Kabanata 1472
Nang makabalik siya sa inn, nagutos si Darryl sa Four Dragons at Four Phoenixes, “Pumunta kayo mamaya sa mga lugar na malapit sa palasyo para mangalap ng balita tungkol kay Princess Yvette.”

Kahit na nagagawa niyang makita si Yvette araw araw sa pinagdarausan ng kompetisyon, Gusto pa ring malaman ni Darryl ang sitwasyon nito sa palasyo. Sa totoo lang, gusto na niyang pumasok sa palasyo para magimbestiga, pero sa dami ng mga naglalakasang mandirigma na nakabantay sa palasyo, at bilang isang kalahok, kinakailangan niya itong alisin sa kaniyang isipan.

“Opo, boss!” sabay sabay na sumagot ang mga ito bago umalis ng inn.

Mabilis na nakabalik ang Four Dragons at Four Phoenixes pagkalipas ng ilang oras.

Agad na nasaktan nang husto si Darryl nang marinig nilang nagtangkang magpakamatay si Yvette ng ilang beses nitong mga nakaraang araw at agad ding naaagapan ng kaniyang mga kasama.

Habang lumilipas ang gabi, punong puno ang isipan ni Darryl ng kung ano anong tungkol kay Yvette, nakatulog
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP