Sa kritikal na sandaling ‘yon, agad na tumakbo ang Prinsesa sa harapan ni Darryl. “Siya ang pinakamalapit sakin na guard. Ako ang nagpumilit sakanya na makipaglaro sakin. Ma, nagmamakaawa ako. Patawarin mo siya.”Sa sandaling ‘yon, punong puno nang pag-aalala at pagmamakaawa ang mga mata ni Prinsesa Evergreen.Hindi madali para sakanya na makahanap ng espesyal na tagapagsilbi. Bakit niya hahayaan itong mamatay?Sa parehong oras, mabilis na lumuhod si Darryl at nagpakita nang takot sakanyang mukha. Ayaw niyang lumuhod pero wala siyang ibang nagawa.Kailangan niyang magpakumbaba para manatili sa palasyo at mag imbestiga kung nasaan si Quincy at ang Dragon Essence.Huminga nang malalim ang Empress at tiningnan nang masama si Darryl, “Hahayaan kitang mabuhay ngayong araw. Umalis ka na.”Si Prinsesa Evergreen ang pinakabatang anak ng Empress. Siya ang paborito kaya naman nabawasan ang galit sa puso ng Empress nang makita niyang nagmamakaawa ang Prinsesa para kay Darryl.Nang pinatawa
“Kapatid, wag ka munang umalis. Makipaglaro ka muna sakin kahit saglit lang.” hawak ni Prinsesa ang braso ni Darryl at mahinahong sinasabi, “Kapatid, anong parte ng palasyo ang pinagsisilbihan mo?”Sa palasyo, maraming grupo ang nagsisilbi rito. Ang iba sakanila ay sa kusina nagtatrabaho, ang iba naman sakanila ay sa study room at ang iba ay pinagsisilbihan ang Empress at ang Prinsesa. “Ako…” kinamot ni Darryl ang kanyang ulo at sinabing, “Kakarating ko palang dito sa palasyo. Wala pa silang binibigay sakin na lugar para…”Habang nagsasalita siya, inobserbahan ni Darryl ang reaksyon ng Prinsesa. Masyadong halata ang dahilan niya. Magsususpetya kaya ang Prinsesa?Bago pa siya matapos, sumingit na ang Prinsesa at pumalakpak, “Totoo ba ‘yan? Edi mas maganda. Sa kasong ‘yan, sundan mo ko.”‘Ugh! Ako?! Magiging tagasilbi niya?!’ hindi alam ni Darryl kung tatawa siya o iiyak. Pumayag nalang siya kahit labag sa kalooban niya.Sa susunod na oras, gulong-gulo na si Darryl at ginugugol ni
Natakot si Darryl, akala niya ay mahuhulog ang kanyang puso. Muntik na siyang patayin ng Empress dahil nakipaglaro siya sa Prinsesa kanina. Ngayon na pumasok siya sa kwarto ng Empress, siguradong mamamatay siya kapag nakita siya.‘Sa kabutihang-palad, kaming dalawa lang ng Empress ang nandito at lasing siya. Kapag lumabas ako nang patago, hindi naman niya mapapansin.’ Sa isip ni Darryl.Aalis na sana si Darryl nang makita niya ang Empress na nakatayo at pagewang-gewang na namumula ang mukhang lasing. Naglalakad siya nang mabagal papunta sa painting.‘Napansin niya kaya ako?’ naisip ni Darryl.Ang lakas nang tibok ng puso ni Darryl. Kinakabahan siya.“Mahal.”Nakita niya ang mata ng Empress na nakatingin sa painting habang ito ay nagsasalita. “Alam mo bang kaarawan mo ngayon? Hindi ako makatulog sa araw na ‘to. Ikaw ang laman ng isip ko. Kahit na ilang buwan ka palang wala, parang taon na ang lumipas. Miss na miss na kita.”Ang painting ay isang larawan ng matandang lalaki, nak
Nakahinga nang malalim si Darryl. Mukhang sa sobrang lasing ng Empress ay hindi niya napansin na hindi ang Emperor ang nakita niya.Napalunok si Darryl nang yakapin siya ng Empress.‘Hindi, hindi tama ‘to. Masasangkot ako sa gulo kapag nawala na ang tama ng Empress at mapagtanto ang katotohanan.’ Sa isip ni Darryl habang naghihirap siyang pumiglas sa yakap ng Empress para makaalis na siya.Mas humigpit ang yakap ng Empress sa bewang ni Darryl. Wala nang paraan para makaalis siya. Pwedeng paganahin ni Darryl ang kanyang internal energy para makatakas sa yakap ng Empress pero hindi nalang niya ito ginawa.“Mahal ko, bakit hindi ka nagsasalita?” nagsalita na ang Empress habang nakabaon ang mukha niya sa dibdib ni Darryl. “Ang tagal mong nawala. Hindi mo ba ako namimiss? Wala ka bang sasabihin sakin?”Ang pwede lang gawin ni Darryl ay umubo at nanlalamig ang kanyang mga pawis nang marinig niya ang mga sinabi ng Empress. Hindi na niya alam ang kanyang gagawin.Napalunok siya at sinubu
‘Ugh! Nandito rin si Quincy!’ sa isip ni Darryl.Tahimik na nakatayo si Quincy sa gilid ng Empress, nakasuot ng mahabang kulay lila at ginto na bistida. Ang ganda niya, nakakaakit at mayroon siyang aura nang pagiging warrior.Magkatabi ang Empress at si Quincy at pareho silang kapansin pansin. Ang itsura nila at ang kanilang katawan ay perpekto.Pareho silang mga Dyosa pero ang enerhiya na pinapakita nila ay magkaiba.Sa sandaling ‘yon, nataranta si Darryl. Hindi na siya tumingin pa at tumayo sa likod ni Prinsesa Evergreen nang nakayuko.Sa sandaling nakita ni Darryl si Quincy, gusto niya na itong atakihin. Pero pinigilan niya ang sarili niya.Hindi niya kayang tapatan ang kapangyarihan ni Quincy noong naglaban sila noon.‘kapag umatake ako nang maraming tao sa main hall, para ko na ring gustong patayin ang sarili ko.’ Sa isip niya.Malinaw na nakikita ni Darryl na ang mga Minister na nasa harapan niya ay mga malakas na naglilinang din. Ang pinaka mahina sa mga Minister ay ang
“Kamahalan!” isang lalaki ang mabilis na naglakad at lumuhod. “Kamahalan, naghihintay na ang diplomat ng Westrington sa labas ng main hall. Papapasukin ko na ba siya sa loob?”Tumango ang Empress at sinabing, “Papasukin mo na siya.”Habang nagsasalita siya, lahat ng Minister ay nag-uusap pa rin. Lahat sila ay nakatingin sa entrance ng main hall.Pinamunuan ng lalaki ang isang matandang lalaki papasok sa loob ng main hall.Ang matandang lalaki ay mga nasa 30 na edad, nakasuot ng mahabang kulay puti na gown at mukhang wais. Ito ay si Yoel Walford, ang diplomat na pinadala ng Westrington Emperor.Planong sakupin ng Westrington ang South Cloud World. Pero, ang kaalaman nila tungkol sa South Cloud ay hindi sapat. Kaya’t dito, pinadala ng Westrington Emperor si Yoel para alamin ang tungkol sa kakayahan ng South Cloud World.Sa ibabaw nang lahat nito, pinaalala rin ng Westrington Emperor kay Yoel na turuan ng leksyon ang Empress at ang Minister pagdating niya sa South Cloud Palace.Noo
Walang sigurado kung sinong nagsabi ‘non dahil ang lahat ay nakapokus sa jade.Lahat sila ay alam na kilala ang Westrington para sa paggawa ng mga jade. Ang jade na nasa kamay ni. Yoel ay purong kulay puti at makinis, ang pinakamagandang kayamanan sa lahat nang oras.“Isang kakaibang piraso ng jade ito! Maganda sana kapag nilagyan pa ng tali at gawin itong kwintas.”“Oo nga, Kamahalan napakagandan mo. Kapag itong jade na ‘to ay ginawang pendant para sakanya, saktong sakto ito para sakanyang ganda!”Ngumiti ang Empress, naririnig niya ang mga sinasabi ng mga Minister. Kahit na siya ay isang royalty at ang namumuno sa kontinente, kilala rin siyang isang babae na gustong gusto ang pagiging maganda. Natuwa ang Empress sa mga sinabi ng Minister.Sa sandaling ‘yon, nakangiti si Yoel habang naglalakad paharap at inangat ang jade sakanyang kamay at sinabing, “Kamahalan! Ang jade na ito ay tinatawag na Nine Curves Jade. Ito ay isang kayamanan na hinahangad ng mga tao sa Westrington! Tatlon
Huminga nang malalim si Yoel at tiningnan ang Empress, nagpapanggap para kaawaan. “Kamahalan, bago ako dumating, akala ko maraming magaling at matalinong tao sa South Cloud World. Akala ko mayroon nang makakapaglagay ng sinulid sab utas. Kamahalan, wag ka sanang magalit pero hindi ‘to gawain para sa mga ordinaryong tao.”Halata naman kung ano ang pinapahiwatig ni Yoel.“Kahit na mukhang marunong at maalam ang mga tao sa South Cloud World, sila naman ay malakas pero walang utak. Wala ni isa sainyo ang totoong magaling!”Noong narinig ito ng Empress, nagdilim ang kanyang paningin. Pero, nanatili siyang maayos dahil sa posisyon niya bilang Empress.Si Fletcher at ang iba pang mga Minister ay nagalit.Subalit, totoo naman na wala ni isa sakanila ang makapagpasok ng sinulid. Lahat sila ay tinititigan lamang si Yoel habang galit at nananahimik.Tahimik na tiningnan ni Darryl ang jade, kumunot ang kanyang noo.‘Kamangha-mangha naman ‘yan. Paano ba ‘yan malulutasan?’ sa isip niya.Mara