“Hmm?”Hindi pa nakakalayo si Darryl nang magsimula siyang sumimangot.Naramdaman niya ang aura na puno ng intensyong pumatay hindi kalayuan sa kaniya. Agad na tumingin sa kaniyang paligid si Darryl at hindi nagtagal ay agad niyang nakita ang isang magandang imahe ng tao na papalapit sa kaniya. Lumipad ito sa gitna ng ere na parang isang napakagandang Diwata—siguradong matitigilan ang kahit na sinong makakakita rito!Siya ay walang iba kundi si Gonggong!Nakasuot si Gonggong ng isang mahaba at kulay team na dress na nagpakita sa maladiwatang hubog ng kaniyang katawan.Habang ang kaniyang mukha ay kasing lamig naman ng yelo! Wala nang ipinakita ang kaniyang mga mata maliban sa matinding hinanakit at galit!“Darryl Darby!”Dahan dahang lumapag si Gonggong sa harapan ni Darryl, tumitig siya rito at sinabing, “Sigurado akong hindi mo inaasahan ang mabilis nating pagkikita!”Hindi na niya maitago ang galit sa kaniyang puso nang sabihin niya ito.Ilang araw na ang nakalilipas mula n
Direktang napamura ang nagpupumiglas na si Darryl nang mailagay siya ni Gonggong sa dala nitong bag. Naramdaman niya rin n amalakas ang spiritual power na tinatanglay ng bag na ito na pumigil sa spiritual power ng kaniyang katawan. Kaya hindi niya ito magawang gamitan ng kahit anong lakas!“Pakawalan mo na ako, Gonggong!” Malakas na sigaw ni Darryl habang sinusubukang punitin ang Heaven and Earth Bag. “Tama na! Pinapahirapan ko lang ang sarili ko!” Maluhaluha na si Darryl nang marealize niyang hindi na siya makakatakas sa bag na ito!“Manahimik ka lang diyan!” Nakangiting sinabi ni Gonggong. Agad niyang kinuha ang bag at lumukso paharap bago lumipad papunta sa malayong lugar!Hindi nagawang makita ni Darry ang sitwasyon sa labas pero naramdaman niya ang paglipad ni Gonggong kasama ang bag.“Saan baa ko dadalhin ng babaeng ito? Hindi niya ako pinatay kaya siguradong gagawin nito ang lahat para itorture ako!” Nagpapanic na inisip ni Darryl.Pagkatapos ng napakahabang panahon, mala
Humakbang paharap si Gonggong at buong galang na sumagot ng, “Si Darryl Darby ang taong ito, Emperor Hou Yi. Marami po siyang alam pagdating sa mga formation. Alam ko po na gusto niyo pong kumuha ng mga henyong cultivator, Kamahalan. Kaya dinala ko po siya rito para dumagdag sa mga hawak ninyong henyo na inyo rin pong mapapakinabangan!”“Ano? Si Emperor Hou Yi?”Nanginig dito si Darryl. Naguguluhan niyang tiningnan ang Emperor ng North Moana habang nabablangko ang kaniyang isip!Tinawag ni Gonggong ang Emperor ng North Moana na Emperor Hou Yi? Hindi ba ito ang kilalang si Hou Yi?”Kung si Hou Yi ang Emperor ng North Moana, ang Empress naman na nakaupo sa kaniyang tabi ay si Chang Er?Ayon sa mga alamat, si Chang Er ang diyosang asawa ng kilalang si Hou Yi.Nang makita niya ito sa personal, inisip ni Darryl na mayroon itong hindi mapapantayang kagandahan!Kasabay nito ang pagingay ng main hall nang dahil sa nagsisimulang diskusyon ng mga tao sa loob nito!“Masyado pang bata ang
“Kung ganoon, nagmula ka pala sa World Universe kaya hindi mo magagawang manatili rito para maglingkod sa akin, tama?” Tumingin si Emperor Hou Yi kay Darryl at tumawa. Dito na niya pangkaraniwang sinabi na, “Magaling. Hindi kita pipilitin ngayong sinabi mo nang ayaw mo. At nagmula ka rin sa isa sa mga kontinente kaya gagawin ko ang aking parte na maging isang magandang host sa iyong pagdating. Bakit hindi ka muna manatili rito sa palasyo ng ilang araw? Makakaalis ka naman agad pagkatapos nito!”Nang sabihin niya iyon, nagpakita ng ngiti si Emperor Hou Yi sa kaniyang mukha habang nakakaramdam ng matinding galit ang kaniyang puso.Bilang pinakamakapangyarihang pinuno ng North Moana, sino ang may kakayahang bumali sa kaniyang mga utos? Sa kasamaang palad ay hindi alam ni Darryl kung paanong umasal ng tama sa harapan nito kaya paano niya itong mapapalampas nang ganoon kabilis?Nagdesisyon si Emperor Hou Yi na gumawa ng dahilan para manatili sa lugar na ito si Darryl habang naghahanap ng
Agad na nanlamig nang husto ang maganda niyang mukha nang sabihin niya iyon. Siya ang tinitingala at makapangyarihang Lady Chang Er—kaya nararapat lang na irespeto siya ng lahat! Pero nagawa pa rin siyang bastusin ng lalaking ito. Kaya hindi pa rin sasapat para sa kaniya ang pagkamatay ni Darryl kahit na umabot pa ito sa isang milyong beses!“Magaling!” Hindi manlang nagisip sa kaniyang mga narinig si Emperor Hou Yi, agad siyang tumango at pumayag sa hiling ng kaniyang asawa.Mahal na mahal ni Hou Yi si Chang Er—kaya palagi niya itong pinakikinggan!“Ikaw si Darryl Darby, hindi ba?” Sa mga sandaling iyon, muling ibinuka ni Chang Er ang kaniyang bibig. Nang walang kahit na anong expresyon sa kaniyang mukha, sinabi niya na, “Bibigyan kita ng isa pang pagkakataon. Papatawarin ko ang ginawa mong pambabastos sa sadaling lumuhod ka at yumuko sa aking harapan.”Tumawa rito si Darryl at sumagot ng. “Pasensya na. Dalawang tao lang ang luluhuran ko kahit na ano pa ang mangyari, sila ay ang a
Agad na naubos ang pasensya ni Chang Er nang makita niya ang determinadong mukha ni Darryl. Dito na niya sinabi sa mga bantay na, “Ikulong niyo siya! Patayin niyo siya bukas nang umaga!”Agad na dinala at kinaladkad ng mga bantay si Darryl palabas ng main hall.Gustong magpumiglas ni Darryl pero kasalukuyang nakaselyo ang kaniyang mga acupoint. Hindi niya magawang gumalaw kahit gaano niya pa pilitin.Pagkalipas ng kalahating oras, dinala ng mga bantay si Darryl sa isang madilim at basang selda. Agad ding ikinadena ang kaniyang mga kamay at paa.Tumingin siya sa kaniyang paligid—kung saan niya nakita ang mga pader sa tatlong sulok ng selda habang ang ikaapat na sulok naman ay nabalot ng rehas na gawa sa bakal. Halos mawala na sa kaniyang sarili si Darryl sa mga sandaling ito.“Hindi, hindi. Kinakailangan kong makatakas!” Kumabog nang malakas ang puso ni Darryl. Naglakad siya papunta sa isang sulok ng kaniyang selda, umupo at umupo sa sahig para pakalmahin ang kaniyang sarili.Mara
Hindi naman nagalala si Darryl sa kalagayan ngayon ni Pang Tong dahil kahit mahuli pa ito ng mga bantay, puwede pa rin namang gamitin ni Darryl ang pagoda para pabalikin ito.Mayroong isang dosenang kilometrong range ang pagoda. Kaya mapapabalik at mapapabalik siya ni Darryl hangga’t hindi siya lumalayo nang husto sa pagoda!Pero agad na naguluhan si Darryl nang malakabas siya sa kuluwangn!“Buwisit! Masyadong malaki ang lugar na ito!”Napansin ni Darryl na mayroong mga daanan sa kaniyang paligid na papunta sa iba’t ibang mga naglalakihang gusali ng palasyo na para bang isang napakalaking maze na pinagpapatrolyahan ng ilang mga bantay! Makikita rin ang daan daang mga dambuhalang ibon sa kalangitan na sinasakyan ng ilang mga bantay na para bang nagpapatrolya sa kalangitan ng North Moana.Kilala ang mga higanteng ibon na ito sa tawag na Iron King Doves. Kabilang ang mga ito sa mababang level ng mga lumilipad na mahiwagang halimaw. Kaya natural lang na maging domesticated ang mga ito
May kaguwapuhan ang nakaputing lalaki na ito. Pinagpala, charming, elegante—ito ang mga salitang nababagay na maglarawan sa kaniya!Tiningnan ni Darryl ang lalaking ito nang may pagaalinlangan sa kaniyang sarili.Nasa loob sila ng isang pinagbabawal na bahagi ng North Moana Palace. Sino siya? Bakit siya nandito?Hindi na mapigilan ni Darryl ang curiousity na kaniyang nararamdaman kaya agad siyang naglakad palapit sa lalaking nakaputi.Nang makalapit siya rito, hindi alam ni Darryl kung matatawa ba siya o maiiyak—kasalukuyang naglalaro ng Go ang lalaking ito nang walang kahit na sinong kalaban. Naglaro siya nito nang magisa!Kahit na nagawa niyang maglaro ng Go nang magisa, mukhang masaya at kuntento naman ang lalaking ito sa kaniyang buhay.Sa mga sandaling iyon, ngumiti ang nakaputong lalaki habang nilalagay ang kulay puting bato ng Go sa board. Tumawa ito at bumulong sa kaniyang sarili ng, “Isa itong ultimate move. Matatalo na rin kita sa round na ito!”Wala namang kahit na si