Sa mga sandaling iyon, tumayo lang doon si Ian at nagugulat na tiningnan si Monica. Bumalik lang siya sa realidad, ilang minuto matapos tanggalin ang suot niyang coat.Napuno ng guto at takot ang kaniyang mukha habang bumubulong ng, “Mistress, masyado kang mabait sa aming mga tagapaglingkod dito. Para kang isang diwata sa langit kaya paano kita magagawang bastusin? Pero hindi ko rin magagawang suwayin ang mga utos ni Lady Denise kaya aalisin ko na lang ang aking mga damit at magkukunwaring natulog tayo nang magkatabi. Ipinapangako ko po sa inyo na uupo po ako sa inyong tabi nang hindi kayo hinahawakan.”Umupo si Ian sa upuan na nasa entrance ng kuwarto matapos hubarin ang kaniyang coat at itinigil ang ginagawa niyang paggalaw sa kaniyang puwesto. Sa kaniyang sarili, hinihiling lang niya na lumipas sana nang mabilis ang napakahabang gabi na ito.Nakikita niya na gustong iframe up ni Lady Denise si Monica. Pero isa lang siyang tagasunod kaya wala siyang magawa na kahit ano kundi sumun
Hindi nagtagal ay naglakad na rin si Alisha palabas ng kaniyang opisina gamit ang suot niyang high heels para sa susunod niyang klase na nagiwan sa magisang si Darryl sa loob ng napakalaki niyang opisina.Nagvibrate ang cellphone ni Darryl nang makaalis si Alisha.Walang kahit na sinong nasa loob ng opisina noong mga panahong iyon. Pangkaraniwang umupo si Darryl sa upuan ni Alisha bago kunin ang kaniyang cellphone. Ipinakita nito ang isang message mula kay Felix Blakely na naglalaman ng importanteng impormasyon tungkol sa ancestral hall ng pamilya Box na sinamahan ng orihinal nitong blueprint.“Haha! Hinding hindi talaga ako binibigo ni Felix.” Tumingin si Darryl sa blueprint at natuwa sa kaniyang nakita. Madali siyang makakapagikot sa ancestral hall ng pamilya Box gamit ang blue print na ito at mahanap ang Dragon Essence!Dito na nasabik nang husto si Darryl. Pero nang makita ni Darryl ang textbook ng history na nasa kaniyang harapan, agad na bumagsak ang kaniyang istura.“Buwisi
Sa loob ng isang iglap, agad na pinabagsak at tinalian ng ilang mga bantay si Ian sa sahig.“Ano? Natulog ako kasama ni Ian?” Napahiya at nagalit nang husto rito si Monica. Tumingin siya kay Denise at sinabing, “Huwag na huwag mo akong sisiraan gamit ang mga mapanakit na salita mong iyan, Lady Denise. Ang nangyari sa amin kay Ian sa loob ng kuwartong ito ay hindi gaya ng mga sinabi mo at kagigising gising ko lang din ngayon.”“Ako pa ang nangira? At nagsalita nang masakit?” Singhal ni Denise. Tumingin siya sa walang pangitaas na si Ian at sinabing, “Nahuli kita sa aktong kasama ang lalaking ito na wala nang halos suot na damit. Kaya paano mo nagawang depensahan pa ang iyong sarili, hayop ka!”Dito na sumigaw si Denise kay Ian ng, “Sabihin mo sa amin Ian. Ano ang nangyari sa inyo ng hayop na ito kagabi?”Gasp! Dito na napatingin ang lahat lalo na ang mga bantay ng Guang Ping Palace kay Ian. Sa mga sandaling iyon, napuno ang kanilang mga mata ng intensyong pumatay. Paano nagawa ng
“Ano ang sinusubukan mong gawin?” Natakot at nagalit si Monica habang tinitingnan ang paglapit ng may hawak na latigong si April.Dito na nagsalita ang may nagngangalit na mukhang si April, “Naging maganda ang trato sa iyo ni Lord Kenny Bred. Ang lakas ng loob mong gumawa ng mga ganiyang klase ng bagay! Mabuti na lang at agad itong nalaman ni Lady Denise dahil kung hindi, hindi na namin maisip pa ang mga susunod mong gagawin!” Whip!Habang nagsasalita, walang awa na nilatigo ni April si Monica. Kahit na walang tinik ang latigong ito, ibinabad naman nila ito sa maalat na tubig. Agad na bumuka ang mga parte ng laman ni Monica na tinatamaan ng latigo na siya ring pinanggalingan ng sariwa niyang dugo na kumalat sa mahaba niyang dress!Mas pinahapdi pa ng maalat na tubig ang kaniyang mga sugat na kaniyang tinamo na nakapagpasigaw kay Monica sa sobrang sakit habang nanginginig nang husto ang kaniyang katawan.Pagkatapos ng isang sandali, tumingin si Monica kay Ian at sumigaw ng, “Bakit
Noong mga sandaling iyon, kumaway si Denise sa mga maid na nagbigay ng hudyat sa mga itong dalhin ang anak ni Monica sa kaniya.Pagkatapos ng isang sandali, ngumiti si Denise kay Ambrose habang sinasabi na, “Magpakabait ka, Ambrose. May ginawang mali ang ina mo matapos niyang sumama sa ibang lalaki. Tinuturuan ko lang siya ng leksyon. Kaya huwag ka nang gumawa ng gulo ok?”Makikita ang kaunting pagkademonyo sa ginawang ngiti ni Denise habang sinasabi ang mga bagay na ito.Para kay Denise, isa lang anak sa labas si Ambrose. Pero kinakailangan pa ring magkunwari ni Denise sa harap ng napakaraming mga tauhan sa palasyo.“Hinding hindi gagawa ng mga mali ang mama ko.” Turo ni Ambrose habang galit na sinasabing, “Hinding hindi siya sasama sa ibang lalaki! Ikaw ang masamang tao! Ang masamang tao…”Gasp!Agad na nagdilim ang mukha ni Denise nang marinig niya ang mga salitang ito kaya nanggigigil na sumagot ng. “Hayop ka. Anong sinabi mo sa akin?”Slap!Wala nang pakialam sa kahit na s
“Ma… Tama na, mga salbahe…” Namaos ang boses ni Ambrose sa kakaiyak matapos makita ang eksenang ito.Nainis naman sa pagiyak na ginagawa ni Ambrose si Denise kaya sinenyasan na nito ang mga maid na alisin sa lugar na ito ang anak ni Monica.“Nawalan na po ng malay ang hayop na ito, Lady Denise. Ano na po ang gagawin natin?” Naglakad si April papunta kay Denise at maingat na nagtanong ng kanilang susunod na gagawin dito.“Woo!” Huminga nang malalim si Denise habang nakatingin sa walang malay na si Monica bago galit na sabihing, “Kailangan mo pa bang itanong iyan sa akin? Ilagay niyo ang kaniyang handprint sa sulat at pagkatapos ay ikulong niyo na siya. Ipaparada natin siya sa harap ng publiko sa loob ng tatlong araw.”Hinai maipaliwanag ang galit na nararamdaman ni Denise nang sabihin niya ito. “Pinahirapan ako nang husto ng hayop na ito!”“Opo!” Agad na sumagot si April habang naglalakad papunta kay Monica. Kinuha niya ang kamay ni Monica na puno ng sariwang dugo at idiniin ito sa
Tinulak pabukas sa mga sandaling ito ang pinto papasok sa opisina bago dahan dahang maglakad si Alisha Walls na nakasuot ng business outfit.“Nangangalahati ka pa lang?” Bahagya siyang yumuko sa harapan ni Darryl at sumimangot bago ikaway ang kaniyang kamay at sabihing, “Sige na, umuwi ka na sa inyo. Bukas mo na lang ituloy ang pagkopya.”Alam niyang hindi matatapos ni Darryl sa araw na ito ang pagkopya sa textbook. Masyado itong makapal kaya ginawa niya lang ito para magtanda si Darryl at magsumikap sa kaniyang pagaaral sa susunod.“Woo…” Patagong nakahinga nang maluwag si Darryl bago ngumiti at tumatangong sabihin na, “Maraming salamat, Miss Alisha.”Dito na siya tumalikod nang mabilis at umalis ng opisina. Tapos na ang klase sa mga sandaling ito kaya siguradong nakauwi na ang magkapatid na Box. Mabilis na naglakad si Darryl papunta sa entrance ng school. Ang pinakaimportanteng bagay para sa kaniya ay ang pagpunta sa ancestral hall ng pamilya para makita kung makukuha ba niya tal
Ang Ate Serendipity na nabanggit ni Alisha ay walang iba kundi si Abbess Mother Serendipity!Noong una ay mahilig magsuot si Abbess Mother Serendipity ng mahabang robe o mahabang dress sa World Universe. Ito ang unang beses na makita siya ni Darryl na nakasuot ng masikip na pantalon. Masyadong naging kaakit akit ang kaniyang katawan!Ilang taon na siyang hindi nakikita ni Darryl at mas naging attractive na rin ito ngayon. Pero hindi inasahan ni Darryl na makikita niya ito rito!Dito na sumakay si Abbess Mother Serendipity sa sasakyan at agad na nanginig sa kaniyang nakita!“D-Darryl Darby?”Nagngitngit ang mga ngipin ni Abbess Mother Serendipity. Dito na nabalot ng kakaibang hangin ang loob ng sasakyan!Natigilan din si Alisha matapos makita ang naging reaksyon ng mga ito. Tumingin siya kay Abbess Mother Serendipity bago tumingin kay Darryl at magtanong ng. “Ki-kilala ninyo ang isa’t isa?”“Hindi lang iyon!” Nanlalamig na tango ni Abbess Mother Serendipity sa naging tanong ni A