“Buwisit…” Napakunot dito ang noo ni Darryl.Napansin niya ang pagtingin ni Geoff at ng mga kaibigan nito sa kaniya. Napuno ng paghihiganti ang mata ng mga ito. Pero hindi ito dinamdam ni Darryl.Pagkatapos kumain at uminom, bumalik si Darryl at ang Four Dragon at Four Phoenixes sa inn. Nagpahinga sila ng ilang sandali bago bumalik si Darryl sa venue ng kompetisyon.Nang makarating siya sa venue, nakita niya ang listahan ng mga group assignment sa isang notice board na nakakabit sa entrance ng venue.Tama nga si Eldest Dragon. Ang ginanap na literary competition sa araw na ito ay isang laban ng pagatake at pagdepensa. Binubuo ng walong tao ang isang team at ang bawat isang team ay bubuo ng kanikanilang mga army formation, pamumunuan ng bawat isang kalahok ang 20 mga sundalo. At ang dalawang natitirang kahok ang makakapasok sa susunod na round ng kompetisyon.Hindi nagtagal ay nakita na ni Darryl ang kaniyang pangalan sa listahan ng maliliit na grupo. Nakita niya rin ang pangalan n
Pagkatapos pumasok sa battle area, sinabi ni Darryl kay Parker na, “Mr. Yohan, kayo na po ang bahala sa akin mamaya. Hindi po ako masyadong pamilyar sa formation na ito ng mga sundalo.”Sinadyang lakasan ni Darryl ang kaniyang boses nang sabihin niya iyon. Gusto niyang marinig nina Quinton na hindi niya talaga alam ang tungkol sa gagawin nilang formation habang nagpapakita ng desperasyon ang kaniyang mga mata.Sinadya itong sabihin ni Darryl, hindi lang para itago ang tunay niyang abilidad, kundi para maging confident sina Quinton sa kanilang mga sarili.Sa mga sandaling ito ay nagtinginan sina Quinton, Titus at ang dalawa pa nilang mga kasama habang ipinapakita ang arogante nilang mga ngiti. “Napakaduwag talaga ni Luca. Nagpapanic na siya bago pa man magsimula ang laban. Minamalas lang siya dahil nagawa niyang inisin si Mr. Jefferson kaya siguradong siya na ang unang maeeliminate sa labang ito.”Wala namang naging pake si Darryl sa nangiinsultong tingin ng mga ito. At sa halip ay
Ang sinumang makakakuha ng tamang oportunidad sa tamang oras ay may kakayahang kumotrol sa buong sitwasyon. Ayon sa naging karanasan ni Darryl, ang nagaganap na laban sa kaniyang harapan ang perpektong oportunidad para sa kanila.Pero agad na iniling ng hindi sumasangayong si Parker ang kaniyang ulo. “Hindi, Masyadong matindi ang laban nilang iyan, siguradong madadamay lang tayo sa sandaling sumali tayo sa kanila.”Nagmukhang determinado rito ang nagsasalitang si Parker. “Hintayin na lang nating magbunga ang ginagawa nilang ito.”“Buwisit! Ito na ang tamang oportunidad para umatake, pero nagawa mo pa ring magdesisyon na maghintay lang dito?” Nainis dito nang husto si Darryl.Dito na siya sumagot ng, “Sa sandaling matalo ni Quinton at ng tatlo niyang mga kasama ng dalawang mga kalahok na iyan, hindi na tayo makakakuha ng isa pang pagkakataon para manalo.”“Sinasabi mo ba na kakampi ni Quinton ang tatlong iyon?” Tanong ng nagiisip na si Parker na nagsisimula nang mapagtanto ang mga
Agad na nagalala si Parker habang mahinang sumasagot ng, “Ikaw? Ano ang plano mo?”“Kung mayroon lang kakayahang mamuno si Luca, hinding hindi na nito kailangan pang makipagalyansa sa akin.”“Pareho tayong matatanggal sa kompetisyong ito sa sandaling hndi ka maniwala sa akin.” Nakangiting sinabi ni Darryl na may hindi inaasahang itsura.“Mayroon kaya siya talagang plano?”Natahimik si Parker nang makita niya ang itsura nito. At pagkatapos ay tumango na siya at sumagot ng, “Sige, makikinig ako sa iyo.”Hindi niya alam kung bakit siya pumayag pero nagdesisyon si Parker na magtiwala kay Darryl sa huli.“Kahit na anong mamgyari, nakita pa rin nito ang pagkikipagalyansa ni Quinton sa tatlong iyon, hindi ko ito napansin kanina.”At higit sa lahat, hindi alam ni Parker kung ano ang dapat niyang gawin.Huminga nang malalim si Darryl at sinabi kay Quinton na, “Quinton! Huwag kang masyadong masabik, hindi pa natin alam kung sino ang mananalo at matatalo. Sinabi ng aking master na huwag m
Sa mga sandaling iyon, naramdaman ni Parker na hindi normal ang bagay na sinabi sa kaniya ni Darryl, mayroon itong mga natatagong kahulugan. “Hindi ba’t sinabi niya na wala siyang alam sa mga formation ng sundalo?” Isip ni Parker habang nagtatakang tinitingnan si Darryl.Ngumiti naman ang mukhang nagrerelax na si Darryl. Isang simpleng formation lang na kaniyang natutunan sa Bai Qi Formations ang kaniyang ginamit sa labang ito. Pero masyado na itong epektibo para kay Quinton at sa kaniyang mga kasama.Kung hindi lang dahil sa pagiwas ni Darryl na makuha ang atensyon ng Emperor sa New World na magbibigay sa tunay niyang pagkakakilanlan, hinding hindi niya ipapautos kay Parker ang paggawa sa formation. Kanina pa rin sana niya natalo si Quinton at ang mga kasama nito.“Ma…masyado itong kahanga hanga!” Natigilan at nagalit dito si Quinton at ang kaniyang mga kasama.Nagkaroon sila ng advantage na magkaroon ng mas maraming sundalo, pero nagawa pa rin silang talunin nito. Masyadong nak
“Ang formation na ginamit mo kanina!” Naiinis na pinadyak ni Parker ang kaniyang paa.“Nagkukunwari pa rin ba ang isang ito?!”Napakamot na lang sa kaniyang ulo si Darryl habang dahan dahang sinasabi na, “Nakapagbasa ako ng isang strategy book ng mga sundalo noon, ipinakita sa librong iyon kung paano gumamit ng isang formation. Dito ko na bigla itong naalala noong nasa gitna tayo ng kaguluhan kanina. Ito ang sinabi ko sa iyo!”“Isang strategy book ng mga sundalo?” Isip ng may kunot na noong si Parker.“Alin sa mga strategy book ang sinasabi niya? Hindi ko pa ito nakikita noon ah?”Bilang pinakamatandang babae sa kilalang Sword Manor, panganay sa mga batang babae na si Parker ay nagawa nang makapagbasa ng napakaraming libro, pero hindi pa siya nakakakita ng isang libro tungkol sa mga formation na pinamagatang “Soldier’s Formation”.“Buwisit! Napakahirap lokohin ni Parker.”Nagfrustrate si Darryl nang makita niya ang nagmamatigas na mukha ni Parker. Dito na siya ngumiti at nagsabi
Nang makabalik siya sa inn, nagutos si Darryl sa Four Dragons at Four Phoenixes, “Pumunta kayo mamaya sa mga lugar na malapit sa palasyo para mangalap ng balita tungkol kay Princess Yvette.”Kahit na nagagawa niyang makita si Yvette araw araw sa pinagdarausan ng kompetisyon, Gusto pa ring malaman ni Darryl ang sitwasyon nito sa palasyo. Sa totoo lang, gusto na niyang pumasok sa palasyo para magimbestiga, pero sa dami ng mga naglalakasang mandirigma na nakabantay sa palasyo, at bilang isang kalahok, kinakailangan niya itong alisin sa kaniyang isipan. “Opo, boss!” sabay sabay na sumagot ang mga ito bago umalis ng inn.Mabilis na nakabalik ang Four Dragons at Four Phoenixes pagkalipas ng ilang oras.Agad na nasaktan nang husto si Darryl nang marinig nilang nagtangkang magpakamatay si Yvette ng ilang beses nitong mga nakaraang araw at agad ding naaagapan ng kaniyang mga kasama.Habang lumilipas ang gabi, punong puno ang isipan ni Darryl ng kung ano anong tungkol kay Yvette, nakatulog
Habang nagsasalita, sumakay si Florian sa kaniyang kabayo na binantayan ng mga sundalo ng Royal Army. Pinangunahan niya ang mga kalahok na maglakad papunta sa training ground ng Royal Family sa Royal City.Matatagpuan ang training ground ng Royal Family sa layong ilang milya mula sa timog ng royal city. Isa itong lugar kung saan naganap ang isang digmaan noong unang panahon. Marami ang mga sinaunang battlefield sa New World. Dahil sa lapit nito sa royal city, ang mga lugar na ito ay mga ipinagbabawal na lugar ayon sa utos ng royal family. Ginagamit lamang ang mga ito bilang training ground ng royal family.Nagbigay ang Emperor ng New World ng isang espesyal na permiso para buksan ang lugar na ito sa mga kalahok para sa gaganaping semi finals ng martial arts marriage tournament.Hindi nagtagal ay nakarating na rin ang lahat sa sinaunang battlefield.Sa mga sandaling ito, hindi maiwasang mapapigil hininga ni Darryl nang makita niya nang aktwal ang battlefield na ito.Hindi lang nagi