"Tumabi kayo." Ang sabi ni Flynn pagbaba niya mula sa convoy. Pagkatapos, tinaas niya ang kanyang palad, at bumugso ang enerhiya mula dito. Agad na bumagsak sa lupa ang mga guwardya ng mga Caden. Naglakad si Flynn palapit sa gate, at sinipa niya ito ng malakas. Slam! Bumukas ang gate. "Lumapit ka dito, Tobias." Sumigaw siya ng malakas pagpasok niya sa courtyard. Nakuha nito ang atensyon ng marami. Sa isang iglap, lumabas ang karamihan sa mga miyembro ng mga Caden. Pagkatapos, nagpakita si Tobias. Tumingin siya kay Flynn, na nasa courtyard, kasama ang mga armadong lalaki na nasa likod niya. "Ama." "Lolo." Magalang na binati ng mga Caden si Tobias. Lumapit si Tobias kay Flynn at nagtanong siya ng nakangiti, "Anong problema, Mr. Blithe? Anong ikinagalit mo?" Ang sabi ni Flynn, "Huwag kang magpanggap na inosente, Tobias. Kumalat ang mga larawan nila Maxine at James. Nandito ako para sabihin sa'yo na dinala namin si James sa Western border. Inutusan ako ng tata
Muling inangat ni Tobias ang kanyang binti at sinipa niya ng malakas si Maxine. Muling tumalsik si Maxine sa pader. Gumuho ang pader sa lakas ng pagtama ni Maxine dito, at natabunan siya ng mga gumuhong bahagi ng pader. Subalit, bilang isang martial artist, hindi malubha ang naging pinsala sa kanya nito. Pinilit niyang gumapang mula sa ilalim ng gumuhong pader. Noong sandaling iyon, magulo na ang buhok niya, at duguan ang buong katawan niya. Lumuhod siya sa lupa at hindi siya nangahas na magsalita. Huminga ng malalim si Tobias at sinubukan niyang pakalmahin ang kanyang sarili. "Dinala ng Blithe family si James sa Western border. Ayusin mo ang gulong ginawa mo. Huwag mong idamay ang pamilya natin." Suminghal si Tobias at umalis. Pag-alis niya, bumagsak si Maxine sa sahig. Sinubukan niyang punasan ang bakas ng dugo sa kanyang mga labi. Pagkatapos, napuno ng luha ang kanyang mga mata. Tumulo ang mga ito pababa sa kanyang mga pisngi. Maririnig ang kanyang pag-iyak mula
Kinagat ni Maxine ang kanyang mga labi. Gusto niyang iligtas ni Tobias si James. Subalit, natatakot siyang ipahayag ang kanyang opinyon. Kung sabagay, buo ang loob ni Tobias tungkol sa hindi pagsunod sa mga kondisyon ng mga Blithe dahil nangangahulugan ito ng pagtalikod sa reputasyon ng kanilang pamilya. Ngayong nagalit sa kanila ang mga Blithe, nagdesisyon si Tobias na kalabanin na lang sila. Ang pagpasok niya sa closed-door meditation ay isang senyales nito. Balak niyang kumilos laban sa mga Blithe sa martial arts conference. Mag-isang nakaupo si Maxine sa courtyard. Paglipas ng ilang oras, tumayo siya at umalis. "Sandali lang."Bago siya makaalis, lumapit sa kanya si Bobby at ang ilang mga kabataan mula sa mga Caden at hinarangan nila ang daanan niya. Niyuko ni Maxine ang kanyang ulo at sinabing, "Bobby…" "Manahimik ka." Nagdilim ang mukha ni Bobby. Pagkatapos, hinawakan niya sa buhok si Maxine at sinampal niya ang kanyang mukha. Smack! Malinaw at malutong ang
Bago sumakay ng eroplano si Maxine, tinawagan niya si Thea at ikinuwento sa kanya ang mga nangyari.Sinabi niya ang buong katotohanan—simula sa pagpunta ni James sa Mount White, at kung paano siya pinagbintangan ni Madelyn sa isang bagay na hindi niya ginawa.Matapos ito marinig, nagdilim ang mukha ni Thea.“Nasa departure lounge ako at papunta na ng Cansington. Sa oras na dumating ako, maaari natin ito pagusapan muli kung paano natin maililigtas si James.”“Naiintindihan ko.”Ibinaba ni thea ang tawag. Pagkatapos, umupo siya sa sahig at nag-isip.Narinig niya mula sa Blithe King na papasok sa isang marriage alliance ang mga Blithe at ang mga Caden. Alam din niya na makapangyarihan ang mga Blithe na kung saan pati ang mga Caden ay takot sa kanila.Matapos ang panandaliang oras ng pag-iisip, inilabas ni Thea ang phone niya at tinawagan niya si Thomas.“I’m sorry, the number you have dialed is not in service.”Napasimangot si Thea bago niya naalala na sinabihan na siya ni Thomas na huwag
“At ilang mga second-rank at mga first-rank martial artist ang mayroon kayo?” tanong ni Maxine.Sumagot si Thea, “Mayroon kami na tatlumpu’t anim na second-rank at pitumpu’t dalawang first-rank.”Sapagkat nakataya na ang buhay ni James, sinabi ni Thea kay Maxine ang lahat ng tungkol sa God-King Palace. Naniniwala siya na mas magaling umisip ng plano si Maxine kaysa sa kanya. Sa mga sandaling ito, hindi niya alam ang gagawin niya. Ang alam lang niya ay si Maxine ang maasahan niya para mailigtas si James.“Whew!” huminga ng malalim si Maxine at sinabi, “Sapat na ito.”Kahit na hindi niya alam kung gaano makapangyarihan ang mga Blithe, nahuhulaan niya base sa pag-aalala ng lolo niya na maihahambing sila sa mga Caden. Hindi lang iyon, mayroon tao na kayang tumapat kay Tobias mula sa pamilya ng Blithe.“Pero sinabi mo na kahit si Tobias takot sa mga Blithe, at seventh-rank martial artist siya. Kung makikielam sila, walang labang ang mga fourth-rank natin na mga tauhan.” Pagdududa ni Thea.N
“Hindi sapat ang pagpapakita lamang. Kailangan din nila ang kumakatawan na technique ng mga Caden—ang Thirteen Heavenly Swords. Kahit na hindi pa nababasa ni Maxine ang Thirteen Heavenly Swords cultivation technique o sword technique, nakabisado niya ang mga galaw nito matapos makita na nag eensayo si Tobias.Ngayon, kailangan nila makaisip ng contingency plan para mapigilan nila ang mga Blithe sa pagkilos sa mahahalagang mga oras.Bukod pa dito, nauubusan na sila ng oras. Mayroon sila na halos dalawang araw na lamang.Sa loob ng dalawang araw, kailangan pagmukhain ni Thea na tila ito ang tunay.Matagal ito na pinagisipan ni Thea. Ito lang ang paraan para mailigtas si James. Kung kaya ni Maxine na isakripisyo ang buhay niya para kay James, paano siya susuko ng ganoon na lang?Tumango siya at sumagot ng madiin. “Gagawin ko ito sa abot ng makakaya ko.”“Mhm, ipatawag mo na ang mga tao mo mula sa God-King Palace. Natatakot ako na baka hindi ka umabot sa takdang panahon.”“Naiintindihan k
Sapagkat tinamaan ang accupuncture point niya, hindi siya makagalaw.Kahit na pilitin niya na paputukin ng sapilitan ang accupuncture point niya, hindi niya ito magawa kahit na ano ang gawin niya.“P*ta!”Bumukol ang ugat niya sa leeg habang nagmumura siya.“Pumutok ka na!”Pinilit niya na ipunin ang True Energy niya para paputukin ang selyado niyang accupuncture point.Bang!Isang malakas na pagsabog ang maririnig sa loob ng katawan niya.Tumaliksik ng ilang metro paitaas si James. Pagkatapos, bumagsak siya sa sahig at sumuka ng dugo. Ngunit, hindi siya makagalaw.Matapos indahin ang matinding sakit ng katawan, bumangon siya para suriin ang paligid.Madilim sa loob ng piitan. Nakakulong siya sa isang selda na may bakal na pinto. Sa labas, may kaunting liwanag na nagpakita ng kung ano ang nasa paligid niya. Maraming mga nakakulong rin sa piitan.Lumapit siya sa bakal na pinto, pero nakakandado ito.Hinatak ni James ng sapilitan ang kandado.Crack!Umalingawngaw ang tunog sa tahimik na
“Sino ka? Bakit ka nakakulong dito” tanong ni James habang palapit siya sa lalake na nakakadena.Sinuri niya ang taong ito mula ulo hanggang paa. Puti na ang buhok ng balbas saradong lalake, at mukhang taon na ng huli siyang naligo. Sa oras na lumapit si James, naamoy niya agad ang matinding baho.Habang nakatingin sa mga kadena sa matandang lalake, sinubukan ni James na hatakin ito. Gusto niya na sirain ito, pero matibay ang mga kadena. Kahit anong gawin niya, hindi niya masira ang mga ito.“Base sa kung gaano ka kahina, mas mabuti na sumuko ka na.” Umupo ang matandang lalake sa sahig. Sa oras na gumalaw siya, maririnig ang tunog ng mga kadena. Tamad niyang sinabi, “Gawa sa quartz steel ang mga ito. Hindi mo ito masisira.”Umupo si James at tinignan ang matandang lalake sa harapan niya. “Sino ka? Bakit ka nakakulong sa piitan ng Blithe family?”“Sagutin mo muna ang tanong ko.” Sinulyapan ng matanda si James.Matapos ang panandaliang pag-aalinlangan, sumagot si James, “Ako ang commande