“Ma… Tama na, mga salbahe…” Namaos ang boses ni Ambrose sa kakaiyak matapos makita ang eksenang ito.Nainis naman sa pagiyak na ginagawa ni Ambrose si Denise kaya sinenyasan na nito ang mga maid na alisin sa lugar na ito ang anak ni Monica.“Nawalan na po ng malay ang hayop na ito, Lady Denise. Ano na po ang gagawin natin?” Naglakad si April papunta kay Denise at maingat na nagtanong ng kanilang susunod na gagawin dito.“Woo!” Huminga nang malalim si Denise habang nakatingin sa walang malay na si Monica bago galit na sabihing, “Kailangan mo pa bang itanong iyan sa akin? Ilagay niyo ang kaniyang handprint sa sulat at pagkatapos ay ikulong niyo na siya. Ipaparada natin siya sa harap ng publiko sa loob ng tatlong araw.”Hinai maipaliwanag ang galit na nararamdaman ni Denise nang sabihin niya ito. “Pinahirapan ako nang husto ng hayop na ito!”“Opo!” Agad na sumagot si April habang naglalakad papunta kay Monica. Kinuha niya ang kamay ni Monica na puno ng sariwang dugo at idiniin ito sa
Tinulak pabukas sa mga sandaling ito ang pinto papasok sa opisina bago dahan dahang maglakad si Alisha Walls na nakasuot ng business outfit.“Nangangalahati ka pa lang?” Bahagya siyang yumuko sa harapan ni Darryl at sumimangot bago ikaway ang kaniyang kamay at sabihing, “Sige na, umuwi ka na sa inyo. Bukas mo na lang ituloy ang pagkopya.”Alam niyang hindi matatapos ni Darryl sa araw na ito ang pagkopya sa textbook. Masyado itong makapal kaya ginawa niya lang ito para magtanda si Darryl at magsumikap sa kaniyang pagaaral sa susunod.“Woo…” Patagong nakahinga nang maluwag si Darryl bago ngumiti at tumatangong sabihin na, “Maraming salamat, Miss Alisha.”Dito na siya tumalikod nang mabilis at umalis ng opisina. Tapos na ang klase sa mga sandaling ito kaya siguradong nakauwi na ang magkapatid na Box. Mabilis na naglakad si Darryl papunta sa entrance ng school. Ang pinakaimportanteng bagay para sa kaniya ay ang pagpunta sa ancestral hall ng pamilya para makita kung makukuha ba niya tal
Ang Ate Serendipity na nabanggit ni Alisha ay walang iba kundi si Abbess Mother Serendipity!Noong una ay mahilig magsuot si Abbess Mother Serendipity ng mahabang robe o mahabang dress sa World Universe. Ito ang unang beses na makita siya ni Darryl na nakasuot ng masikip na pantalon. Masyadong naging kaakit akit ang kaniyang katawan!Ilang taon na siyang hindi nakikita ni Darryl at mas naging attractive na rin ito ngayon. Pero hindi inasahan ni Darryl na makikita niya ito rito!Dito na sumakay si Abbess Mother Serendipity sa sasakyan at agad na nanginig sa kaniyang nakita!“D-Darryl Darby?”Nagngitngit ang mga ngipin ni Abbess Mother Serendipity. Dito na nabalot ng kakaibang hangin ang loob ng sasakyan!Natigilan din si Alisha matapos makita ang naging reaksyon ng mga ito. Tumingin siya kay Abbess Mother Serendipity bago tumingin kay Darryl at magtanong ng. “Ki-kilala ninyo ang isa’t isa?”“Hindi lang iyon!” Nanlalamig na tango ni Abbess Mother Serendipity sa naging tanong ni A
Hindi maiwasang mapangiti ni Darryl habang sinasabi ang mga bagay na iyon.Buwisit, nang dahil sa pagkawala ni Abbess Mother Serendipity ay nagawa siyang pagbintangan ng Sect Master ng Emei na si Aurora Hansen na pumatay sa kaniyang junior sister habang araw araw siya nitong ginugulo sa World Universe. Nagawa rin siya nitong itulak noon sa bunganga ng bulkan nang dahil dito!Walang tigil na ginalit si Darryl ng pangyayaring ito! Kaya kinakailangan na niyang ilabas ang kaniyang galit at itake advantage si Abbess Mother Serendipity ngayong nakita na niya rin ito! Haha!“Ano? Engaged na silang dalawa noon?!” Napanganga nang husto si Alisha na nagpapakita ng hindi makapaniwalang mukha.Gasp!Sa mga sandaling ito, namula ang mukha ni Abbess Mother Serendipity habang galit at napapahiyang tumitingin kay Darryl. “Huwag kang magsabi ng kung ano ano! Hindi pa ako engaged sa iyo!”Hindi talaga nagbago nang kahit kaunti si Darryl mula noong huli niya itong nakita. Mas tumindi pa ang paguuga
“Oo nga, hinding hindi ko pakakasalan si Darryl,” Sabi ng may lumilipad na isipang si Abbess Mother Serendipity habang nakatingin kay Alisha nang may napipilitang ngiti sa kaniyang mukha.Sa mga sandaling ito ay napuno ang kaniyang isipan ng mga bagay na tungkol kay Darryl. Patago siyang nagdesisyon na hanapin si Darryl nang magisa at makipagusap sa kaniya kinabukasan.Kahit na kinamumuhian ni Abbess Mother Serendipity si Darryl, dating magkakilala pa rin ang dalawang ito. Napagdesisyunan niyang humingi ng tulong kay Darryl na makabalik sa World Universe na siguradong sasangayunan nito.…Sa kabilang banda ng Old Town District sa Wanhai City.Isang mukhang sinaunang building complex ang pinaligiran ng nagtataasang mga pader apat nitong sulok. Ito ay walang iba kundi ang sinaunang hall ng pamilya Box!Napakalawak ng sinaunang hall na ito ng pamilya Box na may sulat na ilang libong square meters. Ang lahat ng mga building na nakatayo sa loob nito ay may luma, kamangha mangha at map
Hindi naiwasan ng ibang mga disipulo na mapabuntong hininga sa kanilang nakita.“Paano naging ganito kalakas ang babaeng ito?”“Dali! Pumunta na kayo rito! May nakapasok!”“Dalian niyo na, tulungan ninyo kami!”Matapos ang ilang segundo ng pagkatulala, sumigaw nang malakas ang ilang mga nagpapatrolyang mga disipulo. At sa loob ng isang iglap, agad na nagulat at napalapit sa lugar na ito ang lahat ng nagbabantay sa ancestral hall. Nasa ilang daang tao ang nagpunta sa kinaroroonan ni Laura.“Wala na akong magawa kundi patayin kayong lahat at hanapin ito nang magisa ngayong ayaw niyong ibigay sa akin nang kusa ang Dragon Essence,” Nanlalamig na sinabi ni Laura.Buzz! Mabagal na itinaas ni Laura ang kaniyang mga kamay nang sabihin niya ito at isang kulay itim na bola ng apoy ang nagsimulang magliyab sa kaniyang mga palad. Dito na biglang gumulo ang ere sa kanilang paligid.Ang kulay itim na apoy na ito ay ang Hell Flame ni Laura—ang ikatlo sa pinakamahiwagang mga apoy sa buong mun
“Gusto mong makuha ang Dragon Essence? Mamamatay muna ako.”Sa mga sandaling ito ay kasalukuyang inaapakan ni Laura ang mukha ni Robert na nagpapakita ng nasasaktang itsura, pero mahigpit pa rin nyiang naisara ang kaniyang mga kamao!“Gusto ng babaeng ito ang Dragon Essence? Imposible!”Ang Dragon Essence ay ang kayamanang pinakaiingat ingatan ng pamilya Box na ipinasa sa kanila ng kanilang mga ninuno na nagbantay dito hanggang sa kanilang kamatayan para lang masiguro na maipapasa nila ito sa susunod na henerasyon. Mas pipiliin pa nilang mamatay kaysa ibigay ito sa kaniya!“Magaling!” Makikita ang hostility sa nanlalamig na itsura ni Laura matapos marinig ang mga salitang ito. “Kung hindi mo magagawang magsalita, pagsasalitain kita.”Buzz!Naglabas si Laura ng isang napakalaka sna aura bago itaas ang kaniyang kamay na gumawa ng isang kulay itim na Hell Flame sa kaniyang palad. Agad na nasira ang hangin sa paligid ng kaniyang ginawang Hell Flame!Namutla ang mukha ni Robert matap
“Woo!”Pagkatapos nito, lumutang ang White Lily Cold Flame sa gitna ng ere at agad na bumalot sa gintong box habang nasa ilalim ng kontrol ni Darryl!Tinitigan nang husto ni Darryl ang box habang maingat itong tinutunaw. Isa itong napakadelikadong trabaho dahil maaari niyang masira ang Dragon Essence na nasa loob ng box sa sandaling magkamali siya ng pagtunay sa lalagyan nito. Ang White Lily Cold Flame ang nangunguna sa mga mahiwagang apoy kaya natural lang na magkaroon ito ng napakatinding lakas.Psst, psst, psst.Hindi nagtagal ay nagsimula na ring matunaw ang gintong box matapos tamaan ng mahiwagang apoy ng White Lily Cold Flame!“Haha! Mapapasakamay ko na rin ang Dragon Essence!” Natuwa nang husto sa mga sandaling ito si Darryl na nanginig sa sobrang pagkasabik!“Maliit na diwata. Maliit kong asawa, hintayin moa ko. Ililigtas kita…”Swoosh!Pero isang babae ang pumasok sa mga sandaling ito! Ang babaeng ito ay may kaakit akit na hubog ng katawan at nanlalamig na mukha! Siya