Kabanata 1284
Samantala, sa Mt. Hua ng World Universe!

Makikita ang Mt. Hua sa northwest ng World Universe. Naging matarik at delikado ang mga bundok sa lugar na ito, pero hindi pa rin mapapantayan ang view sa paligid nito. Kilala na ito bilang pinakadelikadong mga bundok sa buong mundo mula noong unang panahon.

Makikitang nakatayo ang ilang mga sinaunang gusali sa tuktok ng Mt. Hua—ito ay walang iba kundi ang Mt. Hua Sect.

Ilang libong taon nang naririto ang Mount Hua Sect na nagcontribute nang husto sa kasaysayan ng Martial Arts sa World Universe. Sa loob ng ilang libong taon na nagdaan, nagawa ng Mt. Hua Sect na maglabas ng napakaraming malalakas at makapangyarihang mga disipulo!

Pero habang lumilipas ang panahon, unti unti ring lumiit ang kanilang sekta, agad ding nawala ang kanilang reputasyon sa mga kapwa nila cultivator.

Ang Sect Master ng Mt. Hua Sect ay si Old White Brows, na kasalukuyan nang nasa kaniyang 70s. Pero nananatili pa rin itong malakas at malusog! Isa na siya ngayong Level
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP