Sa loob ng isang iglap, agad na pinabagsak at tinalian ng ilang mga bantay si Ian sa sahig.“Ano? Natulog ako kasama ni Ian?” Napahiya at nagalit nang husto rito si Monica. Tumingin siya kay Denise at sinabing, “Huwag na huwag mo akong sisiraan gamit ang mga mapanakit na salita mong iyan, Lady Denise. Ang nangyari sa amin kay Ian sa loob ng kuwartong ito ay hindi gaya ng mga sinabi mo at kagigising gising ko lang din ngayon.”“Ako pa ang nangira? At nagsalita nang masakit?” Singhal ni Denise. Tumingin siya sa walang pangitaas na si Ian at sinabing, “Nahuli kita sa aktong kasama ang lalaking ito na wala nang halos suot na damit. Kaya paano mo nagawang depensahan pa ang iyong sarili, hayop ka!”Dito na sumigaw si Denise kay Ian ng, “Sabihin mo sa amin Ian. Ano ang nangyari sa inyo ng hayop na ito kagabi?”Gasp! Dito na napatingin ang lahat lalo na ang mga bantay ng Guang Ping Palace kay Ian. Sa mga sandaling iyon, napuno ang kanilang mga mata ng intensyong pumatay. Paano nagawa ng
“Ano ang sinusubukan mong gawin?” Natakot at nagalit si Monica habang tinitingnan ang paglapit ng may hawak na latigong si April.Dito na nagsalita ang may nagngangalit na mukhang si April, “Naging maganda ang trato sa iyo ni Lord Kenny Bred. Ang lakas ng loob mong gumawa ng mga ganiyang klase ng bagay! Mabuti na lang at agad itong nalaman ni Lady Denise dahil kung hindi, hindi na namin maisip pa ang mga susunod mong gagawin!” Whip!Habang nagsasalita, walang awa na nilatigo ni April si Monica. Kahit na walang tinik ang latigong ito, ibinabad naman nila ito sa maalat na tubig. Agad na bumuka ang mga parte ng laman ni Monica na tinatamaan ng latigo na siya ring pinanggalingan ng sariwa niyang dugo na kumalat sa mahaba niyang dress!Mas pinahapdi pa ng maalat na tubig ang kaniyang mga sugat na kaniyang tinamo na nakapagpasigaw kay Monica sa sobrang sakit habang nanginginig nang husto ang kaniyang katawan.Pagkatapos ng isang sandali, tumingin si Monica kay Ian at sumigaw ng, “Bakit
Noong mga sandaling iyon, kumaway si Denise sa mga maid na nagbigay ng hudyat sa mga itong dalhin ang anak ni Monica sa kaniya.Pagkatapos ng isang sandali, ngumiti si Denise kay Ambrose habang sinasabi na, “Magpakabait ka, Ambrose. May ginawang mali ang ina mo matapos niyang sumama sa ibang lalaki. Tinuturuan ko lang siya ng leksyon. Kaya huwag ka nang gumawa ng gulo ok?”Makikita ang kaunting pagkademonyo sa ginawang ngiti ni Denise habang sinasabi ang mga bagay na ito.Para kay Denise, isa lang anak sa labas si Ambrose. Pero kinakailangan pa ring magkunwari ni Denise sa harap ng napakaraming mga tauhan sa palasyo.“Hinding hindi gagawa ng mga mali ang mama ko.” Turo ni Ambrose habang galit na sinasabing, “Hinding hindi siya sasama sa ibang lalaki! Ikaw ang masamang tao! Ang masamang tao…”Gasp!Agad na nagdilim ang mukha ni Denise nang marinig niya ang mga salitang ito kaya nanggigigil na sumagot ng. “Hayop ka. Anong sinabi mo sa akin?”Slap!Wala nang pakialam sa kahit na s
“Ma… Tama na, mga salbahe…” Namaos ang boses ni Ambrose sa kakaiyak matapos makita ang eksenang ito.Nainis naman sa pagiyak na ginagawa ni Ambrose si Denise kaya sinenyasan na nito ang mga maid na alisin sa lugar na ito ang anak ni Monica.“Nawalan na po ng malay ang hayop na ito, Lady Denise. Ano na po ang gagawin natin?” Naglakad si April papunta kay Denise at maingat na nagtanong ng kanilang susunod na gagawin dito.“Woo!” Huminga nang malalim si Denise habang nakatingin sa walang malay na si Monica bago galit na sabihing, “Kailangan mo pa bang itanong iyan sa akin? Ilagay niyo ang kaniyang handprint sa sulat at pagkatapos ay ikulong niyo na siya. Ipaparada natin siya sa harap ng publiko sa loob ng tatlong araw.”Hinai maipaliwanag ang galit na nararamdaman ni Denise nang sabihin niya ito. “Pinahirapan ako nang husto ng hayop na ito!”“Opo!” Agad na sumagot si April habang naglalakad papunta kay Monica. Kinuha niya ang kamay ni Monica na puno ng sariwang dugo at idiniin ito sa
Tinulak pabukas sa mga sandaling ito ang pinto papasok sa opisina bago dahan dahang maglakad si Alisha Walls na nakasuot ng business outfit.“Nangangalahati ka pa lang?” Bahagya siyang yumuko sa harapan ni Darryl at sumimangot bago ikaway ang kaniyang kamay at sabihing, “Sige na, umuwi ka na sa inyo. Bukas mo na lang ituloy ang pagkopya.”Alam niyang hindi matatapos ni Darryl sa araw na ito ang pagkopya sa textbook. Masyado itong makapal kaya ginawa niya lang ito para magtanda si Darryl at magsumikap sa kaniyang pagaaral sa susunod.“Woo…” Patagong nakahinga nang maluwag si Darryl bago ngumiti at tumatangong sabihin na, “Maraming salamat, Miss Alisha.”Dito na siya tumalikod nang mabilis at umalis ng opisina. Tapos na ang klase sa mga sandaling ito kaya siguradong nakauwi na ang magkapatid na Box. Mabilis na naglakad si Darryl papunta sa entrance ng school. Ang pinakaimportanteng bagay para sa kaniya ay ang pagpunta sa ancestral hall ng pamilya para makita kung makukuha ba niya tal
Ang Ate Serendipity na nabanggit ni Alisha ay walang iba kundi si Abbess Mother Serendipity!Noong una ay mahilig magsuot si Abbess Mother Serendipity ng mahabang robe o mahabang dress sa World Universe. Ito ang unang beses na makita siya ni Darryl na nakasuot ng masikip na pantalon. Masyadong naging kaakit akit ang kaniyang katawan!Ilang taon na siyang hindi nakikita ni Darryl at mas naging attractive na rin ito ngayon. Pero hindi inasahan ni Darryl na makikita niya ito rito!Dito na sumakay si Abbess Mother Serendipity sa sasakyan at agad na nanginig sa kaniyang nakita!“D-Darryl Darby?”Nagngitngit ang mga ngipin ni Abbess Mother Serendipity. Dito na nabalot ng kakaibang hangin ang loob ng sasakyan!Natigilan din si Alisha matapos makita ang naging reaksyon ng mga ito. Tumingin siya kay Abbess Mother Serendipity bago tumingin kay Darryl at magtanong ng. “Ki-kilala ninyo ang isa’t isa?”“Hindi lang iyon!” Nanlalamig na tango ni Abbess Mother Serendipity sa naging tanong ni A
Hindi maiwasang mapangiti ni Darryl habang sinasabi ang mga bagay na iyon.Buwisit, nang dahil sa pagkawala ni Abbess Mother Serendipity ay nagawa siyang pagbintangan ng Sect Master ng Emei na si Aurora Hansen na pumatay sa kaniyang junior sister habang araw araw siya nitong ginugulo sa World Universe. Nagawa rin siya nitong itulak noon sa bunganga ng bulkan nang dahil dito!Walang tigil na ginalit si Darryl ng pangyayaring ito! Kaya kinakailangan na niyang ilabas ang kaniyang galit at itake advantage si Abbess Mother Serendipity ngayong nakita na niya rin ito! Haha!“Ano? Engaged na silang dalawa noon?!” Napanganga nang husto si Alisha na nagpapakita ng hindi makapaniwalang mukha.Gasp!Sa mga sandaling ito, namula ang mukha ni Abbess Mother Serendipity habang galit at napapahiyang tumitingin kay Darryl. “Huwag kang magsabi ng kung ano ano! Hindi pa ako engaged sa iyo!”Hindi talaga nagbago nang kahit kaunti si Darryl mula noong huli niya itong nakita. Mas tumindi pa ang paguuga
“Oo nga, hinding hindi ko pakakasalan si Darryl,” Sabi ng may lumilipad na isipang si Abbess Mother Serendipity habang nakatingin kay Alisha nang may napipilitang ngiti sa kaniyang mukha.Sa mga sandaling ito ay napuno ang kaniyang isipan ng mga bagay na tungkol kay Darryl. Patago siyang nagdesisyon na hanapin si Darryl nang magisa at makipagusap sa kaniya kinabukasan.Kahit na kinamumuhian ni Abbess Mother Serendipity si Darryl, dating magkakilala pa rin ang dalawang ito. Napagdesisyunan niyang humingi ng tulong kay Darryl na makabalik sa World Universe na siguradong sasangayunan nito.…Sa kabilang banda ng Old Town District sa Wanhai City.Isang mukhang sinaunang building complex ang pinaligiran ng nagtataasang mga pader apat nitong sulok. Ito ay walang iba kundi ang sinaunang hall ng pamilya Box!Napakalawak ng sinaunang hall na ito ng pamilya Box na may sulat na ilang libong square meters. Ang lahat ng mga building na nakatayo sa loob nito ay may luma, kamangha mangha at map