“Hindi sapat ang pagpapakita lamang. Kailangan din nila ang kumakatawan na technique ng mga Caden—ang Thirteen Heavenly Swords. Kahit na hindi pa nababasa ni Maxine ang Thirteen Heavenly Swords cultivation technique o sword technique, nakabisado niya ang mga galaw nito matapos makita na nag eensayo si Tobias.Ngayon, kailangan nila makaisip ng contingency plan para mapigilan nila ang mga Blithe sa pagkilos sa mahahalagang mga oras.Bukod pa dito, nauubusan na sila ng oras. Mayroon sila na halos dalawang araw na lamang.Sa loob ng dalawang araw, kailangan pagmukhain ni Thea na tila ito ang tunay.Matagal ito na pinagisipan ni Thea. Ito lang ang paraan para mailigtas si James. Kung kaya ni Maxine na isakripisyo ang buhay niya para kay James, paano siya susuko ng ganoon na lang?Tumango siya at sumagot ng madiin. “Gagawin ko ito sa abot ng makakaya ko.”“Mhm, ipatawag mo na ang mga tao mo mula sa God-King Palace. Natatakot ako na baka hindi ka umabot sa takdang panahon.”“Naiintindihan k
Sapagkat tinamaan ang accupuncture point niya, hindi siya makagalaw.Kahit na pilitin niya na paputukin ng sapilitan ang accupuncture point niya, hindi niya ito magawa kahit na ano ang gawin niya.“P*ta!”Bumukol ang ugat niya sa leeg habang nagmumura siya.“Pumutok ka na!”Pinilit niya na ipunin ang True Energy niya para paputukin ang selyado niyang accupuncture point.Bang!Isang malakas na pagsabog ang maririnig sa loob ng katawan niya.Tumaliksik ng ilang metro paitaas si James. Pagkatapos, bumagsak siya sa sahig at sumuka ng dugo. Ngunit, hindi siya makagalaw.Matapos indahin ang matinding sakit ng katawan, bumangon siya para suriin ang paligid.Madilim sa loob ng piitan. Nakakulong siya sa isang selda na may bakal na pinto. Sa labas, may kaunting liwanag na nagpakita ng kung ano ang nasa paligid niya. Maraming mga nakakulong rin sa piitan.Lumapit siya sa bakal na pinto, pero nakakandado ito.Hinatak ni James ng sapilitan ang kandado.Crack!Umalingawngaw ang tunog sa tahimik na
“Sino ka? Bakit ka nakakulong dito” tanong ni James habang palapit siya sa lalake na nakakadena.Sinuri niya ang taong ito mula ulo hanggang paa. Puti na ang buhok ng balbas saradong lalake, at mukhang taon na ng huli siyang naligo. Sa oras na lumapit si James, naamoy niya agad ang matinding baho.Habang nakatingin sa mga kadena sa matandang lalake, sinubukan ni James na hatakin ito. Gusto niya na sirain ito, pero matibay ang mga kadena. Kahit anong gawin niya, hindi niya masira ang mga ito.“Base sa kung gaano ka kahina, mas mabuti na sumuko ka na.” Umupo ang matandang lalake sa sahig. Sa oras na gumalaw siya, maririnig ang tunog ng mga kadena. Tamad niyang sinabi, “Gawa sa quartz steel ang mga ito. Hindi mo ito masisira.”Umupo si James at tinignan ang matandang lalake sa harapan niya. “Sino ka? Bakit ka nakakulong sa piitan ng Blithe family?”“Sagutin mo muna ang tanong ko.” Sinulyapan ng matanda si James.Matapos ang panandaliang pag-aalinlangan, sumagot si James, “Ako ang commande
Bumuntong hininga ang matanda habang pagod ang mukha niya, “Hindi na rin naman magtatagal ang buhay ko. Wala ng saysay ang tumakas mula rito kung ilang dekada na rin naman akong nakakulong.”Natulala si James. Ilang dekada ng nakakulong ang matandang lalake na ito…Umupo din siya.Tinignan siya ng matanda. Habang kalmado ang itsura niya, nagtanong siya, “Sino ka? Saan ka nagmula?”Tinignan ni James ang matanda at sinabi ang totoo, “Isa akong Caden, isa sa Ancient Four.”“Oh, isang Caden?” Nabigla ang matandang lalake at tinitigan si James. Matapos ang ilang segundo, nagtanong siya muli, “Sino si Bennett Caden sa iyo?”Tumigil ng panandalian si James bago siya umiling-iling, “Hindi ko pa naririnig ang pangalan na iyon.”“Hindi mo kilala si Bennett Caden kahit na Caden ka?”“Sa totoo lang, mayroong labanan sa loob ng pamilya namin tatlumpung taon na nag nakararaan, at ang lolo ko, na si Thomas Caden, ay ipinatapon mula sa pamilya. Sapagkat lolo ko si Thomas, hindi ko alam ang tungkol sa
Naiinitan si James.Nararamdaman niya ang tindi ng enerhiya na dumadaloy sa buong katawan niya na tila sasabog na ito. Ngunit, nanatili siyang nakatitig kay Spencer, sinusubukan na tandaan ang bawat kilos niya at bawat salita.Sa loob ng piitan…Ipinakita ni Spencer ang sampung suntok ng Blithe Fist of Abomination. Samantala, si James, hindi na niya kinaya at nawalan na siya ng malay.Matapos ang mahabang sandali, nagkamalay na siya muli. Pagkatapos, agad siyang bumangon na tila may naalala siya bigla.Mabilis siyang lumapit kay Spencer. Nakayuko si Spencer habang nakaupo siya ng pa-lotus postion.“Master…” tinawag siya ni James.Ngunit, nanatiling tahimik si Spencer.Itinulak siya ng kaunti ni James at muling tinanong, “Anong problema, master?”Sa oras na itinulak siya ng kaunti ni James, bumagsak ang katawan niya sa sahig.Nanigas si James. Agad niyang tinignan ang pulso niya.“Ano?” natulala si James.Hindi na tumitibok ang puso niya. Ilang oras na siyang patay.Lumuhod si James sa
“Haha… sa tingin ko, hindi. Hindi ba’t ginulpi na ng Grand Patriarch si Tobias dalawampung taon na ang nakalilipas?”Nagkukwentuhan ang mga sundalong naghahanap kay James.Samantala, may isang lalake na nagtatago sa itaas ng bato. Ito si James.Pagkatapos silang marinig, napasimangot siya.Mukhang ang plano ni Madelyn na gumawa ng gulo sa pagitan ng mga Caden at mga Blithe ay gumana. Ngayon, magkalaban na ang dalawang pamilya.“Kailangan ko na umalis na agad dito.”Inipon ni James ang True Energy at lumipad sa ere na parang paniki. Sa pagkakataon na ito, sinigurado niya na maayos ang daloy ng True Energy para hindi siya gumawa ng ingay.Kahit na marami ang naghahanap kay James, walang nakakita sa kanya. Ligtas siyang nakarating sa lagusan palabas. Ngunit, bantay sarado ito ng mga disipulo ng mga Blithe.Sumimangot si James. Itinaas niya ang kamay niya at isang matinding puwersa ang lumabas sa mga daliri niya.Whoosh!Tinamaan ng enerhiya ang accupuncture points nila at nawalan ng mala
Natulala si James sa lakas ng Blithe Fist of Abomination.Huminga siya ng malalim at bumulong, “Sinabi sa akin ni Spencer na mas malakas ang suntok sa bawat ranggo. Ngunit, mas mahirap sila matutunan habang tumataas ang lebel. Kahit gugulin ng isang tao na may potensyal ang buong buhay niya, maaari pa din na hindi niya matutunan ang sampung suntok nito. Gayunpaman, sinabi niya sa akin na kaya ko talunin ang kahit na sino basta magawa ko matutunan ang tatlo sa sampung suntok.”“The First Fist: Mountain Shaper. Madali lang ito. Basta may True Energy ako na sapat ang lakas, magagamit ko ito para matutunan ang cultivation method.”“The Second Fist: Mirage,” bulong ni James.Ipinikit niya ang mga mata niya.Ang imahe ni Spencer na ginagawa ang Second Fist ay nagpakita sa isip niya. Naalala niya ang imahe na ginagawa ng master niya na tila gumawa siya ng isang daang mga kamao.Umupo ng lotus position si James at nagmeditate ng buo ang konsentrasyon. Muli niyang inisip ang imahe ng Second Fis
Isa pang boses ang maririnig.Pagkatapos, isang grupo ng mga tao ang pumasok.Sa unahan nito ay isang apatnapung taong gulang na lalake na halos tatlong daang kilo ang timbang. Dumagdag lang sa nakakatakot na itsura niya ang makapal niyang mga kilay.“Patriarch Sullivan…”Binati siya ni Flynn habang nakangiti.Isang nakatatandang lalake ang nakaupo sa isang bato, hindi kalayuan mula sa paanan ng Mount Littleroot. Nakasuot siya ng berdeng suit at medyo malaking mga bitones. Mukhang hindi tugma ang laki nito. Magulo ang buhok ng lalake.“Hindi ko inaasahan na pupunta ang mga Johnston at mga Sullivan… Mukhang ang lahat ng miyembro ng Ancient Four maliban sa mga Caden ay naparito,” bulong ng matandang lalake habang malagim ang itsura.Ito si James.Matapos bumalik sa Western Littleroot City, bumili siya ng lumang suit. Gumawa rin siya ng maskara at nagbalatkayo bilang matandang lalake.“Lahat sila may invitation cards. Hindi magiging madali para sa akin ang pumasok sa kabundukan.”Hinawaka