Kampante si Tobias sa impluwensya ng mga Caden. Dahil gumawa na siya ng pahayag para balaan ang mga pwersa, naniniwala siya na walang mananakit kay James. Alam niya kung anong ginagawa ni James, ngunit hindi niya gustong mangialam o magbigay ng tulong. Kapag tinulungan niya si James, nangangahulugan ito na tinutulungan niya si Mr. Lee, at iisipin ng iba na nakapili na siya ng papanigan. Gayunpaman, hindi niya magawang manindigan sa harapan ng martial art conference. Maiimpluwensyahan ng mga kilos niya ang buong sitwasyon at lahat ng pwersa ay mabilis na pipili ng kakampihan. Hindi niya ito gustong mangyari. "Wala ba talagang panganib na mangyayari?" Kumunot ang noo ni Maxine. "Ilang beses ko nang nakita si Madelyn. Kahit na bata pa siya, isa siyang tusong babaeng gumagamit ng tusong pamamaraan. Higit pa roon, siya ang palihim na nagbibigay ng suhestiyon kay Mr. Gabriel. Baka plano niyang gamitin si James para patayin ang Emperor para mapalala niya ang sitwasyon. Pagkatapos
Sa Mount White. Itinago ni Blake ang kayamanan niya sa isang lokasyong napapalibutan ng matatarik na bundok at madadawag na kagubatan. Walang patag na lugar dito na pwedeng paglapagan ng mga helicopter. Kung kaya't kailangang lumapag ng mga helicopter nang medyo malayo sa eksakto nitong lokasyon. Mahirap lakbayin ang daan sa gubat dahil nababalot ito ng halaman at ugat ng puno. Habang umuusad sila, kailangang patuloy na putulin ng team ang kung anomang nasa daan nila. Dapat ay aabutin lang ng limang oras ang paglalakbay, pero inabot ng walo hanggang siyam na oras sina James at ang partido niya. Madilim na nang narating nila ang kweba. Tinuro ni Blake ang bukana ng kweba at nagsabing, "Nasa loob ito. Dapat ba nating ilipat ang mga ito ngayong gabi o magpahinga muna tayo?" "Kaya ba nating dalhin ang lahat ng yan nang isahan?" tanong ni James. Tinignan ni Blake ang isandaang sundalong kasama nila at tumango. "Siguro." Pinag-isipan ito sandali ni James. Mahirap lakbayi
Hindi nagtagal, lumapit ang isang sundalo na may dalang kuneho at iniabot ito kay James. "Dragon General, nahuli namin ang kunehong ito. Nalinis na namin ito. Pwede mo tong iihaw kaagad. Napakasarap ng lasa nito!" Kinuha ito ni James at nakangiting nagsabi, "Salamat." "Walang anuman." Mabilis na umalis ang sundalo pagkatapos ipasa ang kuneho kay James. Isinabit ni James ang kuneho at tumingin kay Blake para magtanong, "Blake, bakit di mo sabihin sa'kin kung anong nangyari isandaang taon ang nakalipas?" Tumingin si Blake sa kanya at nagsabing, "Nasabi ko na sa'yo ang nalalaman ko. Kahit na descendant ako ng mga Davis mula sa Gu Sect, wala akong masyadong alam sa nangyari isandaang taon ang nakalipas. Konti lang ang alam mo base sa sinabi sa'kin ng lolo ko noong bata pa ako." "Hindi mo alam ang detalye?" "Hindi." Umiling si Blake. Dahil walang nalalaman si Blake, hindi na pinagpatuloy ni James ang usapan. Sa halip, nag-usap ang dalawa tungkol sa ibang bagay. "Sinong nan
Napahinto si Maxine sa tanong niya. Pagkatapos ng ilang segundo, tumango siya at sumagot, "Oo. Si Lolo ang nag-ayos ng kasal. Sabi ni James, "Narinig ko ang tungkol sa mga Blithe. Dati silang isang sect na humina hanggang sa maging martial family at muntik nang maubos. Buti na lang, mayroon silang talentadong martial artist na bumuhay muli sa pamilya. Nanatili silang hindi masyadong nagpapapansin, pero isa talaga silang malakas na pamilya at makakatapat sila sa Ancient Four. Ibig sabihin ba nito ay gustong makuha ni Tobias ang suporta nila sa martial art conference?" "Oo." Tumango si Maxine at nagsabing, "Tinuturo ng tatlong pamilya ang mga Caden. Inaatake kami at kailangan namin ng malakas na kakampi. Magandang maging kakampi ang mga Blithe at ang paraan para makuha sila ay gamit ng kasal." Kumunot ang noo ni James at nagsabing, "Sa panahon ngayon, paanong nangyayari pa rin ang mga ganitong mga gawi? Bakit ba sinasakripisyo ang kasiyahan ng iba para sa ikabubuti ng pamilya?" "
Naiinggit na tinitigan ni Blake si Maxine at nagsabing, "I-Ito ba ang lakas ng isang grandmaster?! Napakalakas ng enerhiyang bumubugso mula sa kanya!" Tumingin si Madelyn kay Maxine at mapangutyang ngumiti. "Narinig ko na matalino ka at taktikal. Dahil alam mong papunta ako sa Mount White, bakit hindi mo naiisip ang kahihinatnan nito bago ang lahat?" "Oh, teka. Naiintindihan ko na. Alam mo ang kahihintay nito pero pinili mo pa ring pumunta. Tutuparin ko na pala ang hiling mo!" Biglang ngumiti si Madelyn at ipinitik ang mga daliri niya. Bigla na lang, tumalon ang apat na kalalakihan mula sa ilang malalaking puno at lumitaw sa harapan nila. "Ang Four Guardians!" Halos hindi matukoy ang pagbabago sa ekspresyon ni Maxine. "Sugod!" Isang masamang ngiti ang lumitaw sa mukha ni Madelyn habang nag-utos siya, "Patayin niyo ang lahat maliban kina Maxine at James!" "Ang kapal ng mukha mo?!" Biglang humakbang si James paharap at tumayo sa harapan ni Maxine. Pagkatapos, tinitigan ni
Alam ni James hindi siya papatayin ni Madelyn at gusto lang nito na gamitin ang mga sundalo para pagbantaan siya. “Syempre, may isang salita ako.” Ngumiti si Madelyn at binulong sa apat na lalaki sa kanyang tabi, “Huwag niyo siyang pupuruhan. Hindi natin siya pwedeng patayin.”Tumango ang Four Guardians. At may isa sa kanila na lumapit kaagad. Umamba siya ng suntok, at isang malakas na pwersa ang bumalot sa kanya, na naging dahilan para lumipad ang mga tuyong dahon sa kanyang paligid. Maraming tuyong dahon ang nagtipon-tipon at umikot hanggang sa naging isang bola ng enerhiya. Tinitigan niya si James at sinabi, “Handa ka na ba, James?”Pumikit si James. Nag-concentrate siya sa Invincible Body Siddhi na nakatala sa medical book. Alam ni James na hindi niya kayang saluhin ang apat na suntok mula sa Four Guardians, pero para sa kapakanan ng mga sundalo Blithe Army, kailangan niyang gawin to.Pinadaloy niya ang kanyang enerhiya at pinadaan ito sa lahat ng mga meridians sa ka
”Ugh!” Sumuka ng dugo si James. Pagkatapos, tumalsik siya ng higit sa sampung metro bago bumagsak sa lupa. “James!” Kaagad na lumapit si Maxine. Nang bumagsak si James sa lupa, tumayo siya at umupo ng lotus position, habang pinapaikot ang kanyang enerhiya at pinipigilan ang Blood Energy sa kanyang katawan. Nang makita niya na nagawa ni James na makatayo, nakahinga ng maluwag si Maxine. Mabilis niyang pinaalalahanan ito, “James, kalimutan mo na lang to. Hindi nila ginagamit ang buong lakas nila laban sayo. Pitumpung porsyento lang ang ginamit niya. Hindi mo kakayanin kapag ginamit nila ang buong lakas nila laban sayo.”Kinaway ni James ang kanyang kamay. “Kailangan kong tanggapin ito, kahit na hindi ko kaya. Dinala ko ang mga taong ito dito at kailangan ko silang ibalik ng ligtas.”Pagkatapos ay tiningnan niya si Madelyn mula sa malayo at tinanong, “Pwede bang magpagaling muna ako sandali?”“Ayos lang,” tugon ni Madelyn. Kasabay nito, inobsebahan niya ng migi si James. Nagt
”Ikaw…” Nanggagalaiti si Maxine. “Ngayon na!” Utos ni Madelyn.Mabilis na kumilos ang Four Guardians. Bago pa man makapag-react si Maxine, tinapik na nila ang kanyang mga acupoint at pinigilan ang daloy ng kanyang True Energy, na pumalarisa sa kanya. Ngumisi si Madelyn at sinabi, “Maxine, dapat ay alam mo na ayaw ni Mr. Gabriel sa mga sagabal sa kanyang mga plano. Ayaw niya na makahanap ng tulong ang mga Caden.”Hindi maigalaw ni Maxine ang kanyang katawan. Pinanlisikan niya si Madelyn at tinanong, “Hindi ba’t siya ang iyong guro? Bakit Mr. Gabriel ang tawag mo sa kanya?” “Haha,” humagikgik si Madelyn.Hindi niya ipinaliwanag ang kanyang sarili at simpleng kinawayan lang ang Four Guardians na katabi niya. Tumango ang apat at mabilis na umalis. Dahan-dahan na lumapit si Madelyn kay Maxine. Hindi mapaikot ni Maxine ang kanyang enerhiya dahil silyado ang kanyang mga acupointsTinaas ni Madelyn ang baba ni Maxine at sinabi ng nakangiti, “Ang ganda mo namang babae. Kung lala