Dito na nagsimila ang nakaputing lalaki na magturo kay Darryl kung paano maglaro ng Go.Apuradong apurado na si Darryl na umalis sa lugar na iyon, kaya wala siya sa mood na matuto nito. Pero wala pa rin siyang magagawa kundi pilitin ang kaniyang sarili na makinig sa mga turo ng lalaki.“Ok!” Pagkatapos ituro ang ilang basic mechanics ng Go, napatingin ang nakaputing lalaki kay Darryl at nagtanong ng, “Kapatid, hindi pa rin kita kilala hanggang ngayon.”“Ako si Darryl Darby!” Hindi manlang nagisip si Darryl bago niya sagutin ang tanong ng lalaki. At pagtapos ay agad niyang ibinalik sa lalaki ang tanong nito. “Puwede ko rin bang malaman ang pangalan mo?”Sinubukang hulaan ni Darryl ang pagkakakilanlan ng taong iyon. Siguradong isa itong espesyal na tao matapos magawang manirahan sa ipinagbabawal na lugar ng palasyo.“Ako?” Agad na sumigla ang pagsasalita ng nakaputing lalaki. Dito na siya nagmamalaking sumagot ng, “Kilala ng marami ang pangalan ko! Kaya natatakot ako na banggitin it
Mahal na mahal ni Emperor Hou Yi si Chang Er. Kaya agad siyang nagalit nang makita niya kung paano ito pagtangkaang gahasain ni Zhu Bajie. Gusto na niya sanang patayin sa lugar na iyon si Zhu Bajie. Pero isa itong Marshal ng Heavenly Reeds na nagkaroon ng napakaraming mga achievements sa kanilang nasasakupan.Hindi siya nagawang patayin ni Emperor Hou Yi, kaya naghanap siya ng paraan para gawing mas miserable pa sa kamatayan ang buhay ni Zhu Bajie. Dito na niya ikinulong si Zhu sa isang ipinagbabawal na lugar! Naglagay din siya ng isang formation sa entrance nito para hindi magawang tumakas ni Zhu sa palasyo! Isang libong taon nang nakakulong dito si Zhu Bajie!Kahit na malakas si Zhu Bajie, hindi pa rin niya magawang isolve ang Thousand Wood Mystery Formation na nilagay ng Emperor dito kaya nagawa niyang makulong dito ng halos isang libong taon!Sa nakalipas na isang libong taon, walang kahit na sino ang nagtangkang pumasok sa ipinagbabawal na lugar hanggang sa aksidenteng makapaso
Dito na tumalikod si Darryl at umalis. Dahil wala nang iba pang lagusan palabas ng palasyong ito, wala nang magagawa si Darryl kundi dumaan sa mga gate ng palasyo—na isang mapanganib na hakbang!“Hoy, hoy, bata, huwag ka nang magalit!”Dito na nababahalang hinabol ni Zhu Bajie si Darryl.…Samantala, sa loob ng main hall ng palasyo sa South Cloud World!Tumayo ang Empress sa entrance at tumingin sa kalangitan. Dito na napuno ng pagkasabik ang maganda niyang mukha.Tumayo naman sina Quincy Long at ang iba pang mga opisyal sa kaniyang likuran at nagsitingin din sa kalangitan, dito na sila tuluyang natigilan!Pagkatapos ng ilang segundo, nakahinga na rin nang maluwag ang Empress habang sinasabi na, “Dumating nanaman ang kulay dugong mga ulap, sigurado ako na isa nanamang Grand Weapon ang nagpakita sa daigdig! Sundin niyo ang aking utos—magpunta kayo sa World Universe ngayundin! Walang kahit na sino sa inyo ang dapat na magkamali sa gagawin ninyong pagkuha rito!” Determinadong sinab
Samantala, sa Mt. Hua ng World Universe!Makikita ang Mt. Hua sa northwest ng World Universe. Naging matarik at delikado ang mga bundok sa lugar na ito, pero hindi pa rin mapapantayan ang view sa paligid nito. Kilala na ito bilang pinakadelikadong mga bundok sa buong mundo mula noong unang panahon.Makikitang nakatayo ang ilang mga sinaunang gusali sa tuktok ng Mt. Hua—ito ay walang iba kundi ang Mt. Hua Sect.Ilang libong taon nang naririto ang Mount Hua Sect na nagcontribute nang husto sa kasaysayan ng Martial Arts sa World Universe. Sa loob ng ilang libong taon na nagdaan, nagawa ng Mt. Hua Sect na maglabas ng napakaraming malalakas at makapangyarihang mga disipulo!Pero habang lumilipas ang panahon, unti unti ring lumiit ang kanilang sekta, agad ding nawala ang kanilang reputasyon sa mga kapwa nila cultivator.Ang Sect Master ng Mt. Hua Sect ay si Old White Brows, na kasalukuyan nang nasa kaniyang 70s. Pero nananatili pa rin itong malakas at malusog! Isa na siya ngayong Level
Samantala, sa North Moana.Nagpatuloy sa pagyanig ang lupa pero hindi na ito naging kasing lakas ng pagyanig noon!“Huwag ka munang umalis, bata. Maglaro na muna tayo ng isang round ng Go!” Hila ni Zhu Bajie sa damit ni Darryl habang sinusubukan itong yayain na maglaro ng Go.“Hindi mo maituro ang daanan palabas ng palasyo sa akin, Kuya Zhu, pero nagawa mo pa rin akong yayain na makipaglaro sa iyo. Hindi ba’t sinasayang mo lang ang oras ko? Kinakailangan ko nang bumalik sa World Universe. Marami akong mga bagay na kailangan nang gawin. Pag nagkaroon ako ng pagkakataon, babalikan kita rito para makipaglaro sa iyo,” Sabi ni Darryl habang agad na naglalakad palabas ng formation para makaalis sa isinumpang lugar na iyon.Hindi manlang alam ni Zhu Bajie kung nasaan ang lagusan palabas pero nagawa pa rin nitong yayain siya na maglaro ng Go na gumalit kay Darryl!Pero kalalabas labas lang ni Darryl sa ipinagbabawal na lugar nang makita niya ang nagpapatrolyang mga sundalo ng North Moana.
“Ano ang isang ito?” Nagtatakang tiningnan ni Darryl ang hawak na bote ni Zhu Bajie.Puno ang maliit na boteng iyon ng kulay puting pulbos. May kakayahan ang bagay na itong baguhin ang itsura ng isang tao?Ngumti si Zhu Baije at nagmamalaking tumingin kay Darryl. “Tinatawag ito bilang Transfiguration Powder. May kakayahan itong baguhin ang itsura ng isang tao, isa itong pambihirang kayamanan! Hindi ko sinasadyang makakuha ng dalawang bote nito. Ginamit ko ang isa nito para magpanggap na si Hou Yi at asarin ka. Kaya isang bote na lang ang natitira sa akin ngayon.”“Buwisit, mayroong ganito kahiwagang bagay sa mundong ito?”Nagulat si Darryl nang marinig niya iyon, “Isa nga talagang pambihirang kayamanan ang Transfiguration Powder na ito. Masyado itong epektibo pero nagawa mo itong sayangin nang ganoon ganoon na lang.”“Napakatagal ko nang nakakulong dito kaya wala na akong paggagamitan ng mga kayamanang iyan kahit na gaano pa iyan kaganda.” Sagot ng naguguluhang si Zhu Baije.Hind
“Kamahalan?”“Kamahalan…”Agad na naging magalang nang husto ang mga bantay nang makita nila si Emperor Hou Yi. Agad silang nagsiluhod sa lupa.Masyadong pulido ang naging disguise ni Darryl kaya agad na inisip ng mga bantay na siya talaga si Emperor Hou Yi.Nasabik dito nang husto si Darryl. Ginamit niya ang technique na kaniyang natutunan noon para gayahin ang boses ni Emperor Hou Yi—dito na niya pangkaraniwang sinagot ang mga ito ng, “Makakatayo na kayo.”Masyadong naging flawless ang panggagayang ginawa ni Darryl na umabot na punto na kung saan hindi siya nagawang pagdudahan ng mga bantay. Maingat na tumayo ang mga ito mula sa kanilang pagkakaluhod.“Hmm…” Natahimik din dito si Darryl, at pagkatpos ay agad niyang ikinaway ang kaniyang mga kamay at sinabing, “Hindi ko kayo kailangan ngayon dito, kaya makakaalis na kayong lahat. Sabihin niyo rin sa lahat ng bantay sa palasyo na umalis sa kanikanilang mga puwesto!”“Ano? Paalisin ang mga bantay sa kanilang mga puwesto?” Agad n
Pero hindi inasahan ni Darryl na ngingiti lang si Chang Er at magsasabi ng, “Pero kamahalan, kayo po ang madalas na magmasahe sa aking mga binti at magsalin sa akin ng tsaa. Kaya bakit niyo po gustong humingi ng masahe sa akin ngayon? Medyo kakaiba po ang kinikilos ninyo ngayon, Kamahalan…”“Uh…” Hindi na nakapagsalita pa rito si Darryl. Sino nga ba ang magaakala na ganoon pagsilbihan ni Emperor Hou Yi si Chang Er araw araw?Nakaramdam si Darryl ng awkwardness nang sabihin niyang, “Oh, nagkamali ako ng aking sasabihin. Tinatanong ko kung masakit na ba ang mga binti mo? Gusto mo bang bigyan kita ng isang masahe, mahal?”“Hindi po masakit ang mga binti ko ngayon, Kamahalan. Kaya hindi niyo na po ako kailangan pang imasahe.” Nakangiting sagot ni Chang Er. Dito na niya binago ang kanilang topic. “Kamahalan, mukhang nagmula sa World Universe ang naganap na pagyanig kanina. Sumisimbolo ang ganitong klase ng mga pagyanig sa pagpapakita ng isang Grand Weapon o libingan ng isang hindi mapap