi na nagpumilit pa si Asher nang marinig niya iyon. Kumaway siya kay Darryl para magpaalam at umalis. Hindi na nagtagal pa si Darryl nang makita niyang umalis si Asher. Dito na
Tumawa si Darryl sa kaniyang sarili nang makita niya iyon.Bang!Dito na sumabog ang purong internal energy ni Darryl. Agad niyang hinampas ang ulo ng dambuhalang Wind Spirit Wolf.At pagkatapos ay nakita niya ang panginginig ng malaki nitong katawan.Malungkot itong umangil bago mabilis na bumagsak sa lupa at ilabas ang huli niyang hininga.Owooooo! Owoooo!Nagalit nang husto ang mga nanonood na lobo nang makita nila ito. Kaagad na nagngitngit ang matatalim nilang mga ngipin bago umangil kay Darryl. Nagmukhang susugod ang mga ito kay Darryl sa anumang oras.Kahit na nagawang mapatay ni Darryl ang hari ng mga lobo sa loob ng ilang segundo, hindi pa rin natakot dito ang ibang mga lobo. Siguradong itataya ng mga ito ang kanilang buhay para maghiganti sa sandaling may kahit na sinong pumatay sa kanilang mga kauri.Hindi naman nagalala si Darryl nang makita niyang sumugod ang mga lobong ito. Nagawa na niyang mapatay ang hari ng mga ito kaya hindi na naging problema para sa kaniya a
Nakita ni Matteo ang napakaraming mga Wind Spirit Wolf nang lumapag siya sa lupa. Dito na siya nakaramdam ng matinding pananabik.“Haha…Nandito lang pala ang mga lobong iyon!”At pagkatapos ay nakita ni Matteo ang patay na katawan ng Wolf King. Dito na niya nanlalamig na tinanong si Darryl ng, “Napakalaki ng isang ito! Ito ba ang hari ng mga lobo? Paano ito namatay?”Habang nagsasalita, hindi manlang tiningnan ni Matteo si Darryl. Naging arogante rin ito na para bang inuutusan niya si Darryl.Sa mga sandaling iyon, hindi alam ni Matteo na ang mortal niyang kaaway na si Darryl ang tao na kaniyang kaharap. Sa kaniyang puso, ang tao na nasa kaniyang harapan ay si Luca na nasa ibaba ng ranking sa nilalahukan nilang tournament. Hindi karapat dapat si Luca na makuha ang kaniyang atensyon.“Buwisit! Nagawa pa ring magpakaarogante ni Matteo matapos niya itong hindi makita ng ilang taon.”Habang patagong sinesermonan sa kaniyang sarili, nagsara nang husto ang mga kamao ni Darryl. Pero pag
“Ano?” Pagkatapos ng isang saglit, agad na nagalit si Matteo nang makita niya ang walang laman na katawan ng hari ng mga lobo, mayroon nang ibang nakakuha sa Internal Alchemy Elixir nito.“Buwisit, nagsinungaling sa akin si Luca!” Sumama nang husto ang mukha ni Matteo habang naglalagablab sa galit ang kaniyang mga mata.Isinara niya nang husto ang kaniyang mga kamao habang naglalabas ang kaniyang katawan ng isang napakalakas at nakikipaglabang aura.Malinaw na ang lahat sa kaniyang paningin. Kinuha ni Luca ang Internal Alchemy Elixir at nagkunwaring kadadating dating lang noong dumating siya sa lugar na iyon.Agad na napatayo si Matteo sa sobrang galit para sumugod sa direksyong tinahak ni Darryl.Owooo...Owooo!Pero sa mga sandaling iyon, nagtipon tipon sa kaniyang paligid ang mga lobo at malakas na umalulong. Masyadong nakakatakot ang ginawang pagalulong ng mga ito habang sumusugod at pumapaligid kay Matteo.Noong naroroon si Darryl, natakot sa kaniya ang mga lobo nang dahil s
Hindi nagalala si Darryl habang nakangiting sinasabi na, “Sect Master Hanson! Bakit ako magtatago s aiyo? Kung hindi dahil sa pagbibigay ko sa iyo ng mga lobong iyon, hindi ka sana nakakuha ng napakaraming Internal Alchemy Elixir! Tama?”Habang sinasabi ang bagay na iyon, tumingin si Darryl sa resulta sa tabi ng entrance.Si Darryl ang nahuling umalis. Nagawa na nilang igenerate ang temporary standing list ng mga kalahok bago pa man siya makarating!Si Matteo pa rin ang nangunguna sa listahan na nagkaroon ng 1260 Internal Alchemy Elixir. Nasa 100 mga elixir ang kaniyang lamang sa taong pumapangalawa sa listahan.“Buwisit!” Nagulat si Darryl nang makita niya ang listahan.Wala talagang awa si Matteo, nagawa niyang makakuha ng 1260 mga Internal Alchemy Elixir.“Ikaw…” Tumitig nang husto si Matteo kay Darryl, namula nang husto ang mga mata nito. Tama nga si Darryl, kahit na nagawa siyang mapaligiran ng mga sumusugod na lobo, nagkaroon naman siya ng napakaraming bilang mga Internal A
Magkaibigan sina Asher at Luca? Kilala na malakas si Asher sa mga kalahok ng tournament na ito. Palagi siyang isa sa mga nangunguna sa rankings. Kaya wala nang kahit na sino ang tumawa sa kaniya noong magsalita na si Asher para kampihan si Darryl.“Ako…” Natigilan dito si Johannes. Inipon niya ang kaniyang lakas at tumingin kay Asher habang sinasabi na, “Ano bang problema mo, Asher? Ilang Internal Alchemy Elixir lang ang nakuha ni Luca. Kaya ano ang problema kung pagtatawanan ko ito nang kaunti?”Nagmalalaking tumuro si Johannes sa temporary winner list na nasa kaniyang tabi. “Nakapasok ako sa top 10 ng listahang ito kaya may karapatan akong pagtawanan siya.”Tama rito si Johannes, siya ang nauna sa top 10 list. Kaya walang kaduda dudang pasok na siya sa susunod na round.“Kung ganoon ay pasok ka pala sa top 10?” Nanlalamig na tawa ni Asher bago tumingin kay Florian at sabihing, “Master Florian, ibibigay ko ang lahat ng hawak kong Internal Alchemy Elixir kay Luca. Aalis na ako sa k
“Ito…” Kasabay nito ang pagkagulat ng natitigilang si Florian habang tinitingnan nang maigi ang gintong Internal Alchemy Elixir. Hindi na ito nakapagsalita pa nang maayos sa sobrang emosyonal, “I-ito ba ang gintong Internal Alchemy Elixir ng hari ng mga lobo?”Hindi na naitago pa ni Florian ang pagkagulat na kaniyang nararamdaman. Tumingin siya sa kaniyang paligid at sinabing, “Makinig kayong lahat, ipinagutos ng kamahalan na ang sinumang makakakuha sa gintong Internal Alchemy Elixir ay magkakaroon ng karagdagang 800 Internal Alchemy Elixir sa kaniyang pangalan bilang kapalit nito.”“Katumbas ng 800 pangkaraniwang Internal Alchemy Elixir ang gintong Internal Alchemy Elixir na iyan!?” Natigilan ang lahat nang marinig nila iyon. Nacucurious silang tumingin kay Darryl nang may magkahalong nararamdaman sa kanilang mga dibdib sa mga sandaling iyon.Masyadong malakas ang hari ng mga Wind Spirit Wolf. Isa lang siyang cultivator na may lakas ng Martial Saint kaya paano nagawang makuha ni Da
Mula noong marinig niya ang balita na namatay si Darryl sa malalim na bahagi ng bakuran papasok sa city, naramdaman ni Yvette na para bang gumuho na ang kaniyang mundo.Kahit na sinaihan ito na obserbahan ang tournament kasama ang ibang mga miyembro ng royal family nitong mga nagdaang araw, wala pa rin ang kaniyang puso rito. Walang sandali na hindi niya nagagawang mamiss si Darryl.Dahil noong araw na iyon ginanapa ng semi finals ng inorganisa nilang Martial Arts Competition, hindi maaaring dumalo at manood ang Emperor ng New World at kaniyang mga ministro sa lugar na pagdarausan ng kompetisyon, kaya nagkaroon ngayon si Yvette ng isang libre at nakakarelax na araw para sa kaniyang sarili.Hindi pa siya kumakain ng kahit kaunti noong araw na iyon sa sobrang pagkamiss niya kay Darryl.“Mahal na prinsesa.” Sa mga sandaling ito, isang babae ang naglakad papasok sa kaniyang kuwarto. Nagmukha itong matalino at kabighabighani—ito ay walang iba kundi si Sloan.Nakangiting hinawakan ni Sl