Matapos pumasok sa palasyo, natigilan si Darryl. Ang laki ng palasyong ito.Nakita niya ang hindi mabilang na mga hall sa gitna ng mga hardin na may kubo at hindi mabilang na mga corridor. Para itong malaking maze.Ilang minuto palang naglalakad si Darryl nang makaramdam siya nang pagkahilo. Naglilibot ang mga guard pati na rin ang mga katulong. Sinubukan iwasan ni Darryl ang mga ito.Muntik na maiyak si Darryl, nag-iisip siya, ‘Paano ko mahahanap si Quincy sa ganito kalaking lugar?’Habang nag-aalala siya. Patuloy na naghanap si Darryl. Nakarinig siya ng nagch-cheer galing sa isang kwarto na nadaanan niya.“Dali, ilagay niyo na ang taya niyo. Malaki o maliit. Wag kayong mag alinlangan.”“Malaki sakin!”“Maliit sakin!” sabi nila.Nang marinig niya ito, naglakad si Darryl papunta sa kwarto para mas makita niya ang nangyayari. Nakita niya ang isang grupo ng mga guard na nagtitipon at masayang nagsusugal.Kumunot ang noo ni Darryl. Halata naman na ang lugar na ito ay kung saan na
‘Forever Green Palace? Nandito kaya si Quincy?’ sa isip ni Darryl. Hindi niya mapigilang hindi magpadalos-dalos at naglakad nang tahimik nang hindi nagdadalawang isip.Noong pumasok siya, ang unang bagay na lumitaw sa harapan ng mga mata niya ay isang malaking hardin. Ang hardin ay kakaiba at maganda. Sa likod nito ay isang magarang kwarto.Isang dosenang guard ang nakaluhod sa hardin. Lahat sila ay mukhang nag-aalala habang nakaluhod at pawis na pawis ang noo. Wala ni isa sakanila ang nagtatangkang huminga. Halata naman na pinaparusahan sila.Isang babae na nakasuot ng bistida ang nakaupo sa upuan sa harapan ng mga guard, ang isang binti niya ay nakapatong sa kabilang binti. Ang babaeng ito ay mga nasa 20 na edad, ang mukha niya ay sobrang ganda at may eleganteng aura.Habang patagong nag oobserba si Darryl, nakita niya ang ang babae na nilabas ang isang leather na sinturon. Ang mayabang nitongg mukha ay nakatingin sa mga guard.“Hindi masaya ang prinsesa niyo ngayong araw. Inuut
“Hoy, lalaki! Hindi ka magsusulat para sambahin ang kagandahan ko?” inangat ni Prinsesa Evergreen ang kanyang kamay at hinampas ang leather belt sa katawan ni Darryl habang nagsasalita siya.Slap!Isang malakas na tunog mula sa belt ang narinig at isang kulay dugo na marka ang biglang nakita sa balikat ni Darryl.Hindi niya mapigilan huminga nang malalim. Nagalit siya.‘Dumaan lang ako. Kailan ko siya nasaktan?’Sa sandaling ‘yon, parang sasabog na ang galit ni Darryl pero pinigilan niya ito.‘Hindi ko pa nahahanap si Quincy at hindi ko pa rin nakukuha ang Dragon Essence. Kapag gumanti siya sa Prinsesa, siguradong mapapansin siya ng mga guard. Sa parehong oras, ang plano ko na maghanap sa palasyo ay maaapektuhan din.’ Sa isip niya.Sa sandaling ‘yon, napansin ni Prinsesa Evergreen ang titig ni Darryl. Naging malamig ang ekspresyon ng mukha ni Prinsesa Evergreen bago niya pagalitan si Darryl, “Bakit mo ako tinititigan!”Inangat niya muli ang kanyang leather belt. Napansin niya a
Nakaupo si Prinsesa Evergreen sa upuan at tinitigan nang mayabang si Darryl. “Hindi mo ko kailangang pasiyahin, alam mo ba ‘yon? Mas maraming kapalit kapag nagalit ako.”‘Pasiyahin ka?’Nang marinig niya ‘yon, natigilan si Darryl. Gusto niyang umiyak.‘Sa tingin niya ba kaya kong mag acrobatics?’Noong naisip ‘yon ni Darryl, ngumiti siya. Tiningnan niya si Prinsesa Evergreen at ngumiti, “Kamahalan, paano kita mapapasaya?”Nang makita niya ang pag-aalala sa mukha ni Darryl, natuwa si Prinsesa Evergreen. Tumayo siya sa upuan at nakangiting sinabi, “Gawin natin ‘to. Maglaro tayo. Ikaw ang magiging war stallion ko!” tinuro niya ang sahig. “Lumuhod ka. Sasakyan kita.”‘Ano? Gusto niyang lumuhod ako at maging kabayo na sasakyan mo?’ naisip ni Darryl. Makikita mo sa mukha niya ang pangangamba.Malapit nang mapuno ang galit ni Darryl. Gusto na lang niyang tumakbo at umalis. Kapag umalis siya, walang makapipigil sakanya pero kapag nagpakita siya, mas mahihirapan siyang pumasok ulit sa pa
Namumula na ang mga mata ni Darryl. Hindi na niya kinaya ang kahihiyan na natamo niya kanina.“Anong karapatan mong hampasin ako? Pupugutin ko ‘yang ulo mo!” galit na sumigaw si Prinsesa Evergreen habang nahihirapan siya.Pero, ang kapangyarihan ni Darryl bilang isang Martial Emperor. Walang saysay ang paghihirap ng Prinsesa.Nang marinig niya ang mga sinabi nito, mas lalong nagalit si Darryl. “Hindi ba gusto mong sinasaktan ang mga tao? Gagawin ko ngayon sa’yo!”Habang sumisigaw si Darryl, hinampas niya pa nang ilang beses ito. Hindi na siya nagsayang nang oras, tinapon niya ang leather belt sa sahig at tinuro si Prinsesa Evergreen, “Tigilan mo na ang pananakit sa hinaharap. Ilang mga tao na ang nasaktan mo?”Sinipa niya ang Prinsesa at tumalikod para umalis, hindi na niya pinansin ito.Sa isang iglap, hinawakan ng Prinsesa ang binti ni Darryl. Pinatong niya ang ulo niya sa binti nito, sabi niya, “Anong ginagawa mo? Aalis ka matapos mo kong saktan? Saktan mo pa ko.”‘Ano?! Gust
Ugh! Umiikot na ang ulo ni Darryl. Ngumiti si Prinsesa Evergreen at nagtanong, “Mahal kong kapatid, anong pangalan mo?”“Bakit kailangan mong malaman? Oo nga pala, may tanong ako para sa’yo!” sagot ni Darryl.“Sige, ano ‘yon?” tumango ang Prinsesa nang hindi nag-iisip. Nakaramdam siya nang kakaibang saya kay Darryl. Sinunod niya ito nang walang pag aalinlangan.“Mayroon dito sa palasyo na nagngangalang Quincy. Sino siya?” mabagal na tanong ni Darryl.Noong sinabi niya ‘yon, tiningnan niyang mabuti ang magiging reaksyon ng Prinsesa.“Quincy?” tanong niya. “Tita ko siya.”‘Ano? Tita niya si Quincy?’ sa isip ni Darryl.Sa wakas ay napagtanto na ito ni Darryl. Kung tama ang hula niya, siya ang anak ng Emperor at si Quincy naman ang mas batang kapatid ng Emperor.Dahan-dahang hinihimas ng Prinsesa ang mga paa ni Darryl at sinabing, “Mahal kong kapatid, masyadong makapangyarihan ang tita ko. Lahat ng ministers ay takot sakanya.”Noong narinig ito ni Darryl, tumawa siya.‘Pinuputol
Matapos niyang gugulin ang kalahating oras kasama ang Prinsesa, pagod na pagod ang Prinsesa at nakatulog siya sa sahig.Pagod na pagod din si Darryl, kaya naman pumikit muna siya sandali.Ilang araw niya rin sinusundan ang paglalakbay ni Quincy galing sa World Universe at hindi pa niya naipipikit ang kanyang mata nang dalawang araw. Pagod na pagod na ito.Matapos matulog nang isang oras, binuksan ni Darryl ang kanyang mga mata at nakita niyang mahimbing ang tulog ng Prinsesa kaya naman tahimik siyang tumayo.Kinuha na niya ang oportunidad na ito para hindi siya istorbohin, aalis na siya para hanapin ang kwarto ni Quincy. Naexcite siya habang paalis sa lugar.“Inaanunsyo ko ang pagdating ng Kamahalan.” Sa sandaling ‘yon, biglang may malakas na boses ang narinig kasunod ‘non ang ilang hakbang mula sa labas.‘Narito ang Emperor?’ natigilan si Darryl sa sandaling ‘yon at biglang nataranta.Bago niya maipon ang kanyang nasa isip, nakita niya ang isang babae na nakasuot ng dragon robe
Sa kritikal na sandaling ‘yon, agad na tumakbo ang Prinsesa sa harapan ni Darryl. “Siya ang pinakamalapit sakin na guard. Ako ang nagpumilit sakanya na makipaglaro sakin. Ma, nagmamakaawa ako. Patawarin mo siya.”Sa sandaling ‘yon, punong puno nang pag-aalala at pagmamakaawa ang mga mata ni Prinsesa Evergreen.Hindi madali para sakanya na makahanap ng espesyal na tagapagsilbi. Bakit niya hahayaan itong mamatay?Sa parehong oras, mabilis na lumuhod si Darryl at nagpakita nang takot sakanyang mukha. Ayaw niyang lumuhod pero wala siyang ibang nagawa.Kailangan niyang magpakumbaba para manatili sa palasyo at mag imbestiga kung nasaan si Quincy at ang Dragon Essence.Huminga nang malalim ang Empress at tiningnan nang masama si Darryl, “Hahayaan kitang mabuhay ngayong araw. Umalis ka na.”Si Prinsesa Evergreen ang pinakabatang anak ng Empress. Siya ang paborito kaya naman nabawasan ang galit sa puso ng Empress nang makita niyang nagmamakaawa ang Prinsesa para kay Darryl.Nang pinatawa