Kabanata 1281
Dito na nagsimila ang nakaputing lalaki na magturo kay Darryl kung paano maglaro ng Go.

Apuradong apurado na si Darryl na umalis sa lugar na iyon, kaya wala siya sa mood na matuto nito. Pero wala pa rin siyang magagawa kundi pilitin ang kaniyang sarili na makinig sa mga turo ng lalaki.

“Ok!” Pagkatapos ituro ang ilang basic mechanics ng Go, napatingin ang nakaputing lalaki kay Darryl at nagtanong ng, “Kapatid, hindi pa rin kita kilala hanggang ngayon.”

“Ako si Darryl Darby!” Hindi manlang nagisip si Darryl bago niya sagutin ang tanong ng lalaki. At pagtapos ay agad niyang ibinalik sa lalaki ang tanong nito. “Puwede ko rin bang malaman ang pangalan mo?”

Sinubukang hulaan ni Darryl ang pagkakakilanlan ng taong iyon. Siguradong isa itong espesyal na tao matapos magawang manirahan sa ipinagbabawal na lugar ng palasyo.

“Ako?” Agad na sumigla ang pagsasalita ng nakaputing lalaki. Dito na siya nagmamalaking sumagot ng, “Kilala ng marami ang pangalan ko! Kaya natatakot ako na banggitin it
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP