Ang Eldest Dargon ang naunang mag-react; tumayo ito at tiningnan si Darryl. “Kapatid na Darryl, anong problema? Sumama na ang Four Phoenixes sa iyo sa loob ng kwarto, bakit lumabas ka ulit?” Ngumiti si Darryl. Inipon nito ang kaniyang internal na enerhiya, tila kidlat ang bilis nitong sumugod sa Eldest Dragon.“Ikaw—”Napakabilis ng pagkilos ni Darryl, hindi nan aka-react pa ang Eldest Dragon; nanigas ang katawan nito habang galit na nakatingin kay Darryl. Wow! Galit at nagulat din ang tatlong dragon; sinigawan ng mga ito si Darryl. “Sino ka para lokohin kami!” “Anong ginawa mo sa Four Phoenixes?”“Hindi na natin kailangan pang kausapin siya; hulihin siya!” Pinakawalan nina Second Dragon, Third Dragon, at Fourth Dragon ang kanilang internal na enerhiya nang sugurin ng mga ito si Darryl. Nakakatakot ang lakas ng three Martial Emperor na ito! Pero hindi kinabahan si Darryl. “Ang payo ko sa inyo ay sumuko nalamang sa akin. Hindi ko kayo kapantay, kahit na magsama pa kay
Tila nakadikit ang mga titig ng Eldest Dragon kay Darryl, takot itong nagtanong. “Anong pinainom mo sa amin?” Hindi mapakali ang iba pang mga dragon. ‘Hindi kami nito bibigyan nang hindi makakasama para sa amin!’ Inasar sila ni Darryl. “Oh, hindi ba’t wala kayong kinatatakutan? Bakit? Sa wakas ba ay kinabahan din kayo?” Mas lalong naging walang awa ang tunog ni Darryl. “Pinainom ko sa inyo ang Heaven Cult Elixir. Hindi niyo pa ba narinig ito?” “Heaven Cult Elixir?” Nagpalitan ng madidilim na tinginan ang Four Dragons at Four Phoenixes. Mayroong kaunting takot ang mga ito sa mga maaaring mangyari. Ang Heaven Cult Elixir ang noo’y ginamit ng Grandmaster Heaven Cult para makontrol nito ang kaniyang mga tagasunod. Si Darryl na lamang ang nag-iisang kaya itong gawin.Hindi pa ito kailanman narinig ng Four Dragons at Four Phoenixes, nabahala ang mga ito dahil wala silang alam patungkol sa bagay na ito. “Kayo ay mabubulok at mamamatay sa loob ng isang taon kapag hindi ninyo nah
’isang martial arts tournament para maghanap ng Prince Consort?’ Napaatras si Darryl; napatakbo ito at nainis dahil sa hindi maagandang balita! ‘Hindi ba’t dalawang buwan pa bago ang pangyayaring iyon? Kalahating buwan pa lamang at nagsimula an ito?’ ‘Hindi maaari! Kailangan kong pumunta sa New World at mabilis na kunin si Yvette!’ Pinagmadali ng lalaki ang knaiyang mga tagasunod. “Tara; pupunta tayo sa New World Royal City!” “Sect Master!” Inasar ng Eldest Dragon si Darryl dahil sa labis na kaba nito. “Relax! Hindi kailangang mabahala kahit na gusto mong makilahok sa paligsahan.” ‘Ipinakita ng Sect Master ang kaniyang totoong sarili nang marinig nito ang tungkol sa magandang prinsesa. Hindi ito makaupo ng maayos!’ Sa parehong sandal ay pilyong tiningnan ni Second Dragon si Darryl. Akala ng mga ito ay gustong makilahok ni Darryl sa paligsahan para maging Prince Consort. “Sino nagsabi sa iyong gusto kong makilahok sa paligsahan para maging Prince Consort? Kasintahan ko s
Nagmadaling pumasok si Darryl sa New World Palace at nagdulot ito ng pinsala, pero pumasok ito nang hindi nagbigay atensyon sa disenyo nito. Kaya naman nagtaka ito nang makapasok siya as palasyo. Hindi lamang malaki ang New World Palace, pero mayroon itong siksik na disenyo ng mga gusali! Naligaw si Darryl. Hindi lamang kinailangan ni Darryl hanapin ang mga daanan sa napakaraming gusali, kailangan din nitong magtago sa mga guwardiya. Kailan kaya nito matatagpuan kung nasaang palasyo si Yvette? Nagsisi ang lalaki nang hindi nito naitanong ang numero ng kwarto ni Yvette nang sila’y naglayo. Nang madepressed si Darryl, hinatid nang eunuch ang dalawang tagasilbi sa pasilyo katabi nang kinatatayuan nito. Mabalis na lumapit ang mga ito. Napansin ni Darryl na mayroong masasarap na pagkain ang tray na hawak ng mga tagasilbi. Mabilis itong nagtago sa isang gilid. “Bilis!” Pag-utos ng eunuch. “Bilisan ninyo at ihatid na iyan! Hindi na makapaghihintay pa ang Prinsesa Yvette.”Pri
’Siya ba talaga si Darryl?’ Maraming nainom na wine si Yvette at medyo may tama an ito. Kinuskos ng babae ang kaniyang mga mata sa takot na magkamali. ‘Siya nga!’ ‘Si Darryl nga!’ Nagputol putol ang boses ni Yvette nang mabilis itong tumakbo papunta kay Darryl. “Darryl, nandito ka! Sa wakas ay nandito ka na!”Bumuhos ang luha ni Yvette pagkasabi niya nito! Mayroon ding magkahalong emosyon si Darryl nang makita nito ang pagkasabik ni Yvette. Nadurog ang kaniyang puso nang mapagtantong nangayayat ang babae sa loob lamang ng dalawang buwan. Inilahad ni Darryl ang kaniyang mga braso at hinila si Yvette para yakapin ito.“Princess!” Napakunot ng noo si Sloan, mabilis itong pumagitna sa dalawa. Tumitig ang babae kay Darryl. “Ang kapal ng mukha mo! Ipinag-utos sa amin ng kamahalan na arestuhin ka, pero naglakas ka pa ng loob na manghimasok sa palasyo! Narito ka ba para sumuko?” Binaliktad ni Sloan ang kaniyang kamay, at lumabas ang Tang Sword mula rito, malakas na internal na
Hayop! ‘Ang akala ng babaeng ito ay maaari siyang makipagsundo sa akin?’ Bumulong ng reklamo si Darryl sa kaniyang puso at tuyo ang binigay nitong ngiti kay Sloan. “Magsabi ka ng totoo—may gusto ka ba sa akin? Iyon ba ang dahilan kung bakit ayaw mo kaming umalis ng Prinsesa? Kung iyan ang iniisip mo, okay lang naman sa akin kung higit sa isang babae ang makasama ko!”Naintindihan ni Darryl ang gustong sabihin ni Yvette dahil sa kung paano ito tumingin sa kaniya. Alam ng lalaki na hindi dapat siya maging masyadong malupit kay Sloan. Pero kinailangan lamang asarin ng lalaki si Sloan kapag halos hindi na ito makahinga sa galit. “Ikaw—” Nanginig si Sloan at hindi ito sumang-ayon. “Huwag ka ngang feelingero. Sinong nagsabing may gusto ako sayo?” “Darryl—" Sa parehong sandal ay niyakap ng namumulang si Yvette ang braso ni Darryl at bumulong. “Huwag ka nalang magsalita.” Alam nito ang sinabi ni Darryl kay Sloan, pero malaswa ito. Gustong tumawa ni Darryl. Umayos ang pakiram
Matapos inumin ng babae ang wine, kumuha si Yvette ng mani gamit ang chopsticks at sinubuan si Darryl. “Masarap ito; papakainin kita.” “Napakabait mo sa akin. Lalagyan pa kita ng wine!” Malaki ang ngiti ni Darryl pagkasabi niya nito. Namula si Yvette. “Hayaan mong ako ang gumawa nito bilang kasintahan mo. Ano ang dapat na magsilbi sayo…” Nagbulungan ang dalawa; nakalimutan nila ang katabi nilang si Sloan. Siyempre ay sinadya nila ito; gusto nilang makita iyon ng babae. Maraming alam sina Darryl at Yvette. Malalim ang pagkakaintindi ng mga ito at maayos ang pagsasagawa nila ng kanilang plano. Napakalambing nila sa isa’t isa, tila kinasal na ang dalawa—gusto nilang inisin si Sloan para umalis ito sa silid. “Kayong dalawa—” Galit na nagpadyak ng paa si Sloan nang mapagtanto nitong hindi talaga pinansin ng dalawa ang kaniyang presensya. Naglambingan ang dalawa, uminom ng wine, at pinakain ang isa’t isa. Hindi nagtangkang tumingin sa Sloan dahil nasaktan ang babae sa hindi k
’Nandito na ang Emperor ng New World?’ Napatigil ang kumportableng nakahiga na sina Yvette at Darryl. Agad silang tumayo. Bwiset! “So, maraming elites ang pupunta?’ Naramdaman ni Darryl na mayroong limang Martial Emperor ang kabilang sa mga narinig niyang yabag.Medyo kinabahan si Darryl nang maramdaman nito ang malakas na aura ng mga taong iyon. Hindi lang si Sloan ang nag-iisang malakas na cultivator sa New World matapos ang pagkamatay ng Country Secretary? Bakit biglang dumami ang elites? Hindi alam ni Darryl na natakot ang Emperor ng New World mula noong nagkagulo sa palasyo. Nagdala ang Emperor ng maraming elites para maiwasan ang parehong sitwasyon. 24 na oras bawat araw na nakabantay ang elites sa Emperor. “Darryl!” Hindi mapakali si Yvette. “Bilis! Magtago ka sa ilalim ng kama.” Kapatid ang turing ni Sloan kay Yvette, at gusto niya ito, kaya naman binigyan niya ng pagkakataon ang babae para makasama si Darryl. Ngunit iba ang ama nito. Paniguradong agad na papatay