Kabanata 1292
Alam ni Sloan na hindi siya mananalo kung lalabanan niya nang magisa si Darryl. Pero kung makikipagsanib puwersa siya kay Laura, maaaring magkaroon pa siya ng pagkakataong manalo rito!

“Buwisit!” Tingin ni Darryl kay Sloan, at kay Laura bago siya ngumiti at sabihing, “Kahit na magsanib puwersa pa kayong dalawa, hinding hindi niyo pa rin ako mahuhuli. Mukhang nandito kayo ngayon para kunin ang kayamanan. Kung ganoon, bakit hindi na lang natin ito kunin nang magkakasama? Bakit pa natin ito kailangang pagawayan?”

Namroblema rito nang husto si Darryl. Kahit na hindi siya natatakot na magsanib puwersa sina Laura at Sloan. Hindi pa rin magiging madali para sa kaniya ang pakikipaglaban sa dalawang ito kung sakaling ituloy nga talaga nila ang pagatake sa kaniya.

“Huwag mo akong pinagloloko!”

Hindi na nagsalita ng kahit na ano si Sloan. Agad siyang sumigaw at umatake kay Darryl!

Kasabay ito ng paggalaw ni Laura habang sinisindihan ang Hell Flame sa kaniyang mga kamay. Dito na siya sumigaw
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP