Kinuyom ni Darryl ang kaniyang kamao at napabuntong hininga ito nang makita ang nainis na si Yvette. Tumingin ito kay Sloan. “Kapatid na Sloan. Nagmamakaawa ako sayo.” Nandiri ang lalaki nang tawagin niya itong kapatid. Ngumiti si Sloan at tumango. “Sige; magtago ka sa ilalim ng kama!” Huminga ng malalim si Darryl at nagtago sa ilalim ng kama habang sigang nakatingin si Sloan. Nang nakapagtago na ito sa ilalim ng kama ay pumasok sa loob ng silid ang Emperor ng New World, may kasama itong apat na tao. Nasa edad 34 taong gulang ang apat na kasama nito. Nakasuot ang mga ito ng uniporme ng imperial guard at mayroong malalakas na aura ang mga ito. Kagaya ng naramdaman ni Darryl—ang apat na tao ay malalakas na mga Martial Emperor, level five ang pinakamalakas sa kanilang apat.Pinagsisilbihan ng apat na kalalakihang iyon ang Emperor ng New World, pinangalanan pa ang mga ito—ang Golden Dragon Guards! Noong huling nagdulot ng pinsala si Darryl sa New World Palace at nang pinatay n
Sandaling tumahimik sa loob ng silid! Matindi ang titig ni Yvette kay Sloan; nagsimulang mamawis ang kaniyang palad dahil sa kaba. Nasa illalim ng higaan si Darryl; hindi ito makakatakaskapag nagsabi ng totoo si Sloan. “Kamahalan!” Kinagat si Sloan ang kaniyang mga labi. Nanatiling diretso ang mukha nito nang magalang siyang nagsalita. “Hindi po naparito si Darryl.” Kumalma si Yvette nang marinig ang sagot ni Sloan; natuwa ito. ‘Tinupad nito ang kaniyang pangako kay Darryl!’ Napabuntong hininga rin si Darryl; naantig ito. Sa hindi inaasahan, tinupadni Sloan ang kaniyang pangako; totoong isa siyang Warrior Goddess na hinangaan ng lahat. “Sige!” Tumango ang Emperor ng New World. “Magaling. Lumuwag ang pakiramdam ko, lalo na’t narito si Sloan. Sa tingin ko ay hindi magtatangkang pumasok dito si Darryl.” Tiningnan ng Emperor si Yvette. “Walang punto kung iisipin ito dahil wala namang magbabago. Huwag ka nang mag-isip at magpahinga ka ng maaga!” Pagtapos ay kumuway ang Emp
Nagbuntong hininga si Yvette nang tingnan nito si Darryl. Bigo itong nagsalita. “Darryl, kaialngan mo sa sigurong umalis. Mag-iisip ako ng paraan mamaya. Alam mob a kung nasaan ang Moonlight Lake sa labas ng Royal City? Susubukan kong umalis bago magsimula ang martial arts marriage tournament at maaari tayong magkita roon!”Gusto nitong umalis kasama si Darryl. Pero alam nitong maaaring magsabi ng totoo si Sloan at maraming nakabantay na elites sa New World Palace. Magiging mahirap para kay Darryl ang mailabas siya roon nang walang tulong.Marring ikinuyom ni Darryl ang kaniyang mga kamao dahil sa inis. Naawa si Sloan para sa dalawa, kaya pinakalma niya ang mga ito. “Huwag kayong mapanghinaan ng loob, kapag nagkaroon ng tiyansa ay ako na ang bahala sa Prinsesa.” Mukhang lumambot ang pag-uugali ni Sloan kay Darryl nang mapagtanto nitong nakadikit ang lalaki kay Yvette. Naantig si Sloan sa totoong pagmamahalang nasa pagitan ng dalawa. “Magaling!” Huminga ng malalim si Darry
Nang maglabas ang Emperor ng kanyang utos, ang apat na Golden Dragon Guards at ang iba pang mga elite ay tumalon pasulong at sumugod kay Darryl!Ibinaling ni Darryl ang kanyang ulo at tumawa nang sumugod sa kanya ang mga Golden Dragon Guards at iba pang mga elite. Determinado siyang harapin ang giyera. “Sa palagay ninyo kaya ninyo na akong patayin pagkatapos magrekrut ng napakaraming mga elite? Minamaliit ninyo ako!”‘Hindi ako natatakot, kahit na meron kayong napakaraming mga elites!’Tinaas ni Darryl ang kanyang kamay at winagayway ito; may gintong liwanag ang sumilaw sa kanyang palad bago lumitaw ang isang ginintuang pagoda!Ito ang Seven Treasures Exquisite Pagoda!Kaagad pagkatapos, sinumamo ni Darryl ang 700 elites mula sa una at pangalawang antas! Lumabas sila mula sa pagoda.“Pang Tong, Yuan Tiangang, King Rufous Bear at kayong lahat, makinig kayo! Wasakin ang mga kaaway sa harap ninyo; huwag mag-iwan ng sinuman!” Malamig at walang tigil na utos ni Darryl!Hindi kailanman ginus
”Ang White Lily Cold Flame?”“Gagamitin mo na ba sa wakas ang trump card mo?”Nang maramdaman nila ang napakainit na temperatura, namangha ang apat na Golden Dragon Guards! Gayunpaman, walang masyadong nataranta. Sa halip, ang mga sulok ng kanilang mga bibig ay kumurba sa bahagyang ngiti.Hindi na nag-atubili pa si Darryl. Kinaway niya ang kanyang kamay at inihagis ang White Lily Cold Flame papunta sa apat na Golden Dragon Guards.“Darryl...” pangungutya ni Leonardo, “Ang White Lily Cold Flame ay ang nangungunang mahiwagang apoy sa mundo, at napakalakas nito, ngunit huwag mong ipagpapalagay na wala itong kapantay!”May binawi si Leonardo mula sa kanyang katawan.Ito ay bilog at nagpalabas ng malamig at malabo, nagyeyelong asul na liwanag. Nararamdaman ni Darryl ang matinding enerhiya sa loob nito.‘P*ta! Ano ‘yan?’Sumimangot si Darryl; nagulat siya at naghinala.Kaswal na ibinaliktad ni Leonardo ang kanyang kamay habang sinasalubong ng apat na Golden Dragon Guards ang White Lily Cold
Ang ihip ng malupit na aura ay dumiretso patungo kay Darryl sa isang iglap!Anak ng! Nagulat si Darryl; mabilis niyang tinipon ang kanyang purong lakas upang sanggain ang puwersang iyon.Boom!Sa isang iglap lang ng mata, dumating ang bagyo ng enerhiya at tumama kay Darryl! Nanginginig ang lalaki bago siya dumura ng napakaraming dugo, at tumilapon paatras.Nangyari iyon kahit na ginamit niya ang kanyang purong enerhiya upang ipagtanggol ang kanyang sarili at upang maiwasan ang dagok mula sa 20 mga elite!“Pumunta ka na sa impyerno, Darryl!”Bago lumapag sa lupa si Darryl, walang ekspresyong sumigaw si Leonardo. Pagkatapos, inilabas niya ang kanyang mahabang espada at sinaksak nang mariin ang kalaban!“Ascension of the Nine Dragons!”Sa pinakakritikal na sandali, napangisi si Darryl ng kanyang mga ngipin habang tiniis niya ang sakit sa kanyang katawan! Pagkatapos ay sumigaw siya ng utos niya.Rawwr!Ang lugar ay kumislap nang maliwanag sa ginintuang ilaw habang ang siyam na ginintuang m
Sugatan na si Darryl ay bago siya nahulog sa katubigan at kailangang labanan ang malakas na vortex. Nawalan siya ng kontrol sa kanyang sarili at hinayaang hilahin siya sa ilalim ng ilog.Nakadama ng kawalan ng pag-asa si Darryl, pero miserable siyang napatawa.Ibig bang sabihin nito ay mamamatay na siya? Gano’n lang?Ayaw niyang tanggapin ang kanyang kamatayan!Samantala, sa pampang ng ilog.Whoosh!Dahan-dahang lumapag sa lupa si Leonardo. Ngumiti siya habang nakatingin sa katawan ni Darryl na mabilis na lumubog sa katubigan hanggang sa maglaho ito.Alam ni Leonardo na ang katubigan ay napakalalim, ngunit hindi niya matiyak ang lalim nito. Ang tubig ay meron ding hindi mabilang na malakas na mga vortex. Si Darryl ay malubhang sugatan, kaya’t kahit na siya ay may kasanayan, hindi siya makakatakas sa kamatayan kung mahihigop siya ng mga vortex!May grupo ng mga elite ng New World Palace ang tumayo sa likuran ni Leonardo; nasisiyahan sila. Akala nila patay na si Darryl.Bumuntong hininga
Nagalit ang Emperor habang isinisigaw niya, “Yvette, gaano mo man kagusto si Darryl, patay na siya ngayon. Kailangan mo na siyang sukuan. Sundin mo ang kalooban ko at maghintay para sa paligsahan sa martial arts para sa kasal. Pagkatapos, mamuhay nang maligaya magpakailanman kasama ang iyong Prince Consort.”Pagkatapos nito, ang Emperor ay lumabas ng silid.“Darryl!”Masakit na tumingin si Yvette sa kalangitan ng gabi sa labas ng palasyo. “Patawad, lahat ng ito ay kasalanan ko. Kasalanan ko lahat...”Hindi mapigilan ang pagdaloy ng luha sa kanyang mukha; sawi ang kanyang puso!…Samantala, sa ilalim ng katubigan...Naramdaman ni Darryl ang kanyang mundo na umiikot, at ang kanyang katawan ay patuloy na lumubog sa malakas na paghigop ng vortex.Malamig ang tubig, at si Darryl ay medyo tuliro at desperado.Naku!‘Bakit wala pa rin ako sa pinakailalim ng katubigan? Ganito ba talaga ito kalalim?‘Medyo nagtagal bago tuluyang lumubog si Darryl sa pinakailalim ng ilog. Labis siyang namangha.