Sa mga sandaling iyon, naramdaman ni Parker na hindi normal ang bagay na sinabi sa kaniya ni Darryl, mayroon itong mga natatagong kahulugan. “Hindi ba’t sinabi niya na wala siyang alam sa mga formation ng sundalo?” Isip ni Parker habang nagtatakang tinitingnan si Darryl.Ngumiti naman ang mukhang nagrerelax na si Darryl. Isang simpleng formation lang na kaniyang natutunan sa Bai Qi Formations ang kaniyang ginamit sa labang ito. Pero masyado na itong epektibo para kay Quinton at sa kaniyang mga kasama.Kung hindi lang dahil sa pagiwas ni Darryl na makuha ang atensyon ng Emperor sa New World na magbibigay sa tunay niyang pagkakakilanlan, hinding hindi niya ipapautos kay Parker ang paggawa sa formation. Kanina pa rin sana niya natalo si Quinton at ang mga kasama nito.“Ma…masyado itong kahanga hanga!” Natigilan at nagalit dito si Quinton at ang kaniyang mga kasama.Nagkaroon sila ng advantage na magkaroon ng mas maraming sundalo, pero nagawa pa rin silang talunin nito. Masyadong nak
“Ang formation na ginamit mo kanina!” Naiinis na pinadyak ni Parker ang kaniyang paa.“Nagkukunwari pa rin ba ang isang ito?!”Napakamot na lang sa kaniyang ulo si Darryl habang dahan dahang sinasabi na, “Nakapagbasa ako ng isang strategy book ng mga sundalo noon, ipinakita sa librong iyon kung paano gumamit ng isang formation. Dito ko na bigla itong naalala noong nasa gitna tayo ng kaguluhan kanina. Ito ang sinabi ko sa iyo!”“Isang strategy book ng mga sundalo?” Isip ng may kunot na noong si Parker.“Alin sa mga strategy book ang sinasabi niya? Hindi ko pa ito nakikita noon ah?”Bilang pinakamatandang babae sa kilalang Sword Manor, panganay sa mga batang babae na si Parker ay nagawa nang makapagbasa ng napakaraming libro, pero hindi pa siya nakakakita ng isang libro tungkol sa mga formation na pinamagatang “Soldier’s Formation”.“Buwisit! Napakahirap lokohin ni Parker.”Nagfrustrate si Darryl nang makita niya ang nagmamatigas na mukha ni Parker. Dito na siya ngumiti at nagsabi
Nang makabalik siya sa inn, nagutos si Darryl sa Four Dragons at Four Phoenixes, “Pumunta kayo mamaya sa mga lugar na malapit sa palasyo para mangalap ng balita tungkol kay Princess Yvette.”Kahit na nagagawa niyang makita si Yvette araw araw sa pinagdarausan ng kompetisyon, Gusto pa ring malaman ni Darryl ang sitwasyon nito sa palasyo. Sa totoo lang, gusto na niyang pumasok sa palasyo para magimbestiga, pero sa dami ng mga naglalakasang mandirigma na nakabantay sa palasyo, at bilang isang kalahok, kinakailangan niya itong alisin sa kaniyang isipan. “Opo, boss!” sabay sabay na sumagot ang mga ito bago umalis ng inn.Mabilis na nakabalik ang Four Dragons at Four Phoenixes pagkalipas ng ilang oras.Agad na nasaktan nang husto si Darryl nang marinig nilang nagtangkang magpakamatay si Yvette ng ilang beses nitong mga nakaraang araw at agad ding naaagapan ng kaniyang mga kasama.Habang lumilipas ang gabi, punong puno ang isipan ni Darryl ng kung ano anong tungkol kay Yvette, nakatulog
Habang nagsasalita, sumakay si Florian sa kaniyang kabayo na binantayan ng mga sundalo ng Royal Army. Pinangunahan niya ang mga kalahok na maglakad papunta sa training ground ng Royal Family sa Royal City.Matatagpuan ang training ground ng Royal Family sa layong ilang milya mula sa timog ng royal city. Isa itong lugar kung saan naganap ang isang digmaan noong unang panahon. Marami ang mga sinaunang battlefield sa New World. Dahil sa lapit nito sa royal city, ang mga lugar na ito ay mga ipinagbabawal na lugar ayon sa utos ng royal family. Ginagamit lamang ang mga ito bilang training ground ng royal family.Nagbigay ang Emperor ng New World ng isang espesyal na permiso para buksan ang lugar na ito sa mga kalahok para sa gaganaping semi finals ng martial arts marriage tournament.Hindi nagtagal ay nakarating na rin ang lahat sa sinaunang battlefield.Sa mga sandaling ito, hindi maiwasang mapapigil hininga ni Darryl nang makita niya nang aktwal ang battlefield na ito.Hindi lang nagi
Bang!Habang nagsasalita, isang napakalakas na aura ang sumabog mula sa katawan ni Carl. Direkta itong naglock kay Darryl.Para sa mga mata ni Luca—sino ang taong nasa kaniyang harapan—isa lang itong cultivator na nasa martial saint level kaya madali niya itong mawawasak kung gugustuhin niya, kahit na gamit lamang ang isa niyang kamay.Interesante ang isang ito!Agad na nagalit dito si Darryl, pero hindi pa rin siya nagpanic.“Iyon lang ba? Puwede mo itong subukan kung gusto mo itong kunin sa akin.”Nang sabihin niya iyon, patagong ginamit ni Darryl ang kaniyang internal energy para maghanda sa pakikipaglaban.“Walang kahit na sino ang nasa kanilang paligid. Kaya kung gusto nang mamatay ni Carl, ipapakita ko sa kaniya ang tunay kong lakas para matupad ang gusto niya.”“Talaga?!”Tumawa si Carl nang marinig niya ang paghahamon ni Darryl sa kaniya. Dito na siya naglakad nang dahan dahan palapit dito.Napuno ng paninindak ang atmosphere sa kanilang paligid sa mga sandaling ito.
“Sige, sige!”Naging determinado rito si Darryl.Natigilan si Asher habang nanalalmig na ngumingiti at sinasabing, “Mayroon kang prinsipyo. Kung ganoon, hindi mo rin kami masisisi!”Dito na biglang sumugod si Carl.“Asher, hindi karapat dapat ang isang ito na makipaglaban sa iyo. Hayaan mong ako na ang tumapos dito!” Habang nagsasalita, sinuntok ni Carl si Darryl.Para kay Carl, mas malakas kaysa sa kaniya si Asher. Kaya kinakailangan niyang magpaimpress para magawang makipagalyansa rito.Bang!Mabilis na nagreact si Carl. Naglaman ang kaniyang suntok ng napakalakas na internal energy na sumira sa daloy ng hangin sa paligid.Nang makita ang pagtama ng palad ni Carl kay Darryl, biglang sumigaw si Asher ng, “Buwisit, sandali!”Nagtaka sa kaniyang narinig si Caryl. Agad niyang binawi ang kaniyang suntok at humakbang sa isang tabi.“Ano ang nangyayari?”Napakunot ang noo di Darryl nang husto noong mga sandaling iyon habang nakakaramdam ng matinding frustration.Sa totoo lang ay
“Sige na, sige na…”Nang mapansin niyang may hindi tama, agad na natakot si Carl para sa kaniyang sarili. Hindi na niya nagawa pang magtagal sa lugar na iyon. Mabilis siyang tumakbo palayo pagkatapos niyang sagutin ang mga sinabi ni Asher.“Wala akong pakialam kay Luca, pero hindi ko magagawang inisin si Asher.”Hay!Huminga nang malalim si Asher nang makita niyang tumakbo sa malayo si Carl. Dito na niya tahimik na sinabi kay Darryl na, “Sir, hayaan niyo po ako na ipagkuha kayo ng Internal Alchemy Elixir mamaya. Madali ko po kayong papapasukin sa finals!”“Hindi na iyon kailangan pa!” Nakangiting iling ni Darryl, “Maghiwalay na muna tayo.”“Walang pakialam sa aki ang lahat. Kaya agad na magsususpetsa ang mga tao sa aking paligid sa sandaling makita nila ako na kasama ni Asher.”“Wala pong problema.”Hindi na nagpumilit pa si Asher nang marinig niya iyon. Kumaway siya kay Darryl para magpaalam at umalis. Hindi na nagtagal pa si Darryl nang makita niyang umalis si Asher. Dito na
Tumawa si Darryl sa kaniyang sarili nang makita niya iyon.Bang!Dito na sumabog ang purong internal energy ni Darryl. Agad niyang hinampas ang ulo ng dambuhalang Wind Spirit Wolf.At pagkatapos ay nakita niya ang panginginig ng malaki nitong katawan.Malungkot itong umangil bago mabilis na bumagsak sa lupa at ilabas ang huli niyang hininga.Owooooo! Owoooo!Nagalit nang husto ang mga nanonood na lobo nang makita nila ito. Kaagad na nagngitngit ang matatalim nilang mga ngipin bago umangil kay Darryl. Nagmukhang susugod ang mga ito kay Darryl sa anumang oras.Kahit na nagawang mapatay ni Darryl ang hari ng mga lobo sa loob ng ilang segundo, hindi pa rin natakot dito ang ibang mga lobo. Siguradong itataya ng mga ito ang kanilang buhay para maghiganti sa sandaling may kahit na sinong pumatay sa kanilang mga kauri.Hindi naman nagalala si Darryl nang makita niyang sumugod ang mga lobong ito. Nagawa na niyang mapatay ang hari ng mga ito kaya hindi na naging problema para sa kaniya a